"Faith?" gulat na pagtawag ni Doctor Zamira sakin matapos ko itong puntahan sa medical mission nila. Sinadya ko talagang dito tumuloy matapos ng nasaksihan ko kanina sa university. Dahil kahit papano gusto kong gumaan ang nararamdaman ko at baka makatulong si Zam dito.
"Doc. May maitutulong ba ako?" tanong ko dito at bahagya pang ngumiti sa kanya.
"Ha? Ah-eh patapos na din kami. Kaya na nila yan." sagot naman nito habang nakangiti din. Yung ngiti na palagi niyang ibinibigay sakin tuwing magkasama kami. A tear escape from my eye again, agad naman itong pinunasan pero alam kong nakita niya yun dahil nabakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito na agad kong tinanguan.
"Crystal." pagtawag pa nito sa pangalan ko at halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. Kilala niya pa rin pala ako. Samantalang ako hindi ko na yata kilala ang sarili ko.
"Zammy." pigil ang luhang pagtawag ko dito. Tangina nagiging iyakin na ata ako? Ito ang nakakainis sa sarili ko kapag ganitong may nararamdaman ay nagiging emosyonal ako.
"What is it Crystal?" malambing na tanong nito. Ang tagal kong hinintay na marinig ulit ang boses niyang ganun at aaminin ko na namiss ko siya.
"Pwede ko na bang marinig ang mga dahilan mo? Napapagod na akong tumakas, pwede ba?" umiiyak na pakiusap ko dito. I can't believe that I'm doing this pero kung ito lang ang paraan para kahit papaano ay mabawasan lahat ng bigat na nararamdaman ko papakinggan ko siya.
"Of course! My goodness Crystal, ikaw lang naman ang hinihintay ko. Takbo ka kasi ng takbo kaya ka napapagod." panunumbat pa nito na akala mo ay ako pa ang may kasalanan.
"Kasalanan ko pa pala na iniwan mo ko ganun?" kunot noong singhal ko dito na ikinangiti niya. Ang ganda ng ngiti niya pero mas maganda pa din ang ngiti ni prof- ay tangina sabing kakalimutan ko muna ang kabute na yun eh!
"Wala akong sinabing ganyan. Wait lang. Hintayin mo ko dito magpapaalam lang ako sa mga kasama ko." sabi nito bago umalis.
Pinanood ko lang siya habang nagpapaalam sa mga kasama niya. Alam kong hindi pa oras para umalis siya pero sino bang makakapigil sa kanya? She's Doctor Zamira Mendrez and she will do what she wants. Wala siyang pakialam kung may magagalit o masasaktan siya sa gagawin niya. Kaya nga umalis pa rin siya kahit alam niyang masasaktan ako.
"Hey Crystal let's go?" yaya nito sakin at hinawakan pa ako sa braso. Tila napaso naman ako sa pagdikit ng palad niya sa braso ko kaya agad ko itong nabawi.
"I'm sorry Zammy." hinging paumanhin ko dito dahil alam kong naoffend siya naging action ko. Sorry naman feeling ko lang kasi talaga mali yun. Mapapatay ako ni prof kapag nakita niya ang ginawa ni Zam. Teka nga bakit nasali na naman ba ang Grizzy na yun? Napailing ako sa isiping yun. Kahit talaga anong gawin ko siya at siya pa rin ang naiisip ko lintek!
"It's okay. Tara?" nakangiting sagot naman ni Zammy.
Nag convoy na lang kami dahil dala ko ang sasakyan ko. Tumigil kami sa isang resto, hinintay pa niya akong makababa sa sasakyan ko dahil nauna siya sakin. Kanina ko pa napapansin na ginagawa niya ang bagay na nakasanayan niyang gawin noong panahon na nilalandi ko pa siya. Sorry na lang kasi hindi na yata bebenta sakin ang mga ginagawa niya.
Ipinagbukas niya pa ako ng pinto at siya pa ang nag-order ng pagkain namin. Mga bagay na hindi kayang gawin ni prof para sakin dahil ako yung gumagawa. Why do I have to compare them anyway?
"So, what do you want to know?" tanong nito matapos sumimsim ng tubig.
"Lahat." tipid na sagot ko habang nakatingin sakanya. May nagbago sa kanya, mas naging sexy siya ngayon at nagmatured bagay na mas ikinaganda niya. Oo maganda si doc pero mas maganda pa rin talaga ako.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...