Sa loob ng kalesang sakay sina Karina, Hernancia at Amarra.
"Nako! Naiwan ko ang aking pitaka sa bahay. Ardor—"
"Magtigil ka, Hernancia. Wari ko'y hindi mo talaga dinala ang iyong billetera (wallet) pagkat ibig mong bigyan kita ng perang pang-gastos mo." Saad ni Karina habang nakangisi naman nang malapad ang mga kapatid nito.
"Sanse..." Anya Amarra na unti-unting lumalapit kay Karina. "Baka naman ay—"
"Cheh, tigilan niyo nga akong dalawa."
"Sanseeee..." Saad ng dalawa at ngumuso sa kapatid na nagpapa- cute (A/n: Maliban sa kyut, may iba pa po ba kayong alam na tagalog ng cute? Kung meron po, paki comment nalang po, hehe. Thank you in advance;)
"Tumigil na nga kayo." Tanging tugon na lamang ni Karina dahil sa pangungulit ng dalawa at inipit pa siya. "Bakit ba kasi ako umupo rito sa gitna, tuloy napagitnaan ako ng dalawang makukulit na paslit na'to."
Ngumisi naman ng malapad ang dalawa.
Pagkalipas ng mahigit apatnapu't limang minutong paglalakbay.
"Mga binibini," saad ng nagmamaneho ng kalesa.
"Bakit Ardor?" Tugon ni Karina pagkat siya lamang ang gising sa tatlo, habang natutulog ang dalawa na nakasandal sa bawat balikat nito.
"Ibig ko lamang pong ipaalam na malapit na tayo sa bayan ng Aguerro." Masayang tugon naman nito.
"Siya nga?" Galak na tanong ni Amarra na nagpabigla kay Karina dahil sa biglaang paggising nito.
Natawa na lamang si Karina ng makitang sobrang nasasabik itong makita ang bayan habang ginigising naman nito ang isa dahil patuloy parin itong natutulog.
"Nasa Aguerro na ba tayo?" Pangusong tanong naman ni Hernancia sa kapatid habang nakapikit pa ang parehong mga mata.
"Malapit na Hernancia, kaya gumising ka na." Ngiting saad naman ni Karina sa kapatid.
Tumango lang si Hernancia at isinandal muli ang kaniyang ulo sa balikat ng kapatid habang nasasabik namang nakatingin si Amarra sa paligid.
***
"Maligayang pagdating sa bayan ng Aguerro, mga binibini!" Masayang bati ng binata ng alalayan nito si Karina mula sa pagbaba ng kalesa.
"Gracias Senior."
"Gracias."
"Gracias."
"Senioritas, kayo ba ay hihintayin ko rito o magkita-kita na lamang tayo sa novena?" Tanong ng kutsero.
"Nako Ardor, pasensya ka na subalit maaari ka bang bumalik sa bahay at sunduin sina manang Mariella at ate Andorra. Ang amang Alfonso mo na kasi ang nagmamaneho ng isang kalesang sakay sina ditse Emmanuela at Claudinia at natitiyak kong hindi na yun babalik pa sa bahay, kaya kung maaari sana." Saad ni Hernancia sa binatang kutsero.
"Walang problema iyon, Seniorita. Ngunit maaari ko bang isakay narin ang aking ina at mga kapatid, ibig rin sana naming makasali ng novena." Pagpapaalam nito sa mga dalaga.
"Oo naman Ardor. Ngunit magkakasya ba sila sa kalesang ito?" Tanong ni Hernancia.
"Malaki ito kaysa sa sinakyan nina ditse, kaya sakto lamang ito." Sagot naman ni Karina. "Magbalik ka na sa atin, Ardor at isama mo ang iyong ina at mga kapatid. Mag-iingat ka sa daan." Malumanay na tugon nito sa binata.
"Maraming salamat mga binibini. Kung gayun, ako'y lilisan na."
"Sí, gracias Ardor." Saad ni Karina bago umalis ang binata.
"Magandang binata si Ardor, natitiyak kong maraming binibini ang nais siyang maging nobyo o kaya ay—"
"Tumigil ka nga, Hernancia. Ki-babae mong tao, bilang isang babae—"
"Ayan na naman siya."
Saad ng dalawang pilyo at iniwang nagsasalitang mag-isa ang kapatid sa gitna ng daan.
"Oh? Nasaan na ang dalawa?" Tanong ni Karina sa sarili ng mawala na sa kaniyang tabi sina Amarra at Hernancia. "Mga batang 'to talaga. Teka nga. Akala ko mga tao lamang ang umalis, subalit pati pala ang aking pitaka ay naglaho narin." Napabuntong hininga na lamang si Karina ng maramdaman nitong nawawala ang kaniyang bitbit na lukbot.
