Ikalabing-apat na Kabanata: Makilala

3 1 0
                                    

Sa kalesang sakay ang mga lalaki.

"Alam niyo hindi ko parin maunawaan ang ibig sabihin ni Hernancia ng sabihin niyang may iniibig ako." May pagtatakang tanong ni Alberto sa mga kaibigan nito.

"Hindi nga ba at may iniibig ka naman ng talaga?" Anya naman ng nagmamanehong Ceraxio.

"Oo nga~ subalit, tila may ibang ibig ipahiwatig ang kaniyang sinabi eh. Hindi ko lamang mawari kung ano iyon." Kunot-noong ani naman nito.

"Sa totoo kaibigan, akala niya ay may nobya ka na, kaya iyon." Panlilinaw naman ni Agapito.

"Ano?" Sabay singhap nitong ani.

"Nakita ka raw niya noon sa may bilihan ng damit. May kasama kang babae at tila, mukha raw kayong nag-iibigan. Kaya ayon." Kwento ni Agapito rito.

"Ano! Kailan? Saan? Paano? Eh gayong ang aking puso ay nakapako na kay Claudinia?" Pag-amin naman nito sa tatlo.

"Claudinia?" Sabay na tanong naman ng banyaga at Agapito.

"Si Seniorita Claudinia?" Anya naman Ceraxio.

"Sí. Teka nga, Ceraxio, kaibigan ka nila, hindi ba?"

"Hindi ko naman masasabing kaibigan, pagkat ako ay tanging trabahodor lamang nila, amigo."

"Kahit na, nakikita mo sila palagi hindi ba?" Muling tanong naman ni Alberto.

"Kung ipapalagay mo sa ganiyan, aba eh, oo. Bakit?" May pagtatakang tanong naman nito rito.

"Kung ganoon, ibig sabihin, nagkikita kayo, araw-araw?" Tanong muli nito na tila ba ay gumagawa ito ng masusing pagsisiyasat sa ugnayan ng kaibigan at ng mga Fernando, lalo na sa Fernando na gusto nito.

"Sino?"

"Nang aking irog."

"Irog? Hindi nga niya alam na may pagtingin ka sa kaniya eh." Bulyaw naman ni Agapito.

"Eh..."

"Pero alam niyo, mukhang may pinapasang matinding suliranin ang binibini." Anya naman ni Ceraxio.

"Ang aking buhay?"

"Huh?" May pandidiring ani ni Agapito sa kaibigan.

"Mukha kasi siyang balisa kanina noong nasa sala ang lahat. At nung papauwi na tayo, hindi ba at nakakapagtatakang umalis kaagad ang Senior Lucas." Pagsasalaysay naman ni Ceraxio.

Dramatikong suminghap naman si Alberto sabay sabing, "hindi kaya ay may sinabing hindi maganda ang lalaking iyon sa aking mahal!"

"Tumigil ka na nga riyan! Nakakasuklam na ang iyong pinagsasabi lalo na at kay duwag mo naman kapag nasa harap mo na ang binibini!" May galit na bulyaw naman ni Agapito rito.

"Aba oi! Hindi lang naman ako ah! Kung makapagsalita ka eh para namang hindi rin duwag. Eh, hindi niyo nga nakausap ang mga binibining napupusoan niyo eh. May gana pa kayong mangharana. Tsk." Pang-iirap naman sagot ni Alberto.

Napa-igham naman ng malakas si Ceraxio pagkat taliwas sa dalawa ay naka-usap niya ang kaniyang hinarana at nasabi pa nito ang dadamdamin rito.

"Hindi ba maliban kay Bernard, hindi naman~" dramatiko namang suminghap agad si Alberto ng makita ang malawakang ngiti ng kutserong Ceraxio na napagtanto na nitong naka-usap nga niya ang hinarana nito. "Ibig sabihin, kami lang ni Agapito ang hindi nagkaroon ng moment kasama ang aming mga beloved." Ngusong ani nito at dramatikong humikbi habang nakatago sa pader ng gilid ng kalesa.

***

Sa ilalim ng napaka-berde at maaliwalas na bundok, kung saan may rumaragasang kay linaw na tubig ay isa-isa ng umaahon mula sa sapa ang mga binibining kanina lamang ay masayang nagtatampisaw sa ilog.

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon