***
Sa labas ng simbahang katoliko."Magandang hapon, mga binibini."
"Sampaguita, Miss?"
"Kendra?" Tanong ni Hernancia ng mahagilap niya ang isang batang nagtitinda ng sampaguita. Isa itong banyaga, mga nasa siyam na taong gulang na, gusot-gusot ang damit at iisa lang ang sout na tsinelas, butas pa.
"Nancy?" Tugon naman nito na may pagtataka sa ilalim ng paos nitong boses.
"Oh my, it really is you! How are you?" Saad nito at niyakap ang bata. "I thought I'd never see you again."
"Hernancia? Magkakilala kayo ng batang ito?" Tanong naman ni Emmanuela na kararating lang.
"Ditse?" Pagtataka naman ni Amarra.
"Ngayon lang ba kayo, Claudinia?" Bulong na tanong naman ni Karina kay Claudinia ng hilain nito ang kapatid sa tabi niya at ni Amarra.
Tinangoan lang sila nito at hindi na umimik pa.
"Oo ditse. Siya si Kendra anak ni Mrs. Alio, isa sa mga instructor ng ballroom dance ko noon." Masayang kwento nito habang naka-pulupot ang kamay sa bata.
"Mother is not an instructor anymore." Malungkot na tugon naman ng bata.
"What?" Malumanay na tanong ni Hernancia rito.
"Mga binibini, paumanhin ngunit kailangan na kayong pumasok pagkat magsisimula na ang novena." Saad naman ng isang babaeng nakasout ng mahabang saya na abot hanggang bukong-bukong at blusang puti na may mahaba ring manggas at may balabal ring puti na siyang tumatakip sa mukha nito.
"Bakit narito pa kayo sa labas?" Takang tanong naman ni Mariella ng makitang nasa labas pa ang mga kapatid. Nakita nito ang batang kasama ni Hernancia, hindi na siya nagtanong pa bagkus ay, "Hernancia, isama mo na lamang ang bata sa loob at mamaya niyo na tapusin ang inyong kuwentuhan. Tayo na." Saad nito at ngumiti sa bata.
"Mariella..." saad naman ni Andorra at sumenyas gamit ang mga mata na madumi ang kasuotan ng bata at maaari itong hindi papasukin sa simbahan.
"Ahh, magtungo kayo sa ina ni Ardor, may dala itong pamalit para sa mga anak nito." Tugon naman ni Mariella at tumango narin si Hernancia upang bihisan ang bata.
"Sasamahan ko na ang mga ito." Saad naman ni Andorra at nagtungo na ang sila.
"Bakit may dalang pamalit ang ina nina Ardor?" Bulong na tanong ni Amarra.
"Makukulit ang mga nakababatang kapatid ni Ardor, kaya kailangan magdala ng ina nito ng pamalit pagkat kahit isang segundo lamang na hindi ito nakatutok sa kanila ay maaaring naliligo na ang mga ito sa putik." Kwento naman ni Karina sa kapatid.
"Ahhh~ oo nga pala, may pagka-germaphobe nga pala si Aling Xavia." Tangong sagot naman ni Amarra na ikinagulat ng kapatid.
"Germaphobe~" Patawang ani ni Karina na nagpangiti nang bahagya kay Claudinia.
"Oo, iyan palagi ang iyong paglalarawan kay Aling Xavia eh." Tawang sabi naman nito.
"Kayong tatlo riyan, hali na at sa loob na natin hintayin ang dalawa." Saad naman ni Mariella kina Karina, Claudinia at Amarra na masayang nagkukuwentuhan sa likuran.
"Sí." Saad ng tatlo.
At nagsipasukan na sila sa simabahan. Umupo sila sa ikalawang hilera sa kanan. Pagkadaan ng ilang minuto ay dumating narin sina Andorra at Hernancia kasama ang bata. Nakasuot ito ng isang bulaklaking bestida na may manggas at kulay rosas na sandalyas.
Nagsimula narin ang novena para sa kapyestahan ng Aguerro.
*Pagkatapos ng novena. Sa labas ng simbahan.
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Ficção HistóricaIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...