Chapter 10

222 12 0
                                    

"Crsytal sandali!" sigaw ng taong kanina pa humahabol sakin. Simula pa lang nung dumating ako sa parking lot ay hindi na ako tinigilan ng gagang to. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya dito at kung bakit niya ako hinahabol.

Hindi na lang ako nakapunta sa Grizzy ko dahil sa kanya lintek at ngayon heto malapit na kami sa building ng education department hindi pa rin siya nagsasawang maghabol.

"Crystal! Pwede bang hintayin mo naman ako? Talk to me napapagod na akong tumakbo." pakiusap pa nito na ikinatigil ko at hinarap siya.

"Napapagod ka na pala eh bakit hindi ka tumigil? Ano pa bang kailangan mo sakin Doctor Mendrez?" seryosong tanong ko dito.

"Crystal." hingal na sabi nito. "I'm sorry-

"Enough doctor. Bakit ka nagsosorry at para saan pa?" sarcastic na tanong ko dito. "Stop following me hindi kita gustong kausap." huling sinabi ko at naglakad ng muli pero hindi pa man lang ako nakakalayo nang bigla ako nitong hawakan sa kamay at hilahin papunta sa lugar kung saan walang masyadong dumadaan na estudyante.

"Listen to me first Crystal-

"Faith. Call me Faith." matigas na putol ko sa sasabihin na naman nito. Crystal siya ng Crystal eh wala na nga si Crystal.

"Faith. Are you still mad at me? I'm sorry. Hindi ko sinasadya." napatawa ako dahil sa sinabi niyang yun. Tangina sa hindi sinasadya, ginagago niya ba ako?

"Aling parte ng pagkakamali mo ang hindi mo sinasadya doc? Saan dun? Hindi ko kasi mahanap kung alin ang hindi sinadya eh. I lost my friend because of you. I lost her because I chose to be with you but you hurt me and you left without even thinking that I am here! I am here waiting for you to comeback. 3 fucking years doc! 3 years akong mag-isa! 3 years akong binabagabag ng masamang panaginip at ikaw asan ka? Wala! Kaya para saan ba dun ang sorry mo?" galit na sumbat ko dito pero ang nakakatawa lang wala akong maramdamang luha sa mga mata ko.

"I'm sorry for everything Faith." umiiyak na sabi nito. "Naduwag ako."

"Oo nga! Naduwag ka! Kaya pinili mo kong iwan kahit na alam na alam mo kung gaano ako masasaktan! Double kill sakin yun doc! Ikaw ang pinili ko pero hindi mo nagawa yun para sakin. At ngayon babalik ka para humingi ng tawad? Wag na lang! Umalis ka na ayoko ng makita ang pagmumukha mo." taboy ko dito.

"Pero-

"What's going on here?" putol ng babaeng kadadating lang at mukhang dumaan siya sa cr dahil dito siya dumaan sa may pwesto namin. Mabilis na inayos naman ng doctor na kaharap ko ang itsura niya dahil mukha siyang inapi sa lagay niya ngayon.

"Nothing prof. Nagtatanong lang po siya ng daan papunta sa medical department. Right doc?" pagsisinungaling ko dito.

"Yeah, that's right. Anyway I have to go thank you miss." pagsakay naman ng doctor sa sinabi ko na siyang ipinagpasalamat ko. Mabilis na umalis ang doctor sa harap ko at hindi na kami nilingon.

"Bakit hindi ka dumaan sa opisina ko bago ka pumunta dito Lemming?" tanong nito nang makalayo na ang doctor na gumugulo sakin ngayong umaga, napangiti naman ako sa itinawag niya sakin gagi simula talaga sa araw na to araw-araw na akong manonood ng Grizzy and the Lemmings.

"Namiss mo ko?" nakangising tanong ko.

"Hmm, muntik na kaso nakita ko na may kausap kang iba kaya nawala bigla." ay gago nagseselos na ba siya sa lagay na yan?

"Nagtanong nga lang po siya ng daan Grizzy." giit ko na ikinairap niya.

"That doctor is beautiful paano kung maging crush mo siya mukha pa namang mahilig ka sa nurse at doctor." dahil sa sinabi niyang yun ay napatawa ako ng malakas. My Grizzy is so cute!

THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)Where stories live. Discover now