"Hindi natin ito napag-usapan. Kaya muli patawad," anya Mariella.
"Ayos lang. Naintindihan ko naman, manang. Kasalan ko rin at hindi ko kayo nakapiling ng ilang taon dahil sa kagustuhan kong matuto at maging magaling na mananayaw ngunit dahil roon ay napalayo ako sa inyo. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay ina at ama. Patawarin niyo rin sana ako." Iyak na tugon ni Hernancia.
"Sitse (ikaapat na babaeng kapatid), tahan na." Pang-aamo ni Amarra. "Nababasa na yung plato ng luha mo, eh." Bahagyang tawang sambit nito.
"Tama si Amarra. Agahan na agahan, umiiyak ka riyan. Para ka namang baliw eh." Sambit rin ni Andorra sabay lapit sa kapatid at niyakap ito.
Ngayon ay pareho na silang nag-iiyakan.
"Tama na iyan." Pangiting saad naman ni Mariella.
Tumahan narin si Hernancia at pinahid ni Andorra ang luha nito na siya ring ginawa ng nakababatang kapatid sa kaniya.
"Anong sayaw ba ang iyong sasayawin?" Tanong ni Andorra.
"Ang sayaw na ipalalabas namin ay ang sayaw na ang ngalan ay Cariñosa. Ito nag nais ng Alkalde ng Aguerro. Alam niyo ba~"
Masayang nagkwento si Hernancia tungkol sa kung paano niya natutunan ang sayaw na Cariñosa at kung paano ito sayawin.
Pagkatapos ng agahan.
"Magligpit na tayo?" Tanong ni Emmanuela.
"Sí." Anya Claudinia.
"Pinagtataka ko parin," anya Amarra na nagpatigil sa kaniyang mga kapatid sa pagliligpit ng kinainan nito. "Anong ginagawa ng Senior Lucas rito?"
"Akala ko ay tinanong mo lamang iyon pagkat ibig mong pagkatuwaan natin ang ate Andorra." Patawang sagot ni Hernancia, kung saan tiningnan siya ng masama ng manang at ate nito. "Lo sien." Sabi nito at nagpatuloy na sa pagtimpla ng kape.
"Ako ma'y nagtataka rin." Sabi naman ni Claudinia.
"Claudinia? Hindi kaya ay narito siya upang tingnan ang ating lupain?" Tanong ni Emmanuela.
"Tama nga pala. Marahil ay nasabi mo na ang tungkol sa ating balak na ibenta ang lupain sa timog kung saan mayroong maraming puno ng iba't-ibang prutas." Saad ni Mariella.
"Ipagbibili natin iyon?" Nagtatakang tanong ni Amarra.
"Siyang tunay, Amarra."
"Ngunit bakit, Manang?"
"Pagkat babalik na tayo ng Europa."
"Talaga?" Masayang ani ni Karina at Hernancia.
"Bakit?" Saad naman ni Andorra.
"Ayaw mo ba Andorra?"
"Hindi naman sa ayaw Mariella. Nagtataka lamang pagkat hindi ko batid ang patungkol rito."
"Patawad, naisip ko lang na mas mainam na magbalik na lamang tayo ng Europa. Mas marami tayong pagkakataon roon na magtrabaho kaysa rito."
"Ngunit masaya naman tayo rito, hindi ba."
"Tama ang ate, manang. Akala ko ayos na tayo rito sa bukid?"
"Hindi ba at ibig mong maging katulad ni ama, Amarra. Ang maging isang doktora." Pagpapa-intindi nito sa kapatid. "Wala tayong makakamit kung mananatili tayo sa liblib na pook na ito." Pagpapatuloy pa ni Mariella.
"Totoong ibig kong maging katulad ni ama, ngunit..."
"Ngunit ano, Amarra?" Tanong ni Emmanuela.
"Ayaw mo ba, Amarra?" Tanong rin ni Mariella.
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Historical FictionIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...