Hindi ko alam kung ilang beses kong pinag-isipan kung pupunta ba ako sa lugar na sinabi ni prof pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nandito at nakaupo sa tagong bahagi ng garden. Oo na marupok na kung marupok! Pero paano kung maganda naman ang sasabihin niya diba? Saka paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? Mindset ba.
Hindi ko din alam kung nakailang check na ako sa cellphone ko para tingnan kung nagreply na ba ang professor kong kasing gulo ng buhok ni Grizzy ang utak. Teka may buhok ba si Grizzy? Ah basta magulo siya!
Malapit na daw siya. Sabi niya kanina mga 5 minutes na ang lumipas. Baka nagcommute? Pero hindi niya pa binabalik ang sasakyan ko kaya baka gamit niya.
Someone covered my eyes, base sa amoy niya alam kong kilala ko ito at hindi ako pwedeng magkamali. I used to love her perfume kaya hindi ako magkakamali.
"Doc." seryosong sabi ko dahilan yun para tumawa ang doctora na nasa likod ko.
"How did you know?" curious na tanong nito. Tssk tinatanong pa ba yun?
"You didn't change your perfume." sagot ko naman.
"So, you still remember huh?" Nakakalokong tanong nito habang nakangisi, alam ko na ang tumatakbo sa utak niya kapag ganyan ang hitsura niya.
"Yeah, you know me. Alam mong nahihirapan akong kalimutan ang isang bagay lalo na kung nakasanayan ko na."
"Akala ko dahil mahal mo ko kaya hindi mo makalimutan ang amoy ko." palatak nito na ikinatawa ko. Sige patulan nga natin ang pagkadelulu niya.
"Mahal naman talaga kita." seryosong sabi ko para kapani-paniwala. At mukhang effective dahil sa panlalaki ng mga mata niya. See?
"Mahal mo ko?" gulat pa na tanong nito. Kagat na kagat yarn?
"Oo." nakangiting sagot ko.
"Seryoso ba Crystal?" ang cute talaga ni doc kapag ganitong uto-uto.
"Oo nga mahal nga kita" pag ulit ko sa una kong sinabi. "Noon." dagdag ko na ikinabusangot niya naman.
"Bwesit naman kahit kailan oh! Kailan mo ba balak magseryoso ha?" maktol nito na ikinatawa ko lang ng malakas. Umasa siya dun ha?
"Malapit na. Kapag sineryoso na niya ako." confident na sagot ko at nagmake face pa kay doc na mas lalo niyang ikinaasar.
"Luhh asa ka pa." ganti naman nito na ikinabusangot ko. Dapat talaga hindi ko pinatawad ang doctor na to. Lakas makaasar eh.
"Kapag ang relasyon namin hindi naglevel-up dahil sa sinasabi mo, isusumpa kita doctor. Hinding hindi ka magkakalove life tandaan mo yan! Ang pangit mong kabonding alis ka na nga." pagtataboy ko dito pero ang gaga imbes na umalis ay tumawa lang.
"Nag-aano ka ba dito?" tanong pa nito matapos akong pagtawanan.
"May hinihintay. Ikaw ano naman ang naisipan mo at pumunta ka pa dito?" balik na tanong ko kahit ang totoo gusto ko na siyang palayasin.
"Papunta talaga akong library kaso natanaw kita kaya pinuntahan muna kita. Naisip ko kasi na baka namimiss mo na ang kagandahan ko kaya nagpakita muna ako." mayabang pa na sagot nito. Jusko linya ko yun ah? Nahawa ko na yata ang doctor na to sa kayabangan.
"Alam mo doc, umalis ka na kaya baka biglang dumating yung hinihintay ko magkagulo na naman." taboy ko pa dito.
"Sino bang hinihintay mo? Si professor Yanai ba?" seryosong banggit nito sa apelyido ng masungit kong professor.
"Oo." deretsong sagot ko naman para malaman niya na dapat na talaga siyang umalis.
"Kasunod ko siya kanina nauna lang ako ng konti eh. Bakit wala pa siya?" takang tanong naman nito na mas ipinagtaka ko. Hindi naman nun ugaling dumaan kung saan-saan eh. Kung kasunod ni Zammy yun eh malamang dapat kanina pa siya nandito.
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...