Chapter 18

198 11 2
                                    

Seryoso lang akong naglakad papunta sa classroom ko habang nakasuot ng headset at wala akong pakialam kung late na ako. Tinanghali ako ng gising at walang kahit na sino sa mga kapatid ko ang sumubok na kulitin ako para bumangon. Hindi ko alam kung alam nila ang nangyari sakin pero alam kong ma idea na sila dahil umuwi akong lasing na lasing nung isang araw at hindi na rin ako nag-abalang pumasok pa kahapon.

Ngayon ko lang naisipang pumasok matapos ng maghapong kakainom kahapon at pagmumukmok. Oras na ni professor Yanai at fifteen minutes na akong late. I know that she hates late comers but I don't care because I hate her too. Yeah I do love her, but right now I hate her for hurting me so damn much.

Walang katok katok na pumasok ako sa nakasaradong pinto ng classroom at lahat sila napatingin sakin pati na ang professor ko na ngayon ay nasa unahan at seryosong nagtuturo base sa hawak nitong marker at sulat sa whiteboard.

"Oh good morning to you Miss Smith." Sarcastic na bati nito sakin na ikina smirk ko lang. Anong good sa morning kung mukha niya ang makikita ko? Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya at oo maganda siya pero hindi nun mababago ang nararamdaman kong sakit at bwesit sa kanya. She's wearing pencil cut skirt and long sleeve polo, the first three buttons of her polo are open that reveals her cleavage. So, yan ba yung sinasabi ni E na pagbabago sa pananamit niya?

"Walang good sa morning professor." sagot ko na mas ikinalisik ng mga mata niya.

"Is that how you answer with your professor Miss Smith? At ang lakas pa ng loob mo na pumasok sa klase ko ha? Anong oras na ba sa tingin mo?" galit na tanong nito. Muntik na akong matakot sa hitsura niya ngayon pero naalala ko lagi naman siyang ganyan sakin ano pa bang bago?

Balak ko sanang tumingin sa braso ko para tingnan ang oras pero naalala ko wala nga pala akong suot na relo.

"Ikaw po ang may suot na relo prof bakit hindi mo na lang tingnan?" pilosopong sagot ko dito at derederetsong humanap ng mauupuan. Napili kong maupo sa likod ni E kung saan nakaupo ang kaklase kong lalaki hindi ko lang sure kung anong name niya basta ang alam ko Zafra ang apeliyedo niya.

"Sinong may sabi sayo na maupo ka?" galit pa ring tanong nito. Lahat ng kaklase ko ay tahimik lang pati ang mga kapatid ko na tila nanunuod ng sine sa paraan ng pag-sasagutan namin ni prof.

"Wala po." plain na sagot ko habang naka-emphasize ang word na po.

"Get out Smith! You're 15 minutes late and considered as absent so stop bothering yourself and get out." maotoridad na utos nito na inirapan ko lang.

"Mark my name as absent but I'll still sit here and listen because I want to learn professor." matapang na sagot ko pa na tuluyan ng ikinagalit ng professor ko pero wala na siyang nagawa at bumalik sa unahan para magturo.

"Get 1/2 sheet of paper. Number 1!" Ay tangina akala ko magtuturo bakit may quiz?

"Ang galing mo dun Smith ha? Nagawa mong sagutin ang hot professor natin." bulong ni Zafra habang kumukuha ng papel.

" Pangalawang araw na niyang nagsusungit ngayon. Minsan nga iniisip ko na ganyan din ba siya sa girlfriend niya kapag nagses*x sila-

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Zafra at bigla ko na lang itong sinuntok sa mukha na ikinabulagta niya sa upuan niya. Madali lang para sakin na gawin yun dahil ang lapit lapit ng mukha niya habang sinasabi niya yun.

"Hindi porke't sinagot ko ng ganun si professor ay may karapatan ka ng bastusin siya sa harapan ko ng ganun!" Galit na bulyaw ko dito na ikinalingon na ng professor namin na abala sa pagbura ng sulat sa white board. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na din sa amin at ang mga kapatid ko ay tumayo na din.

THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)Where stories live. Discover now