"Come in Smith." yaya ni Prof papasok sa loob ng bahay niya. This is my first time entering her house, at hindi ko alam kung anong naghihintay sakin sa loob."Baka pwedeng bilisan mo?" sarcastic na sabi nito. Napangiti naman ako ng tipid at binilisan ang lakad para makalapit sa kanya nauuna kasi siya sakin.
"Prof." tawag ko dito habang binubuksan nito ang pinto ng bahay nila.
"Hmm?"
"Wala ka naman pong aso dito diba?" nag-aalalang tanong ko dito. Oo matapang ako pero takot po talaga ako sa aso.
"You'll see." simpleng sagot nito na ikinabahala ko.
"Prof?"
"Pasok na Smith." sabi nito at nauna ng pumasok sa loob. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng bahay at tinitingnan ang bawat kanto ng bahay niya dahil natatakot ako na baka may asong lumabas.
"I have dogs Smith." sabi nito na ikinalingon ko dito. "Pero wala dito." napahinga ako ng maluwag dahil dun.
"Have a sit Smith, magbibihis lang ako." utos nito at iniabot pa sakin ang remote ng TV bago umakyat sa kwarto niya.
Hindi ganun kalaki ang bahay niya pero malinis at maayos. I found it peaceful and I feel comfortable. I turn on the TV at bumungad sakin ay balita, ililipat ko na sana ito sa ibang channel pero napako ang tingin ko sa taong iniinterview nila.
"So Doctor Mendrez how are you feeling that you're back here in your own country?" Tanong ng reporter dito.
"Well, I'm happy to be back." Tipid na sagot nito, wala pa rin siyang pagbabago maganda at masungit pa din siya. Ang layo na ng narating niya tulad ng inaasahan. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit bumalik pa siya, ang balita ko kasi sikat na siya sa ibang bansa bilang isa sa pinakamagaling na neuro surgeon doon.
"Doctor Mendrez hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa ka sa pinaka sikat na neuro surgeon sa New York at maraming offers sayo doon including the incentives. Ang tanong ay anong dahilan mo, bakit ka bumalik dito?"
"I just realized that I should serve my own country. Lalo na ngayon na kulang ang Pilipinas sa neuro surgeons."
"Saang hospital mo balak mag-apply ngayon doc?"
"Actually ang daming hospitals na nag-ooffer sakin ngayon but I will choose Solenia Medical Hospital." walang kagatol-gatol na sagot nito.
"Pambihira." bulong ko at napailing pa.
"Do you know that doctor Miss Smith?" nagulat pa ako dahil nakatayo na pala si prof sa likod at hindi ko man lang ito napansin.
"No prof, na curious lang po ako." pagtanggi ko na tinanguan naman niya at nagtungo na sa kusina. Pinatay ko ang TV at nagdesisyong sundan ito.
Nakapagpalit na siya ng damit and right now she's just wearing a short shorts paired by loose shirts. Sa itsura niya ngayon hindi mo aakalaing professor siya. She's still hot tho.
"What do you want to eat Miss Smith?" tanong nito na ikinabigla ko.
"Anything prof." simpleng sagot ko at umupo sa hapag habang pinagmamasdan siya. Nagulat pa ako ng bigla itong lumingon.
"There's no anything here Smith." masungit na sabi pa nito.
"Nilagang baboy na lang prof. I'm craving in soups right now." matinong sagot ko dahil nag-uumpisa na naman siyang maging dragon at nakakatakot yun.
"Okay." sabi nito at nag-umpisa ng ihanda ang mga lulutuin niya. Maaga pa naman 5 pm kami umalis ng school dahil magluluto pa nga siya.
"That doctor." napakunot ang noo ko ng magsalita siya habang naghihiwa ng gulay. "She is my sister's idol."
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...