"Tumigil na ba ang lahat? Malinaw na ba ngayon? Tapos na ba ang lahat?
Tapos na ba sila?"
Boogsh. Bang. Bang. Boogsh.
"Emmanuela..."
*
["Amarra! Bilis na! Maiiwan na naman tayo sa novena nito eh!" ]
**"Claudinia..."
*
["Babae, kung hindi pa nag des oras ng gabi, hindi ka pa gagawa ng iyong asignatura. Matuto ka kayang mag gestión del tiempo (mamahala ng iyong oras)."]
**"Hernancia..."
*
["Sumayaw ka na para bang wala kang pakialam sa mundo. Kahit pa anong sabihin nila. Para man akong baliw pagkat ako'y umiibig sa pagsasayaw, wala akong pakialam. Gawin mo ang nais ng iyong puso, wag kang papadala sa sinasabi ng iba hermana. Huwag kang mabuhay para kanino, mabuhay ka para sa iyong sarili. Entiendes?"]
**"Andorra..."
*
["Ang babae ay dapat marunong magluto. Ito'y maaaring maging isang paghahanda upang sa hinaharap, sa panahong mahanap na natin ang ginoong ating mapupusoan ay maging mabuting may bahay tayo sa kanila. Ika nga nila, El camino al corazón de un hombre es a través de su estómago. (The way to a man's heart is through his stomach.) Kaya ito, tikman mo ang aking niluto."]
**"Karina..."
*
["Dios mío, señorita. Gumising ka na at anong oras na? Hindi gawain ng isang babae ang humiga maghapon, por favor. Bilang isang babae marapat lamang na nakapaglinis ka na sa iyong higaan. Kaya tayo! Tayo na sabi eh!"]
**"Mariella..."
*
["Basta't tatandaan mo, bilang nakababata naming kapatid, walang maaaring makasakit sa iyo. Po-protektahan ka ng Manang, hangga't kaya niya. Kaya tahan na Amarra, narito lamang ako, kami na iyong mga kapatid.""Kaya husto na sa pag-iyak. Hindi nga ba't tayong pito ang magiging susunod na magkakaroon ng profesión, sa pook na ito. Kaya magsisikap tayo. Walang kahit sino ang maaaring humadlang sa ating mga pangarap. Walang pagsubok ang hindi natin kayang lagpasan. Kaya lalaban tayo, comprendido?"
"Sí, Senorita! Hahahaha!"]
**Humingos.
"Sí, Senorita."
Bahagya siyang napatawa.
"Aking mga kapatid...
Sa katulad ngayong nababalot ang paligid ng dilim at lamig, ako'y labis na nalulumbay sa inyong maiinit na yakap at halik...
Nasaan na kayo..."
Malalakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid.
"Nasa mabuting kalagayan ba kayo?" Pagpapatuloy nito.
Maririnig ang tunog ng malalaking sasakyan mula sa kanyang kinaroroonan.
"Sana, oo." Anya nito't humikbi.
"Dapat, oo.
Kasi ako... hindi.
Patawad kung... hanggang dito na lamang... ang inyong sana'y doktora"
Unti-unti, sa tuwing bubuka ang kaniyang bibig, luha niya'y pumapatak na parang daloy ng tubig.
"A mis queridas hermanas...
Lo siento,...
adiós."
(Sa aking minamahal na mga kapatid. Patawad, paalam.)
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Ficción históricaIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...