Ikalabing-isang Kabanata: Panauhin

5 1 0
                                    

Sa loob ng bahay.

"Pasok kayo. Pasok." Aya ni Karina nang buksan nito ang kanilang tahanan.

"Magandang umaga, mga Binibini." Bati naman ni Agapito.

"Magandang umaga rin, Agapito. Pasok kayo." Anya Karina.

"May dala pala kaming mga kakanin." Anya ni Ceraxio.

"Ay nako, salamat." Sagot naman ni Andorra at kinuha ito mula sa malalamig na kamay ni Ceraxio ng mahagilap nito ng kamay niya. "Amarra~"

"Ate?"

"Samahan mo ako at maghanda tayo ng makakain at maiinom ng mga bisita." Anya nito sa kapatid.

"Sí."

"Tulungan ko na kayo, Andorra." Anya Ceraxio.

"Hindi na, Ceraxio. Panauhin ka namin, hindi trabahodor. Kaya pasok na, nandito naman si Ardor."

"Kung gayun, papasok na ako." Ngiting tugon naman ni Ceraxio.

Tumango lang si Andorra nang makita nitong tumitingin rin pala sa kaniya si Lucas. Nginitian niya lang ito at bumaba na, hila-hila si Amarra.

*

"Pasok, pasok. Upo, upo." Anya naman ni Mariella nang nakapasok ng tuluyan ang mga lalaki.

"Magandang umaga, mga binibini." Isa-isang bati naman ng mga lalaki.

"Magandang umaga rin. Agapito, Alberto, Ceraxio, at... Lucas. Ehem." May pa igham nitong ani nang banggitin ang ngalan ni Lucas. "Oo nga pala, ano at naparito kayo Agapito?"

"Manang~ yaong banyaga na lamang muna ang iyong tanungin~" mahinang ani ni Hernancia sa tenga ng kapatid.

"Ahh- What brings you here into our home?"

"Oh~ umph... I was... Harana." Tanging ulat na lamang nang banyaga na hindi mapakali pagkat lahat ay nakatitig sa kaniya kahit papaupo pa lamang ito, na siya namang pinagtawanan ng mahina lang naman, ng mga magkakapatid na Fernando. Lalo na at may panginginig nitong inihandog ang bulaklak na dala niya.

Sa kaliwang bahagi mula sa hagdan ay naroon ang malaking sala. Ito ay may dalawang malalaking sopa, na magkatapat na maaaring upuan ng apat na tao bawat isa. Sa kabilang banda, sa gilid ng hagdan ay may dalawang silyang butaca at ganoon rin ang tapat nito.
Habang sa kanan naman mula sa hagdanan, sa bandang kwarto nina Karina at Amarra, malapit sa bintana ay isang silyang tumba-tumba at munting lamesa. Rito rin ay may mga nakadikit na ilang imahe nilang magkakapatid kasama ang kanilang magulang.

Naka-upo sina Mariella at Andorra sa silyang butacang malapit sa silid tahian. Sina Karina, Hernancia, at Emmanuela naman ay sa tapat na sopa habang nakaupo naman sina Agapito at Bernard sa sopang malapit sa bintana. Habang sa silyang butacang bandang hagdan naman si Lucas at Ceraxio nakaupo.

"Kayo talaga." Ani naman ni Emmanuela na may malawak na ngiting kinuha ang bulaklak na bigay ni Bernard, lalo na at paborito niya itong wild orchid.

"So, Bernard. It's good to finally meet you."

"Oh! Yes, it's a huge pleasure to meet you all... finally..."

"Well, it's a pleasure to us as well. By the way, I am Mariella, the oldest, with my twin, Andorra, she's at the kitchen at the moment. This is Hernancia, you've meet. Karina, the fourth, and Claudinia, the fifth. Our youngest, which is also downstairs with Andorra is Amarra." Pagpapakilala ni Mariella.

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon