Siyam na oras bago ang panghaharana.
Sa hapagkainan.
"Maghugas na kayo ng pinggan ng makapasok na."
"Sí."
"Amarra, tayo na nang matapos tayo ng maaga."
"Aral na naman, Wutse?" Pangusong Tanong naman ni Amarra sa kapatid na nakapameywang na nakatingin sa kaniya. "Ayaw mo bang ipagpaliban muna ang pag-aaral sa ngayon at bukas na—"
"Gawin mo na ang nais ng Wutse mo, Amarra. Kung tunay na ibig mo maging doktora, walang pero-pero, intiendes?"
"Sí, Ditse." Pangusong pagsang-ayon nito at padabog na marahang pumasok ng bahay.
"Mga Ate, sa taas na po kami." Saad naman ni Claudinia at pumunta narin ng itaas.
Habang nagliligpit ng kinainan ay napansin ni Andorra ang pagtingin ni Emmanuela kay Claudinia at ramdam nitong may hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya ay tinapik nito nang bahagya ang kapatid.
"Ayos ka lang?"
"Hindi parin ako kinakausap ni Claudinia Ate." Sagot naman nito sa Emmanuela sa kapatid.
"Wala rin siyang sinabi sa akin kanina. Oo nga pala, saan nga pala kayo nagtungo kanina? Nagkausap kasi kami nina Aiya kanina sa simbahan, hindi raw kayo kasama nila kanina na maghanda ng novena. Eh, hindi ba nauna kayo ng dalawang oras roon?"
"Ah opo, pero nagtungo pa kasi kami ng eskwela eh."
"May trabaho parin ba kayo?"
"Wala ate. May pinuntahan lang po kami."
"May nakaaway ba si Claudinia roon?"
"Wala naman po, bakit niyo naman naitanong?"
"Aba eh, napansin ko lang kasi na matapos ang novena ay halos hindi na kumibo si Claudinia, kaya akala ko may nangyari sa pinuntahan niyo. Hindi naman kayo nag-away, hindi ba?"
"Hindi naman po."
"Hmm..."
Napansin ni Andorra ang panlulumo ng mukha ni Emmanuela kaya ay nagbiro na lamang ito.
"Ay nako! Huwag mo ng isipin iyon. Hayaan mo na muna, alam mo namang ganiyan talaga iyan minsan. Eh baka araw ng dalaw kaya iyon." Sabi nito sabay indayog nang kaniyang puwit sa kapatid. "Samahan mo na lang ako kina Mang Alfonso at ibibigay natin itong natirang galyetas na ginawa ko kanina."
"Sí." Sagot naman ni Emmanuela.
"Mariella, magtutungo muna kami kina Mang Alfonso."
"Hmm." Patangong sagot naman ni Mariella habang umiinom ng kape kahit alas syete na ng gabi.
"Oh... Manang? Saan sila Ate pupunta?" Tanong naman ni Hernancia na kagagaling lamang ng Kubeta.
"Kina Mang Alfonso."
"Hmm... Sanse~"
"Hmm." Sagot naman ni Karina na naghuhugas ng mga pinggan.
"Natapos niyo na po ba ang damit ko para sa pyesta?" Saad nito sa kapatid habang ginigiya ang kaniyang mga kamay sa bandang tiyanan ng Sanse nito upang yakapin ito mula sa likuran.
"Opo, Seniorita. Tapos na po." Sagot naman nito at tinapik ng marahan ang nakagapos na bisig ng kapatid sa kaniyang tiyanan. "Doon ka nga muna at mabasa ka pa rito."
"Sí. Te amo, mahal kong Sanse." Sabi nito at mas pinaigting ang yakap rito na may kasamang kunting halik sa liig na malaya niyang magagawa pagkat nakataas ang buhok ng nakatatandang kapatid. "Titingnan ko po muna ha, Manang sa taas na po ako. I love you, Sanse!" Sigaw pa nito ng papasok na sa bahay.
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Historical FictionIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...