Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan, I'm planning to leave. Gusto ko lang naman magpahinga saglit. Oo na, tatakas ako mali tatakas muna ako sa lahat. Gusto kong makapag-isip isip at magagawa ko lang yun kapag umalis ako sa lugar na to.
Nakababa na ako kahit nahirapan dahil sa dilim ng paligid. Ayokong magpaalam sa mga kapatid ko dahil siguradong hindi naman nila ako papayagan kaya takas na lang ang ganap.
"Where are you going?" isang malamig na boses ang nakapagpatigil sakin sa pagbukas ng main door. At kilalang kilala ko yun.
"E." halos pabulong na tawag ko dito. Anong ginagawa niya dito sa sala ng ganitong oras? Akala ko pa naman tulog na siya.
"Tatakas ka?" tanong pa nito. At kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakainom siya base sa boses niya.
"I just want to be alone." seryosong sagot ko. "You're drinking again." dagdag ko pa.
"I'm suffering just like you." salaysay nito na ikinatigil ko. "Ang hirap hirap Crystal. Ang hirap kalabanin ng taong mahal na mahal mo. It feels like I'm killing my self." ano daw? Anong meron? Masyado na ba akong nagpapaapekto sa nangyayari sa amin ni prof at nakalimutan ko na ang dahilan ng pagpunta namin dito?
"D gathered more evidences that lead us to find the real culprit. And I can't f*cking accept it! Anntonia betrayed me! At alam mo kung anong mas malala dun? She wants us dead, she want to terminate all of us, even me." umiiyak na dagdag nito na mas ikinabato ko. Tangina?
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko. Hindi maprocess ng maliit kong utak ang mga sinasabi niya. Bakit naman gagawin ni Anntonia yun? Anong kasalanan namin sa kanya?
Imbes na sumagot si E ay tumawa lang ito habang umiiyak. Ay hala natuluyan na atang maboang ang kakambal ko.
"Hindi ko alam! Pero alam mo kung anong mas nakakainis sa lahat? Dad knows everything! He owned that freaking university. Lahat ng alam natin simula pa lang ay kasinungalingan na! Walang magnanakaw pero may gustong pumatay satin at alam yun ni dad!" galit na sabi nito. Tangina talaga seryoso ba to? Eh anong ibig sabihin nung video? Pang gulo lang? Anong ginagawa namin dito? Ipinain lang ba kami ni dad?
~
"Pinatawag ko kayo dito para sa isang misyon." seryosong sabi ng tatay naming kapatid ni astro boy dahil sa hair style niya."What kind of mission dad? Saka kami lang? Paano si D?" tanong naman ni A. Ngayon na lang ulit kami magkakaroon ng misyon nang sama-sama pero wala si D kaya hindi kami kompleto.
Sa aming anim si A yung pinaka nakakatakot kapag seryoso tapos pangalawa si B. Si E matagal ng kasing lamig ng yelo yan pero takot din yan kay A. Si D ang nagsisilbing light namin dati kasi siya ang matalino samantalang ako at C ay tama lang na maganda at pogi.
"He will be joining you when he gets better." sagot ni dad. "My friend from Bicol call me yesterday and he's asking for our help. May-ari siya ng isang university sa Bicol at ang misyon ninyo ay tulungan siyang hanapin ang tumatraydor sa kanya." ano daw? Traydor lang pala bakit kailangan kami pa?
"Dad parang ang simple naman ng problema niya bakit kailangang kami pa?" tanong ni C ng nasa isip ko. Sabi na magka wave length talaga kami.
"It seems to be simple but it's not. The friend of mine was poisoned and not able to attend his duty. Kaya kayo ang inutusan ko dahil mas may tiwala ako sainyo." inabot nito samin ang folder na naglalaman ng files namin.
"Andyan na lahat ng kailangan ninyo. Nakaenroll na din kayo at wala ng ibang aasikasuhin kundi ang pag-aaral at ang misyon." dagdag pa nito. Sinilip ko ang folder at napangiti ako dahil siyempre tinanggal niya ang second name ko dun pero agad ding nawala ng mabasa ko ang apelyido ko na rhyme na rhyme sa pangalan ko.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomansPaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...