"Good morning class. So I just wanna ask kung may naisip na kayong title para sa action research na gagawin ninyo." tanong ng professor namin, napahalumbaba na lang ako dahil ngayon ko lang naalala na may ganun nga pala.
"Kung wala pa siguro mas magandang mag-umpisa na kayong kumuha ng adviser ninyo para maipacheck niyo na agad yan. Tandaan ninyo ang bilis lang lumipas ng araw kaya asikasuhin niyo na yan."
"Yes prof." sagot naman ng mga siraulo kong classmates.
"Sinong may mga adviser na dito?" tanong pa ni prof na ikinagulat ko. Kakasabi lang niya na kumuha pa lang diba? Pero mas nagulat ako ng halos lahat ng kaklase ko ay nagtaas ng kamay at ako lang ang hindi.
"Miss Smith wala ka pang adviser?" prof asked the obvious. Hindi ko din naman alam na meron na pala sila kasalanan ko ba yun?
"Wala pa po prof. Ang hirap pong makahanap eh." pagrarason ko na lang.
"Is that so? Sige I will recommend you sa isa sa pinakamagaling na adviser na kilala ko." suhestyon ni prof na tinanguan ko lang. Gumawa na rin naman ako ng thesis pero sa neuro yun. Hindi ko alam na magkaiba pala sa Medical at Education.
"Oh andito na pala siya. Tamang tama ang dating mo Professor Yanai dahil kailangan ng tulong ng isang estudyante ko." nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na ang professor ko palang masungit ang tinutukoy niya. Siya ang next subject namin pero siya din pala ang tinutukoy ni prof.
"Miss Smith from now on professor Yanai will be your research adviser. So that's all for today goodbye class." hindi na ako nakareklamo ng tuluyang umalis ang professor namin. Hindi ko nga naintindihan kung paano niya napapayag ang professor kong masungit eh.
"Psst F. Inereto ka ni Prof Alcantara kay Prof Yanai." bulong na sabi ni C.
"Miss Smith pass atleast 5 titles to me later." maotoridad na utos nito na ikinalunok ko. Hindi ko nga alam kung anong magiging title ko eh tapos lima pa ang hinihingi niya.
"Stict naman."
"What is it Miss Smith?" kunot-noong tanong nito.
"Wala po prof sabi ko po sige walang problema." nakangiting sagot ko. Gusto ko na nga kasing magbagong buhay yung wala siya sa paningin ko, yung malayo sa kanya. Pero tadhana naman bakit pilit mo kong inilalapit sa babaeng laging adobo ang ulam kaya nagkatoyo na sa utak.
"Good, I'll wait until 5 pm this afternoon." mahilig si prof sa 5, siguro lagi niyang ulam 555? Okay bawi na lang ako next life sa pagbabagong buhay.
"Goodluck F." bulong ni C sakin na ikinairap ko. Kaya ko namang gawin yung research na yun ng mag-isa independent kaya ako.
"Sinong adviser mo?" tanong ko dito dahil hindi man lang nila ako ininform.
"Teacher sa High School department ang adviser namin ni B tapos si E and A naman ay si Prof Mendoza dalawa kinuha nila eh kaya hindi ka namin nasabihan sorry." paliwanag nito. Ay galing pakiramdam ko trinaydor ako.
"Mr. Velasco and Miss Smith care to share to the class your topic?" sabay kaming napaayos ng upo ni C ng umalingawngaw ang boses na yun.
"Bakit ganun mabait naman siya nung una eh." rinig kong bulong ni E na isinawalang bahala ko na lang. Nothing is permanent in this world maraming bagay ang nagbabago. Kung dati mabait siya ngayon hindi na. Pero sa totoo lang hindi naman talaga naging mabait yan sakin si prof baka kapag naging jowa ko na saka siya babait. Napangiti ako sa isiping yun delulu na naman ako malala.
_______________________
"How can you say that this Theme-based Teaching can improve the learning outcome of the students?" pang ilang tanong na ba ito sakin ni prof? Pakiramdam ko nasa title defense na agad ako dahil sa mga tanong niya. At ang malas pa dahil ito na ang pang huli sa ginawa ko dahil yung apat nareject na.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...