Ika-siyam na Kabanata: Harana

13 1 0
                                    

***
Sa bakuran ng mga Fernando.

"Teka. Sitse... Paano ang iyong pag-eensayo?" Saad ni Amarra kay Hernancia na nakagapos ang bisig sa bunsong kapatid.

"Nako! Oo nga pala! Nako hayaan mo na. Ayos lang yun, bukas na lang ako pupunta ron. Ayaw ko rin naman umalis at baka maiwan ako sa balitang kasalan ng ating kapatid." Munting ani nito na may kunting gigil sa kaniyang boses.

"Ikaw talaga!" Pangungurot ni Karina sa tenga ni Hernancia na nasa tabi lang nito.

"Aray, sanse!"

"Kung chismis ang bilis mo talaga eh no!"

"Ayos lang maki-chismis rito, pamilya naman tayo eh." Birong tugon nito at umupo na sa munting payag nila sa kanilang bakuran. Kung saan nagtipon-tipon ang magkakapatid maliban kina Andorra at Claudinia.

***

Sa kwarto nina Claudinia at Hernancia.

*TokTok.*

"Claudinia?" Saad ni Andorra bago pumasok sa silid nina Claudinia. "Maaari ba akong pumasok?"

"Sí." Tanging sagot naman ng kapatid habang nagbibihis sa loob ng biyombo (room divider).

"Ayos ka lang ba?" Mahinahong tanong nito at umupo sa higaan ni Hernancia.

"Oo naman ate." Lumabas na ito ng biyombo. "Bakit mo naman naitanong?" Tanong nito at dumiritso ng umupo sa kaniyang lamisa kung saan siya nagsusunog ng kilay.

Mula sa iyong pagpasok sa kwarto nina Claudinia at Hernancia ay una mong makikita ang dalawang komoda na ang isa ay hanggang binti ang taas ngunit mahaba na may mga litrato nila sa taas, habang ang isa naman ay hanggang dibdib ang taas ngunit maikli ang lapad at ang bintana sa bandang iyon. Sa kaliwa naman ng pintuan ay ang tokador ng dalawa na klaro kung kanino ang kanino pagkat ang tokador ni Hernancia ay puno ng pang kolorete ng mukha, mga ginuhit na disenyo ng damit at iba't-ibang uri ng lapis, mga pang-kulay at mga sinulid. Kay Claudinia naman ay puno ng libro, iba't-ibang uri at tulis ng pluma at tinta at mga papel. Bawat tokador ay may maliit na lampara sa itaas ng lamesa. Sa gilid naman ng tokador ay isang malaking aparador na puno ng kanilang damit pambahay. Katabi mismo ng aparador ay ang estante na nilagyan nila ng kanilang mga sapatos, billetera at iba't-ibang bag. Sa likod naman nito ay isang biyombo kung saan sila nagbibihis. Sa tapat naman ng tokador ay ang dalawang kama kung saan kulay asul kay Hernancia habang ang kay Claudinia naman ay kulay berde na pinamamagitnaan ng munting lamesa na may lampara at telepono. May munting tokador rin malapit sa bintana ng kabilang gilid sa tapat ng kama ni Claudinia at malaking aparador na mayroong mga damit panlabas ng dalawa.

"Wala naman... Oo nga pala," sabi nito at kinuha ang laket sa loob ng kaniyang bulsa at ibinigay ito kay Claudinia na nagsusuklay. "Naiwan mo sa iyong palda."

Gulat namang kinuha ni Claudinia ang laket at agad itong itinago sa kaniyang mga palad.

"Binuksan niyo ba ito?" Tanong nito na para bang natatakot.

"O- oo. Ano ba ang iyong kinakatakot?" Bahagyang tawang saad ni Andorra at kinuha ang suklay na nakapatong sa tokador nito at iginiya ang katawan ng kapatid upang maupo ng matayog at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa mahabang buhok ni Claudinia. "Ano bang meron sa laket na iyan kung hindi ang litrato nating pito kasama ang ama at ina." Pagpapatuloy nito.

"Litrato natin?" Mahinang ani nito at napangiti ng bahagya dahil sa sinabi ng kapatid. Ipinatong nito ang mga kamay sa kaniyang binti at mahigpit na kinumkom ang hawak na laket. "Tama ka ate, litrato nga natin ito kasama sina ama at ina." Aniya nito habang nakatingin lang sa replekyon ng kapatid sa salamin at nagpalabas ng malaking ngiti.

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon