Ikaapat na Kabanata: Payapa

35 16 2
                                    

Sa sala.

"Claudinia, Emmanuela?" Tanong ni Mariella ng makita ang mga kapatid na papababa na ng hagdanan.

"Sí?" Anya Emmanuela.

"Saan kayo patutungo?" Saad nito bago tuluyang sarhan ang kanilang kwarto ni Andorra.

"Sa—"

"Sa simbahan manang. Sasabay na sa akin si Claudinia patungo roon."

"Subalit mamaya pang ala una ang novena, hindi ba Emmanuela."

"Ah, sí. Subalit may kailangan pa akong gawin bago magsimula ang novena, kaya nais kung isama si Claudinia upang tulongan ako."

"Kung gayun, sasama ba ang mga bata?"

"Sí? Mi hermana, ano at tinawag mo ang mga "a"?" Tanong ni Hernancia na naka-upo ng naka- numero quatro habang nagtatahi naman sa silid tahian si Karina. Sa tapat lamang ng kwarto ni Emmanuela.

"Anong mga "a"?" Tanong naman ni Karina.

"Mga nagtatapos sa "a" ang ngalan? Hehe." Patawang sagot pa nito.

"Ah- Alam mong lahat tayo ay nagtatapos ang ngalan sa "a", hindi ba?" Nagtatakang tanong ni Karina.

"Huh?" Pagtataka nito at suminghap ng dramatiko.

"Tumigil ka na nga. Sasama ba kayo kina Emmanuela?" Tanong ni Mariella.

"Akala ko'y mamaya pa ang novena, ibig sana naming mamasyal muna sa bayan." Sagot naman ni Karina.

"Ah oo, Karina. Subalit may kailangan pa akong gawin sa simbahan bago ang novena kaya kami magtutungo roon ni Claudinia."

"Kung gayun, tutulong na kami." Saad naman ni Amarra.

"Amarra. Mabuti naman at lumabas ka na." Masayang sabi ni Karina at pinalupot ang kaniyang mga bisig sa kapatid.

"Ah, hindi na kailangan pa bunso. Kaya na namin ng iyong wutse, at may tutulong rin naman sa amin." Naka-ngiting saad ni Emmanuela.

"Ganoon ba, kung gayun... Magkita-kita na lamang tayo sa novena mamaya?"

"Sí manang. Kung gayun, mauuna na kami. Claudinia?" Anya Emmanuela.

Tumango si Claudinia, na nagpapahiwatig na sang-ayon ito.

"Kung gayun, gamitin niyo na ang kalesa upang mapadali ang inyong pagpaparoon."

"Sí, gracias manang. Mauuna na kami." Nagmamadaling pagpapaalam ni Emmanuela at hinila na si Claudinia.

"Paalam!" Ani Claudinia.

Tumango naman si Mariella.
"Mm, mag-ingat kayong dalawa."

At bumaba na sina Emmanuela at Claudinia.

"Ah, teka saglit! Manang... kami rin manang ay aalis din."

"Kayo rin? Aba ay sana sinabi ninyo agad, upang isang kalesa lamang ang inyong magamit."

"Mukhang nagmamadali ang dalawa, eh. Walang problema, ayos lang yun manang, may isa pa naman tayo, eh. Hehe."

"Ngunit nag-iisa lamang ang kutsero rito at yaon ay ang nagmamaneho ng kalesang sinasakyan nina Emmanuela."

"Ayos lang manang, may anak namang binata si manong Alfonso eh. Yun na lang ang aming gagawing kutsero." Galak na sagot nito.

"Hindi kutsero si Ardor. Paano kung mapano kayo?"

"Manang, sige na naman oh. Mahuhuli na ako sa aming pag-eensayo niyan eh." Pangungulit ni Hernancia at inindayog pa nito ang kamay ng kapatid na parang munting bata na may nais ipabili sa kaniyang ina. "Gusto ko pa namang maging maganda ang aking sayaw pagkat nandoon kayo at manonood." Pangusong saad nito.

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon