"Emerald Chime Velasco, we need to talk." sabi ko sa kakambal ko na akmang aalis na para iwan ako sa loob ng opisina. Umalis na ang apat dahil may kanya-kanya pa daw itong lakad.
Nakatira kami sa iisang bubong except kay A at D na may sari-sariling bahay na tinutuluyan kasama ang mga asawa nila. Pero kahit nakatira kami sa iisang bahay ay kapag maggagabi na ay hindi na talaga kami halos magkirita unless nagkayayaan na magbar or uminom.
"F." halos pabulong lang na sambit ng kakambal ko. Alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon at hindi ko siya masisisi.
"Twinny, alam kong alam mo kung sino siya diba? Kung ako nga nakilala ko ito kahit malabo ikaw pa kaya?" panimula ko dito. Alam ko mahirap para sa kanya ito pero kailangan naming harapin dahil kung tama ako pati siya maaaring madamay sa gulong ito.
"Twinny matagal mo siyang nakasama kaya matagal mo na siyang kilala. Ano sa tingin mo ang pakay niya sa admin office?" tanong ko pa dito dahil tila nawala na ito sa sarili sa lalim ng iniisip. I don't want this to cause any trouble to my sister, pero kung hindi ako o kami kikilos baka lalo lang kaming mapahamak.
"Kilala ko nga ba talaga siya F? Sa lahat ng ginagawa niya ngayon pakiramdam ko hindi ko na siya kilala." umiiyak na sabi nito. Nakaramdam naman ako ng awa dito.
"She left me without any word and now she came back to cause troubles? Grabe naman. Palagi na lang ba niya akong sasaktan ng ganito? She's my wife and I love her pero sa ginagawa niya pakiramdam ko ibang tao na siya." patuloy pa nito.
"E you have to be strong, okay? Tulungan mo ko aayusin natin ito." tipid ang ngiting sabi ko dito. Kailangan naming mahanap si Anntonia dahil siya lang ang makakasagot ng mga tanong namin ngayon.
"What should we do?" naguguluhang tanong nito.
"Try to contact her again. Subukan mo lang at kapag sumagot siya saka na tayo gagawa ng actions. For now tayo lang naman ang nakakilala dito kaya safe pa tayo." paliwanag ko dito. Hangga't maaari ililihim muna namin sa iba dahil paniguradong gagawa sila ng action kahit masaktan pa si E at hindi ko hahayaan yun.
"Sige." pagpayag ng kakambal ko.
"Magpahinga ka na." utos ko dito at binigyan pa siya ng isang yakap bago umalis. Nasasaktan ako para sa kanya pero wala na naman akong magawa.
~
"Good morning my Grizzy." bati ko sa magandang professor nang lumabas ito sa gate ng bahay nila. Pero imbes na bumati ito pabalik ay inirapan lamang ako nito. Okay, ano na namang kasalanan ko?
"Grizzy bakit galit ka na naman?" kunot-noong tanong ko dito. May dalaw ba siya? Okay pa naman kami kahapon ah?
"Bakit hindi ka tumuloy sa loob?" galit na tanong nito. Yun lang naman pala ang ikinagagalit niya eh bakit hindi niya agad sinabi?
"Eh kasi po Grizzy ko malelate tayo kung papasok pa ako isa pa baka ayaw mo kong papasukin kaya hindi na ako tumuloy." pagdadahilan ko.
"Tss, kahit kailan ang bulok mong magpalusot. Tara na nga." galit pa ring sabi nito bago tuloy tuloy na pumasok sa sasakyan ko at hindi na nahintay na ipagbukas ko pa siya.
Muntik na akong kabahan kaso ako to oh si Faith Crystal Velasco ang pinakamaganda sa lahi namin kaya wala sa vocabulary ko ang matakot. Bago ako pumasok sa driver seat ay binuksan ko saglit ang pinto sa backseat para kunin ang peace offering sa Grizzy kong lagi na lang galit.
Nalaman ko kasi na mahilig pala siya sa sunflower kaya bumili ako ng bouquet para sa kanya bago ako pumunta dito nagdagdag na din ako ng isang box ng chocolates na ayon sa aking pananaliksik ay paborito din niya.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...