Ikalabindalawang Kabanata: Kamalig

5 1 0
                                    

Sa bahay ng mga Fernando. Alas sais ng umaga.

"Pitong, Alberto... uminom muna kayo ng kape." Saad ni Hernancia sa mga kaibigang nakadungaw sa bintana.

"Hmm... salamat." Saad naman nang dalawa at umupo na sa may sopa.

"Anong bang nangyari kanina? Nawala lang ako saglit, nagkagulo na kayo. At tsaka, kaibigan niyo ba si Senior Lucas?" Sabi naman ni Hernancia at umupo sa silyang butaca.

"Hindi no. Yung matapobreng iyon, nako!" Saad naman ni Alberto sabay higop ng may galit sa kape nito.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari ron eh, bigla na lang akong kinwelyuhan. Sabi ko lang naman na nanliligaw si insang Axio sa ate mo. Sabi ba naman lumayo raw ito pagkat nobya niya ang ate niyo."

"Eh, totoo ba?" Tanong naman ni Alberto.

"Sinabi niya yun? Eh, oo. Pero matagal na naman yun eh. Bago pa kami pumunta rito sa Aguerro. Hindi nga ba mula kami Ardiente. Eh, noong mawala ang aming mga magulang, nanirahan muna kami ng ilang taon roon bago naisipang manirahan rito. Doon naging magkasintahan iyang dalawa, gusto nga nina ina at ama noong maikasal na sila ngunit dahil sa nagkasakit si ina, mas pinili ni ate na bumuti muna ang lagay nito bago sila magpakasal. Eh wala eh, hindi bumuti ang lagay ng ina, at dahil rin sa sakit na dulot nang hindi paggaling ni ama kay ina, kaya ayon sumunod rin. Papalipasin lang sana namin ang taon mula sa pagkawalay ng aming mga magulang at magpapakasal na sila. Lalo na at sa panahong iyon, ang gulo naming magkakapatid. Halos hindi makausap si Manang, ganoon rin si Claudinia at Amarra. Kinimkim nila yung sakit kaya ayon hindi halos makalabas ng kwarto. Ilang buwan ring ganoon, may tao ang bahay pero parang wala rin. Iba-iba kami nang paraan upang makabangon. Hindi ito alam nina manang, pero alam kong may kapalitan ng liham si ditse noon. Nakikita ko itong lumalabas upang kunin ang telegrama niya mula sa busón. Isa-isa kami noon ng silid sa dating bahay, ngayon lang naman kami nagkaroon ng kasama sa iisang kwarto, simula noong nalaman naming may iba sa aming kailangan ng kasama sa kwarto upang mapigilan ito kung may gagawing, hindi kaaya-aya." Kwento nito sa mga kaibigan. "Pero ayon na nga, isang beses, lumabas si manang, ngunit nang umuwi ito, galit niyang pinagbawalan ang ate na magkaroon pa nang ugnayan kay Senior Lucas, kaya ayon sa hindi malamang dahilan biglang umayaw si ate. Tapos namuhay na rito."

"Talaga ba? Ano kayang dahilan ng pag-ayaw nito?"

"Hindi ko alam."

"Hindi kaya, kaya binili ni Senior Lucas ang paaralan ng Aguerro upang mapalapit siyang muli sa inyo?" Saad naman ni Agapito.

"Bakit niya naman iyon gagawin?"

"Sa pagkakabatid ko kasi, muntikan nang ipasara ang eskwelahan dahil sa halos walang guro ang bayang ito. Tapos noong dalawang buwan bago ngayon, biglang binili ito nang Senior Lucas at ang una niyang binigyang trabaho ay ang mga kapatid mo."

"Talaga ba? Ang alam ko kasi nagpadala nang papeles upang magtrabaho sina ditse sa Mayor noong kakalipat lang namin rito. Maaaring totoo ang sinabi mo pagkat kami man ay hindi inakalang pag-aari niya ang eskwelahan. Noong isang buwan lang naman nalaman."

"May posibilidad ang iyong mga sinabi, kaibigan." Saad naman ni Alberto na patuloy umiinom ng kape.

"Ayos ba ang timpla, amigo?" Patawang sabi naman ni Hernancia.

"Hmm." Tangong sagot naman nito na ikinangiti ni Hernancia. "Teka, ikaw nagtimpla nito?" Tanong ni Alberto.

"Oo, nga..." Sabi nito sabay inom ng kape ng mga lalaki.

"Hmm... Ang galing mo palang magtimpla." Anya Alberto.

"Ano ka ba, ako pa." Patawang sabi naman ng babae. "Pero alam mo kung sinong mas magaling sa atin?"

Lo Siento, Adiós.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon