Chapter 13

199 7 3
                                    

Warning: R18!!! Wag na magtanong kung bakit basta bawal sa bata! Wag matigas ang ulo!

"Hey lemming are you okay?" tanong ng babaeng abala sa panunood ng TV and guess what? Grizzy and the Lemmings na naman po ang pinapanood niya. Hindi ba siya nagsasawa sa palabas na yan?

"Yep, why did you ask?" sagot ko at bahagya pa siyang nilingon. Umiling naman ito habang nakatingin din sakin.

"Wala. Pakiramdam ko lang medyo may nagbago sayo nitong mga nakaraan. Or baka ako lang?" napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Okay lang naman talaga ako sadyang wala lang ako sa mood makipagbiruan ngayon.

"Prof sabado bukas, can I stay here tonight?" Pag iba ko ng topic. "Joke lang. Can I drink here instead? Hindi ako magkakalat promise."

"Baka maghubad ka na naman." biro nito habang nakangiti. Napatawa na lang din ako sa sinagot niya hindi naman siguro mangyayari yun lalo na at hindi naman ako maglalasing. Gusto ko lang talagang makapag-isip isip.

"Pwede or pwede prof?" nakapuppy eyes pa na tanong ko dito.

"Sige, pero hindi ka magpapakalasing ha?" paniniguro pa nito na tinanguan ko. "Sige kuha ako ng alak sa kusina dito ka lang." dagdag pa nito at umalis na para pumunta ng kusina. Napangiti naman ako nang makaalis siya.

Sa dami kong iniisip sa tabi niya lang ako nagkakaroon ng kapayapaan kaya nagbabakasakali ako na ngayon ako makapag-isip ng tama.

"Here's your drink Lemming." pag abot nito ng beer in can sakin. Agad ko naman itong kinuha at nginitian siya. Ngumiti lang din siya sakin bago umupo sa tabi ko.

Lately nadadalas na talaga ang pag ngiti niya sakin and I can't get used to it. Sa bawat pagngiti niya andun pa din yung pagkamangha at pagkabigla eh. Sobrang ganda niya kasi kapag ngumingiti siya at hindi ko maitatanggi na unti unti na akong nahuhulog at malapit na akong hindi makaahon.

"So, anong nangyayari sayo?" maya-maya ay tanong nito habang ang mga mata ay nasa TV pa rin pero may hawak siyang beer at sinamahan niya akong uminom.

Uminom muna ako ng beer bago siya binalingan.

"Can we talk first? Mamaya ka na manood." pakiusap ko pa dito na ikinalingon niya sakin.

"Ang pangit mong kabonding grabe kang magdemand." reklamo nito pero pinatay naman ang TV. Napatawa na lang ako ng mahina dahil hindi naman halatang under ko siya diba?

"Siguraduhin mo lang na magkwekwento ka Smith! Dahil kapag ako hindi natuwa sa mga sasabihin mo pagsasayawin kita ng sayaw ng lemmings." banta pa nito.

"Kalma prof." tumatawang sagot ko na lang.

"Spill." maotoridad na sabi nito. Kaso ayun nga hindi ko alam kung paano ko ba dapat i-open up sakanya ang problema ko.

"Prof anong gagawin mo kung yung taong dahilan ng sakit at hirap na naranasan mo sa past ay bumalik para ayusin yung sinira niya?" panimula ko na ikinabuntong-hininga niya.

"Bumalik ba ex mo?" instead of answering my question ay nagtanong din siya. Napakamot na lang ako sa ulo sa ginawa niya.

"Hindi prof. Sumagot ka na lang po kaya muna." reklamo ko dito.

"Hmm kung may magbabalik sa buhay ko na nanakit sakin sa past ang una kong gagawin siyempre pakikinggan ko muna yung rason niya. I know it's hard to do lalo na kung sobra yung sakit na idinulot niya. But it is the right thing to do for you to move forward. Walang mangyayaring maganda kung patuloy kang makukulong sa nakaraan." paliwanag nito. Napatango naman ako at muling napaisip sa naging sagot niya.

"Ang hirap naman prof. " reklamo ko nang marealize kung anong pinupunto niya. Ang hirap gawin ng sinasabi niya ngayon lalo na kung yung taong feeling gold na bumalik ay mas gusto pa yatang ilayo ako kay prof kesa ipaliwanag ang pagkawala niya.

THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)Where stories live. Discover now