Ikalabintatlong Kabanata: Tampisaw

4 1 0
                                    

Sa kusina.

"Mariella, paabot nga ng sandok..." Anya Andorra ng hindi tumitingin sa likuran habang inuusisa ang niluluto nito. "Mariella..." Tawag muli nito ng tila ay walang nakikinig sa kaniya ng biglang may umabot na ng sandok. "Salamat. Akala ko nabingi ka—" Tila naputulan ng dila ang dalaga ng lumingon na ito at nakita ang lalaking hindi nito inaasahan.

"Seniorita? Ayos ka lamang ba?" Malumanay namang tanong ni Ceraxio ng magkatitigan ang dalawa.

"Ceraxio? Ano at narito ka, nasaan sina Mariella? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Tinawag kasi ako ng Seniorita Mariella pagkat may kukunin raw siya sa likod kasama si Tiyong Alfonso at Ardor. Si Tiyang Xavia naman ay bumalik muna sa kanila at gising na yaong mga bata."

"Ganoon ba." Tanging nasabi nalang ni Andorra.

"Eh, ano ba kailangan mo. Sandok?" Tanong nito at tumingin-tingin sa lamesa sa likuran nito at nang makita ang sandok ay kinuha ito at iniabot sa dalaga. "Ito oh. Huwag kang mag-aalala, nandito naman ako eh. Ako na lang ang gawin mong taga-tulong."

"Ahh, salamat." Sabi nito sabay kuha ng sandok habang tinitiyak na hindi magdampi ang kamay nila. "Pero, hindi mo na kailangan tumulong pa. Gawain ko ito, kaya ayos na ako rito."

"Ano ka ba. Tulungan na kita." Pagpupumilit nito.

"Ahh~"

"Ano bang lulutuin natin?" Tanong muli nito at nang lumingon sa lamesa na puno ng sangkap para sa tinolang manok, at mayroon ring isdang mayroon ng asin sa taas, talong, talbos ng kamote, ilang dosenang itlog, at kamatis. Napatawa na lamang ito sabay sabing, "hulaan ko ang lulutuin natin. Tinolang manok, pritong isda, pritong talong o maaaring tortang talong, at ensaladang talbos ng kamote?" Masayang sabi nito sabay tingin sa nagtatakang Andorra.

"Ahh... eh... oo. Tortang talong, at magpiprito rin ako ng talong at itlog. Pero teka, ma-marunong ka bang magluto?" Sabay lagay ng manok sa kumukulong tubig sa palayok.

"Oo naman, iyon lang naman pala ang lulutuin eh. Bakit ba?" Sabi ng lalaki at naghugas na ng kamay at naghanda na ng kawaling pang-prito. "Ano na ba iyang niluluto mo?"

"Ah, tinolang manok. Inilagay ko na iyong manok, iyang malunggay na lamang ang kulang."

Tumango naman ang lalaki.
"Ayos na naman itong kanin, hindi ba? Gagamitin ko na sana itong kalan."

"O-oo. Pe-pero teka, ayos lamang ba talaga?"

"Oo naman, hindi mo ba alam na ako minsan ang nagluluto sa taniman?"

"Talaga?"

"Oo nga." Giit nito. "Bakit hindi ka naniniwala?"

"Ahh- hindi naman. Naninibago lamang pagkat kay kisig mo at nakakatuwang marunong kang magluto."

"Tila hindi ka pa nakakakita ng lalaking nagluluto kaya ganyan ka. Huwag kang mag-aalala kapag naging tayo na, ipagluluto kita araw-araw." Anya nito sabay kindat na nagpatigil at nagpalaki ng mata ni Andorra.

"Ah- Ako na nga riyan..." Namumulang ani nito at akmang kukunin na sana ni Andorra ang kawaling pang-prito ng biglang itaas ng lalaki ang kamay nito dahilan upang mawalan siya ng balanse at mapahawak sa dibdib ng lalaki.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang ani naman ng lalaki ng magkatinginan sila ng mata sa mata.

"A-ayos lang. A-ako na kasi ang magluto." Ani nito at kinuha na nga ang kawaling pagpipritohan.

"Seniorita, tulungan na kasi kita. Ikaw na riyan sa tinolang manok at ako na magprito? Maaari ba?"

"Sige na nga." Tanging sabi nalang ni Andorra at hinayaan na ang lalaki. "Oo nga pala, iyang talong at itlog, tatlong putahi iyan, tortang talong, pritong talong at pritong itlog."

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon