Habang naglalakad at tumitingin-tingin sa mga nakatanghal na paninda sa gitna ng abalang kalye ay napansin ni Hernancia ang nayayamot na Amarra.
"Ibig mo ba talagang magbili ng abaniko?" Saad ni Hernancia ng maramdamang hindi na naman kumikibo ang kapatid at napaka-walang gana nitong maglakad.
Tumango lang si Amarra ng nakayuko parin.
Inabot naman ni Hernancia ang billetera ni Karina sa kapatid at naghudyat na bilhin niya ito.
"Talaga?" Galak namang tanong ni Amarra.
Tumango lang si Hernancia at dali-daling kinuha naman ni Amarra ang billetera at tumakbo na sa tindahan ng abaniko habang pasigaw na nagpapasalamat sa kapatid.
Nakangiti lang si Hernancia habang tiningnan ang kapatid na magtungo sa tindahan. Ngayon lang niya na-solo ito at ngayon lang din sila nakapasyal dalawa pagkatapos ng dalawang buwang hindi pagbaba mula sa bukid. Minsan ay nakakalimutan niya na maliit pa lamang si Amarra ng umalis ito sa tabi ng kapatid, pagkat limang taong gulang lamang si Amarra noon ng magtungo siya sa America. Ibig niyang gumawa ng memorya kasama ang munting kapatid pagkat alam niyang hindi na sila bumabata lalo na at mas mataas pa sa kanilang lahat ang bunso. Kaya ibig niyang gamitin ang pagkakataong ito upang maging masaya ang kanilang pamamasyal dalawa.
Hindi nagtagal ay sinundan rin nito ang kapatid na masayang namimili ng abaniko.
"Ano bang abaniko ang hinahanap mo?" Tanong nito sa kapatid.
"Ang abaniko na may burdang taal na desinyo." Puno ng galak na tugon nito sa kapatid.
"Burdang taal na desinyo? Hindi ba at—"
"Binibining Hernancia?" Tanong ng isang binata na nasa likuran ni Hernancia.
Lumingon naman si Hernancia rito at nakita ang isang mestizong ginoo na nakasuot ng damit Americano, at nakayukong nilagay ang sombrero nito sa bandang puso bilang bati sa binibini.
***
"Binibini ito na po iyong inyong abaniko." Saad ng tindera kay Amarra.
"Gracias Seniora. Magkano uli ito?"
"Limang peso lamang po, binibini."
"Ah- li- limang peso talaga?" Nagdadalawang-isip nitong tanong.
"Bilhin mo na, sa labas lamang ako." Malumanay na tugon ni Hernancia at lumabas na sa tindahan at nagtungo sa ginoo.
"Sí," ngiting tugon nito at kumuha na ng limang peso sa pitaka ni Karina.
"Salamat." Saad ng tindera.
"Gracias." Sagot naman ni Amarra at lumabas na.
***
"Senior Agapito, maligayang bati sa iyo Senior." Bati ni Hernancia at yumuko ito.
"Oh please, Nans. You're too polite. How are you?" Tanong ng ginoo at lumapit ito sa binibini.
Pinaglapit nila ang kanilang mga pisngi sa isa't-isa nang hindi nagdampi.
"Never better, Tong. How about you? When did you came back?" Masayang sabi naman nito sa lalaki.
"Just a few days ago. Mother wanted me to come back before the fiesta, how about you? I heard what happened to your parents, I'm so sorry for your loss."
"It's okay. Things like that are inevitable anyways." Saad nito at nagpalabas ng munting ngiti.
"Oh, umph... I also heard you moved here?"
"Yes, indeed we have."
"How come I've never seen you here in town though? Where do you live?"
"Oh, we don't live here in town, we're living in the mountains."
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Historical FictionIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...