Unang Kabanata: Pluma

62 18 4
                                    

Hindi kalayuan mula sa bayan ng Aguerro, sa bundok ng Liwayway, nakatira ang magkakapatid na Fernando.

Anak ng namayapang mayamang Espanyol na si Don Cesar Vicente Guerrero y Zapata at ang kaniyang maybahay na si Doña Esreilla Fernando y Mansala.

Maalam ang kanilang ina sa iba't-ibang diskurso ngunit imbes na mag-trabaho bilang propesor ay piniling maging maybahay na lamang. Ngunit paminsan-minsan bilang kanilang bonding time sila ay nagpapalitan ng iba't-ibang opinyon base sa kanilang pagkakaunawa rito.

Lumaki man ang magkakapatid sa Europa kung saan ipanagpatuloy ng kanilang ama ang kaniyang pag-aaral ng medisina ay hindi ito naging hadlang upang ipangaral ng kanilang ina ang kagawian ng mga Pilipino. Tinuran rin sa kanila ang iba't-ibang gawaing pambahay na nararapat gawin ng isang babae.

Pagkalipas ng ilang taon, hindi mahigit-kumulang dalawang dekada ay nagbalik sila sa Pilipinas, sa bayan ng Ardiente kung saan nakatayo ang isang hacienda ng pinamana ng namayapang-ama ni Don Cesar.

Hindi nagtagal, namayapa ang kanilang ina at sumunod naman ang kanilang ama.

Dahil wala rin naman silang ibang kapamilyang babalikan sa Europa maging dahilan man upang manatili sa bayan ng Ardiente, napagpasyahan ng magkakapatid na mamuhay na lamang sa haciendang iniwan sa kanila ng kanilang ina sa liblib na bundok ng Liwayway sa bayan ng Aguerro. Dalawampung- kilometro mula sa bayan ng Ardiente.

Makalipas ang dalawang buwan.
____________________________________________________________________________

Alas syete ng umaga, pagod ng tumilaok ang mga manok at gising na ang magkakapatid maliban kay-

"Amarra Angelica Vicente Guerrero y Fernando, gumising ka na kung hindi iiwan na talaga kita!" Bulyaw ni Karina sa natutulog na bunsong kapatid.

"Karina bumaba na kayo."

"Ito na nga at ginigising na itong kapatid ninyo." Sagot naman ni Karina habang binubuksan isa-isa ang bintana ng kanilang kwarto.

"Na siyang kapatid mo rin." Patawang saad ni Andorra habang naghahanda ng agahan sa kusina.

"AMARRA?! Dios mio, sa puntong ito tataas na ang dugo ko ngunit ika'y mahimbing paring natutulog. Sa katunayan tila ay mas mauuna pa akong tatanda nito kaysa sa kanila manang ng dahil sayo eh. Kay aga-aga pinapa-init mo na ang aking ulo. Bilang isang babae... "

"Ayan na naman siya sa kaniyang 'bilang isang babae' bla bla bla." Anya ni Andorra kay Mariella na nasa kusina rin, na siya namang ikinatawa ni Mariella ng patago.

"Por favor ate, manang, nahiya pa kayong pagtawanan ako. Ngunit bakit ba, tama naman ang aking mga sinabi. Nang dahil sa batang ito, mas mauuna pa akong magka- kulay puting buhok kaysa sa inyo." Pagpapatuloy ni Karina sa pang-bubulyaw sa mga kapatid na siya namang nagpatawa sa mga nakakatandang kapatid nito.

"Sí, sí. Susunod na ako." Tanging saad na lamang ni Amarra mula sa pagka-taas taas nitong awit, sabay takip ng kumot sa kaniyang mukha, na siya namang tinanggal ng kapatid. "Sanseeeeee..." Pa-bangon nitong tawag pagkat dinala na nga ni Karina ang kaniyang kumot.

"Magbihis ka na at mag-aagahan na tayo. Sasali pa tayo ng novena, kung hindi ay malalagot na naman tayo nito kay Seniorita Emmanuela." Saad ni Karina bago ito lumabas ng kwarto bitbit ang kumot ni Amarra.

