"Good afternoon prof." bati ko sa research adviser ko na abala na naman sa Macbook niya. Hindi ba siya napapagod?
"Hmm." sagot lang niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Damot talaga.
"Dinala ko po yung hinihingi ninyo last week. Chapter 1 to Chapter 2 tulad ng sabi mo." inilapag ko sa mesa niya ang printed copy ng gawa ko. Nabaling naman ang atensyon niya dito.
"Good. I'll check it later and give it back to you tomorrow." umupo ako sa couch niya at pinagmasdan siya. Ang ganda pala ni prof habang nagtatagal. She's just wearing a simple university uniform pero ang lakas ng dating niya.
"Staring is rude Smith."
"Atleast sayo lang nakatingin." banat ko naman, nahuli niya pala akong nakatitig sakanya.
"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong nito.
"Bukod po sa titigan at landiin ka ay wala na. Pero kung gusto niyo naman pong dagdagan ang gawain ko pwede niyo naman pong ipadagdag na mahalin kita. Kayang kaya kong gawin yun." sagot ko at kinindatan siya na ikinairap naman niya. Sungit talaga.
"No thanks Smith madami ng nagmamahal sakin."
"Ayaw niyo pong dumagdag ako? Mas masarap akong magmahal kesa sakanila try mo prof liligaya ka sa piling ko." napatigil siya sa pagtype dahil sa sinabi ko at nilingon ako.
"Alam mo Miss Smith yang panlalandi mo sakin ibaling mo na lang sa paghahanap ng statistician ng research mo. Baka sakaling natapos ka pa agad." buntong-hiningang suhestyon nito na ikinasimangot ko. Hindi man lang ba niya maappreciate ang panlalandi ko? Humihina na nga yata ang flirting skills ko.
"Ayoko na nga pong maghanap ng iba kasi ikaw lang sapat na. Ehe, crush back mo na ko prof." may pataas-taas pa ako ng kilay habang sinasabi yan sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"So you have crush on me?" seryosong tanong niya na ikinatigil ko. Gago mali yata ang nasabi ko?
"May sinabi po ba ako?" pagdedeny ko. Binalik niya lang ang tingin niya sa MAcbook niya at hindi na ako sinagot.
"Leave now Miss Smith. Hindi tambayan ang opisina ko." maotoridad na utos niya at hindi na ako tinapunan ng tingin. Tumayo na ako para umalis pero bago ako maglakad tinitigan ko muna siya.
"You're right prof, I have a crush on you and I will do everything for you to crush me back. Bye prof, sunduin kita mamaya dito wag mo kong mamimiss." nakangiting sabi ko na ikinalingon niya kaya mabilis na tumakbo ako palabas ng opisina niya.
Muntik na akong hindi makahinga dahil sa sinabi ko. Did I just confess in front of her? Napangiti akong naglakad papunta sa cafeteria, I didn' know that flirting with her is much happier than pissing her. Dapat matagal ko ng ginawa ito.
______________________________________________
"You did what?!" malakas na bulalas ni C matapos kong sabihin na nagconfess ako kay Prof Yanai.
"Tone down your voice C." saway ni E dito. Napaka-ingay naman kasi pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyante dito sa cafeteria.
"What's wrong with that? Sinabi ko lang naman na crush ko siya anong masama dun?" inosenteng tanong ko sa kanila dahil yung mukha nung apat eh hindi maipinta.
"Sinabi mo bang isang taon mo na siyang crush?" tanong ni A na ikinatigil ko.
"Diba sabi nila ang crush daw tumatagal lang ng 3 months at kapag humigit 3 months eh ibig sabihin mahal mo na yung taong yun?" walang kwentang tanong ni B.
"Narinig ko din yan." pagsang-ayon ni C.
"Crush ko nga lang si Prof." pagdidiin ko.
"Crush nga daw na kapag tumagal pag-ibig na yan." dagdag ni C na ikinairap ko. Takte anong mahirap maintindihan sa crush lang?
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...