Chapter 9

226 14 0
                                    

Nagising ako na madilim na ang paligid, teka! Ha? Gabi na? Bakit ang dilim? Diba dapat ay maingay at maliwanag dahil nasa bar ako kanina lang?

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit pag upo ko sa kama pero agad ding nawala nang maramdaman kong wala akong suot na kahit ano at tanging kumot lamang ang bumabalot sa katawan ko.

Gago nakidnap ba ako at ni rape? Jusko! Hindi na ba ako virgin?!

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng silid at isa lang ang masasabi ko. Kung sino man ang kumidnap sakin ang sosyal niya ha. Ang ganda ng kwarto at halatang malinis, mukhang babae ang may-ari dahil halos kulay pink ang gamit mula sa unan hanggang sa kumot at napaka bango pa amoy cherry.

Teka? Amoy cherry?? Isang tao lang ang alam kong amoy cherry! Pero malabo namang siya ang kumidnap sakin eh halos gusto na nga akong itapon sa ilog nun eh.

"Are you done battling with yourself Smith?" napapitlag ako nang biglang may magsalita mula sa pinto ng kwarto at nang lingunin ko ito ay poker face lang na mukha ni prof ang sumalubong sakin.

Nakasuot siya ng manipis na sando at maikling short. Ang hot niya sa suot niya jusko!

"Eyes on me Smith not on my body." nakasmirk na sabi nito. Teka ako? Nakatingin sa katawan niya? Tama! Ang sexy kasi niya anong magagawa ko? Pero teka?! Bakit puro ako teka? Teka nga! Bakit ako nandito? Bakit siya nandito? Paano ako napunta dito? Bakit ako hubad?

"Did you ra-

"Oppppsss! Close your mouth Smith!" Pagpigil nito sa dapat ay itatanong ko. "I didn't raped you. Ikaw ang naghubad ng sarili mong damit. Iniwan lang kita diyan sa kama saglit para kumuha ng bimpo at tubig pero pagbalik ko nakahubad ka na." mabilis na paliwanag nito. Ay gago ako naghubad edi?

"Nakita mo katawan ko?!!" malakas na bulalas ko. Jusko ano na naman bang katangahan ang ginawa ko. Dahan dahan naman siyang tumango sa tanong ko na ikinahilamos ko sa mukha. Tangina kakahiya ka self.

"Fix yourself Smith. Hihintayin kita sa sala." huling sinabi nito at tumalikod na, na siyang ipinagpasalamat ko. Jusko hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin matapos ng pinaggagawa ko ngayong araw.

Mabilis na hinanap ko ang mga damit ko na hindi naman ako nahirapan dahil nakaayos lamang ito sa side table. Jusko pati undies ko natupi niya?

Hindi na talaga ako virgin! Nakita na ni prof ang katawan ko, jusko po!

"Smith gaano ka pa katagal diyan?!" malakas na sigaw ni prof mula sa sala kaya nagmadali na akong magbihis. Jusko naman quota na po ako sa kahihiyan wag niyo na po sanang dagdagan.

Inabutan ko siyang nakacross legs habang nanunuod ng tv at men she's so hot. Parang gusto ko siyang lapitan ngayon at halikan. Mahalay man pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko.

'May girlfriend siya bruh!'

Tanginang konsensya ito panira ng moment alis ka nga!

'Sinasabi ko lang baka kasi umasa ka na naman!'

Oo na. Wala na talaga akong kakampi sa lifetime na to.

"Tatayo ka na lang diyan?" hindi nakatinging tanong ni prof. Nakita niya ako kahit hindi siya nakatingin, ang galing diba? Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya at umupo sa tabi nito na may isang metrong distansya. Tiningnan ko naman ang pinapanood niya at napatawa ako ng mahina nang makitang Grizzy and the Lemmings ang pinapanuod niya.

"Why are you laughing?" takang tanong nito.

"Wala po, nagulat lang ako na ang estrikto at masungit na professor na katulad mo ay nanunood ng cartoons." tumatawang sagot ko na ikinalingon niya sakin.

THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)Where stories live. Discover now