"Narinig ko iyon." Saad ni Emmanuela na kanina lamang ay tahimik na nagbabasa ng bibliya sa sala, sa tapat ng kinaroroonan ni Karina at nagtaas ng isang kilay sa kapatid.

"Oh ano," tugon naman ni Karina ng makitang nakataas ang kilay ng kapatid sa kaniya.

"Ah- bakit ako?" Pabalik naman nitong sabi. "Tsk... matanda parin ako kaysa sayo noh."

"Hindi nga lang sa height." Tawang saad nito pababa ng bahay.

"Aba, aba!" Tanging saad na lamang nito at bumaba narin.

"Amarra!" Huling bulyaw pa ni Karina.

"Tama na iyan, bumaba na nga kayo." Saad naman ni Andorra, mula sa baba lamang ng kanilang kinaroroonan. "Hernancia, tawagin mo na si Claudinia ng makapag-agahan na tayo." Anya nito kay Hernancia na abala sa pag-aayos ng telang tatahiin para sa susuotin nito sa sayawan sa piyesta.

"Hernancia! Narinig mo ba ang ate mo o kailangan ko pang-ulitin ang kaniyang sinabi?" Sigaw naman ni Mariella.

"Sí, sí Seniora. Hindi ko maunawaan kong bakit ako parati ang inyong inaaway."

"Inaaway?" Sabay na tanong nina Mariella at Andorra.

"Siyang tunay naman talaga." Bulong  ni Hernancia sa sarili habang hinahanda ang telang gagamitin para sa damit na kaniyang tatahiin. "Seniorita Claudinia y Amarra, por favor, bumaba na kayo. Hindi kayo mga bingi at hindi rin ganoon kalayo ang pagitan natin upang hindi ninyo marinig ang sigaw ng Seniorita Mariella y Andorra!"
.
.
.
"Ahh, bahala na nga kayo riyan." Anya Hernancia ng walang marinig na sagot mula sa nakababata nitong mga kapatid at nagpatuloy na sa pagtatahi.

Labing-apat na hakbang mula sa kinaroroonan ni Hernancia, ay ang kanilang silid ni Claudinia. Kung saan nagsusulat ito sa isang pirasong papel na abaka gamit ang pluma na nilublob sa maitim na maitim na tinta.

'Para sa aking mga kaibigan,

Aunque desprecio la violencia.
No tolero el uso de amenazas y dolor.
No soy un luchador.
Ni con palabras ni con espadas.
No soy uno de aquellos que pensabas que lucharían por la libertad.
Soy una simple dama, sin fuerzas ni voz.
Soy debil.
Soy un cobarde.
Me quedaré como estoy.
Una dama de nobleza, de gracia, de bondad.
Me mantendré erguida como una dama que no tiene voluntad de luchar y aceptaré mi destino.
Sin resistencia.
No decir no.

Inyong kaibigan,
Dinia.'

{In English:
Although I despise violence.
I tolerate no use of threat and pain.
I am not a fighter.
Not through words nor through swords.
I am not one of those whom you thought would fight for freedom.
I am a mere lady, with no strength nor voice.
I am weak.
I am a coward.
I will stay as I am.
A lady of nobility, of grace, of kindness.
I shall stand tall as a lady who possesses no will to fight and shall accept my destiny.
No resistance.
No saying no.}

----------------------------------------------
Author's Message:

Hey guys!
Maraming salamat po sa pagbabasa ng 'Lo Siento, Adiós', Chapter 1. Gusto ko lang po ipaalam na ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay at pawang imahinasyon lamang po ng inyong tagapagsulat. Ipagpatawad rin po sana ninyo kung may mga maling salita man na nakapaloob rito. Nais ko rin pong ipabatid na ang mga larawang ginamit ay mula sa app na Canva.
Sana magustuhan niyo po ito, at muli MARAMING SALAMAT!

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon