Naglalakad ako papuntang registrar to get our schedule, kasi opo tinamad na naman po ang mga kapatid ko and ako ang nautusan nila. Nasa second year na kami dito sa University and until now hindi pa rin namin natatapos ang mission na binigay ni dad at hindi ko alam kung bakit.
Nakarating ako sa registrar kung saan ang haba ng pila peste naman ayoko ng ganito. Pero dahil mabait ako pumila ako kahit na labag na labag sa loob ko. May nasa unahan akong dalawang student na mukhang mabait nagkakatuwaan sila saya ng pag uusap nila eh puro tawa.
"Sana bro maging professor pa din natin si Prof Yanai ano? Kahit naman masungit yun crush ko pa din." Sabi nung lalaki sa unahan ko.
"Suuss. Pinagpapantasyahan mo lang si ma'am." Sagot naman nung nasa harap niya at peste never kong pinangarap makialam pero potek naman tadhana napakabait mo talaga sakin.
"Aba syempre ang sarap kaya ni ma'am tingnan paano pa kaya pag sa kama?" Sagot na naman ng nasa harap ko na nakapag painit ng dugo ko at feeling ko deserve kong madetention ngayon basta mabasag ko lang ang mukha ng lalaki sa harap ko.
Itinap ko ang balikat ng tao sa harap ko at ramdam kong nabwesit siya dahil sa paulit ulit kong pag tap sa balikat niya.
"Ano ba?!" Sigaw niya sa mukha ko. Matangkad siya sakin pray for me.
"Ang baho ng hininga mo tssk. Wag mo ng pangarapin si Prof Yanai hindi yun pumapatol sa mabaho ang hininga." I said and smirked. Kitang kita ko kung paano siyang mamula sa galit and at this point alam kong gusto na niya akong tirisin pero dahil ako ang pinakamaganda sa lahi namin hindi ako natakot medyo lang.
"Anong sabi mo?!" Sigaw na naman niya sa mukha ko peste may tumalsik na laway. Lord patawad mapapaaway po ako.
"Sabi ko ang baho ng hininga mo at ang pangit mo kaya pwede ba tigilan mo na ang pagpapantasya mo kay Prof Yanai dahil hindi yun pumapatol sa Gorilla" Sagot ko na naman. Tapang ko talaga, congrats sakin.
Natrigger ko na ata ang galit ni kuyang mabaho ang hininga dahil oh my God nakakuyom na ang kamao niya at ready na siyang suntukin ang maganda kong mukha.
"Pasalamat ka babae ka." Masama ang tingin na sabi niya sakin.
"Oh thank you!" Sagot ko ulit, pasensya makulit kasi ako.
"Aba sinusubok mo talaga ako!" Galit na si kuya dahil opo sinuntok na po niya ako pero nakailag po ako. Mabilis po ako kasi kamag-anak ko po si flash.
"Hay naku kuya ang baho na ng hininga mo ang hina hina mo pa." Pang aasar ko na naman kay kuyang pangit. At dahil dun muli na naman po siyang sumuntok at nakailag po ulit ako. Medyo nagkakagulo na sa pila dahil sa aming dalawa.
Dahil marites sila ayun nanunuod sila sa action na nagaganap. Nakailang suntok na si kuya at ako ay nakailang ilag na din. Susuntok na naman si kuya kaya sinalag ko na lang napapagod na ako sa kakailag eh. Hawak ko ang kamay niya at medyo pinilipit ko ng konti. Nakita kong nasasaktan siya. Deserve.
Binitiwan ko na ng medyo naiiyak na siya pero dahil mayabang talaga si kuya eh sumuntok na naman at hindi ko ineexpect ko yun kaya ayan sapul ang face kong maganda. Masakit pota.
Napangiti lang ako sa ginawa niya hala lagot ito na naman po ako. Nasaktan na masaya pa.
"Hina mo naman pong sumuntok." Umatake ulit si kuya pero dahil kakasawang masaktan ay umilag ako at sinipa siya sa sikmura na ikinapilipit niya.
"Aba gago ka!" Sigaw nung kasama at niya nakisugod na. Asan na ba ang mga peste kong kapatid? Puro ilag na lang ako dahil opo nakakapagod, napapagod na akong umilag kaya hinintay ko na lang yung suntok ni kuya pero hindi naman tumama saakin.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...