Sa kalesang sakay sina Emmanuela at Claudinia.
"Manong..." malumanay nitong tawag sa kutsero, "ibig sana namin magtungo sa eskwelahan, kaya doon muna tayo paroroon."
"Masusunod Seniorita Emmanuela." Sagot ng kutsero at iginiya ang kabayo na magtungo sa kaliwang kalsada, sa kalsadang patungo ng eskwelahan na tatlong kilometro ang layo kung galing sa bayan ng Aguerro ngunit dalawang kilometro lamang gamit ang kalesa kung galing sa bahay ng mga Fernando.
"Mahigit dalawang buwan narin tayong dumadaan sa parting ito ng gubat subalit maging ganoon man ay hindi parin nakakasawa ang ganda ng tanawing ito." Saad ni Claudinia habang nakatitig sa kay berdeng tanawin na puno ng masaganang punong kahoy at iba't-ibang uri ng bulaklak.
"Indeed, tunay na walang katawaran ang ganda ng ating bukirin. Sana lamang ay hindi ito gibain ng mga nagminina lalo na at sagana ang parting ito ng iba't-ibang mineralis." Pagsang-ayon naman ni Emmanuela.
"Kung sana ay dito na lamang tayo namuhay mula noon, mas magiging maginhawa siguro ang ating buhay kaysa sa Europa." Pabalik nitong tugon sa kapatid.
Napangiti na lamang si Emmanuela sa sinabi ni Claudinia pagkat hindi nito maintindihan kung bakit tila ay naggugunita ito ng kanilang mga kahapon.
"Ilang taon rin tayong namuhay sa Europa para sa ating pag-aaral," pagpapatuloy nito at ngumiti ng bahagya habang nakatitig sa sumasayaw na mga punong kahoy. "Father wanted us to finish our study and cared so much of our education."
"And we did what he wanted, we became teachers. We finished our studies and are helping our siblings finish theirs too. We are now teaching and helping young Filipinos get an education. One day, these children we teach today will become teachers who will preserve our vision among other careers. And just like what Dr. Jose Rizal said, we the young of today are the hope for the future. And we are helping to make that into reality. I doubt si ama lang ang magiging masaya sa atin, natitiyak kong maging si ina man ay masaya para sa atin."
"Ang ina?" Napangisi ito ng bahagya. "Mother, she was concerned that without her, how could the two of us ever talk our language fluently? That without her how could we act and become a noble lady? That's what she always wanted. Noble, decent, 'no saying no'." Tumingin ito sa kaniyang kanan, sa kaniyang kapatid na siyang nakatitig sa kaniya kanina pa na may nakakairita na emosyon sa kaniyang mukha. "But look at us now." Pagpapatuloy pa nito.
"She'd be proud, Dinia." May galit sa likod ng ngiti nitong tugon sa kapatid.
"She was always bragging about how Filipina our siblings were. She always wanted us to be like Maria Clara."
"Ano bang gusto mong sabihin?" Naiiritang tanong ni Emmanuela.
"She wanted us to be like those noble ladies, remember. Like how she was raised by lolo and lola. A kind," pagpapatuloy nito.
"Stop it."
"-modest,"
"I said stop it."
"-no secrets between sisters!"
"Shut up!"
Napa-igham naman ang kutsero sa kanilang harapan dahil sa sigawan ng dalawa.
"Sorry- patawad manong."
"Pasensya po." Saad ni Claudinia at tumalikod ang tingin sa kapatid.
Tumango lamang ang kutsero rito at nagpatuloy ang kanilang byahe ng walang kiboan sa isa't-isa.
***
Sa bahay ng mga Fernando."Nasaan na ba ang babaeng iyon?" Tanong ni Mariella sa sarili ng matapos na itong magsampay ng mga nilabhan ngunit hindi parin nauwi si Andorra.
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Historical FictionIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...