***
Sa kalayuan, sa gitna ng napaka-abalang bayan ng Aguerro dahil sa nalalapit nitong kapyestahan ay ang dalawang baguhang paslit ng mga Fernando.
"Diyaryo? Diyaryo?"
"Kakanin mga binibini? Mura lamang ito."
"Tingin kayo rito mga binibini, bago ang aming mga tela, mula ito sa ibang bansa. Magagandang klase lamang ang aming ibinibinta, kaya anong atin mga binibini?"
"Amarra? Ayos ka lang?" Tanong nito sa kapatid ng makitang malayo ang iniisip nito habang sila ay naglalakad sa pamilihan. "Bakit tila ikaw ay tulala, kanina ka pa—"
"Abaniko! Ibig kong tumingin ng abaniko!" Nasasabik nitong sabi kay Hernancia ng may makitang isang tindahang nagbebenta ng iba't-ibang kulay at disenyo ng abaniko.
"Aanhin mo naman ang bagong abaniko, eh kay rami-rami na nating abaniko sa bahay." Saad naman ni Hernancia. "Kung nais mo, bibigyan na lamang kita. At isa pa ay nagkokolekta rin ng iba't-ibang abaniko ang ditse, kaya kung nais mo ay manghihingi tayo sa kaniya. Pagkat nasisiguro kong maraming abaniko iyon, mapa-berde, asul, lila o bahaghari pa iyan. Natitiyak kong meron siya."
"Ngunit—"
Bumuntong hininga na lamang si Amarra pagkat totoo naman ang mga winika nito. Marami na nga naman silang abaniko ngunit may isang disenyo ng abaniko na nais nitong bilhin, isang abanikong tiyak itong wala ang mga kapatid. Ngunit ano ba ang kaniyang magagawa, wala siyang perang dala. Ang mas nakakayamot pa ay ang nakakatandang kapatid pa ang may hawak ng pitaka ni Karina.***
Sa kabilang kalesang sakay sina Emmanuela at Claudinia."Ditse?"
"Hmm?"
"Tama ba itong ginagawa natin? Naglilihim tayo sa ating mga kapatid?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nag-aalala lamang ako sa mararamdaman nila kapag nalaman nila ang totoo."
"Batid ko ang iyong pangamba, Dinia." Kinuha ang dalawang kamay ng kapatid at hinaplos ito. "Tahan na, huwag ka ng mangamba pa, kapatid ko. Tiyak kong mauunawaan rin nila tayo pagdating ng panahon. Subalit ang panahong iyon ay hindi pa ngayon. Kaya, hindi nila muna ito dapat malaman. Hindi pa panahon, at... hindi ba at mas mainam kung... sila na lamang ang magbunyag ng katotohanan sa ating mga kapatid?"
Yumuko na lamang si Claudinia at tumango sa sinasabi ng kaniyang kapatid. Hindi niya alam kung anong dapat niyang itugon rito, pagkat kahit alam niyang mas makabubuti ang ganitong sistema ay hindi parin mawala sa kaniyang isipan na siya ay nagtatago ng lihim sa kaniyang mga kapatid. Isang lihim na maaari maging sanhi ng lubos na pagkamuhi nito sa kanilang dalawa. Lalong-lalo na sa kanilang mga magulang.
***
Sa may sapa, sa likod ng bahay ng mga Fernando."Tapos ka na ba riyan, Andorra?" Ani Mariella.
"Oo, magbabanlaw na lamang ako at tapos na ito."
"Kung gayun, mauna na ako at isasampay ko na itong mga natapos na."
"Sige."
Habang nagbabanlaw si Andorra, ay may nahagip itong kwentas mula sa bulsa ng saya ni Claudinia. Ito ay isang laket na gintong naliligiran ng munting kulay berdeng brilyante na nakasaklit sa munting tanikalang ginto. Napangiti na lamang si Andorra ng buksan niya ang kwentas, pagkat sa loob nito ay ang larawan nilang magkakapatid noong sila ay mga paslit pa lamang kasama ang kanilang mga magulang.
"Andorra! Hindi ka pa ba tapos riyan?" Sigaw ni Mariella mula sa sampayan ng kanilang mga damit.
"Ah, malapit na Mariella." Sagot ni Andorra at itinago na sa kaniyang bulsa ang kwentas ni Claudinia.
BINABASA MO ANG
Lo Siento, Adiós.
Historical FictionIisang pamilya, iisang dugo, iisang pangako, iisang kapalaran. Sa pagdating ng bagong mananakop, magbabago ang pananaw at buhay ng mga binibining nagmula sa marangal na angkan. Dito, kinailangan nilang magsumikap upang ipaglaban ang kanilang kalayaa...