i

38 3 0
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa‚ umagang umaga naiinis na naman ako.

Paano ba naman kasi‚ nag hire na naman si mommy ng bagong driver ko‚ I am already 19 so bakit pa kailangan ng driver! Bwisît

Pang limang driver na ‘to‚ hindi pa ba siya nagsasawa!

“That’s for your good‚ Iris” singit ni dad sa usapan namin. I just rolled my eyes and walked out

Sinubukan nila akong pigilan pero matigas ang ulo ko‚ ganito ako kapag naiinis talaga ako o ‘di kaya ay wala sa mood.

Bahala sila riyan‚ tawagin na nila akong walang galang na anak kung iyon man ang tingin nila sa akin‚ pero kahit na ganiyan ako ay hindi naman ako bastos.

Nagagawa ko lang na sagutin sila o hindi kaya ay masigawan sila kapag ako ay naiinis at nagagalit.

Umakyat ako sa taas at pumunta ako sa kwarto ko‚ kinuha ang cellphone ko‚ tinawagan ko si Bella‚ best friend ko

“Fvck! naiinis ako” agad na sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko‚ tumawa siya. “Chill‚ what happened?” she added

“Hell girl‚ really? Hindi pa rin tumitigil si mommy na kumuha ng driver ko! Anong akala niya sa akin‚ bata pa? I can manage my own!”

I heard her laughed‚ the hèll.

The devîl. Kung pwede lang maglayas.

“Para naman sa ’yo ‘yan Iris” panimula niya.

“Para hindi ka na makagala” dagdag niya ‘tsaka mariing tumawa.

Pati ito nakakainis na rin‚ kaibigan ko ba talaga ‘to. “Are you kidding me? you better shut up‚ I can kill you silly” I seriously said

Tumigil siya sa pagtawa at tumikhim. dejokelang‚ ito naman hindi mabiro, jokelang bff”

Takot naman pala‚ hindi ko naman talaga kayang pumatay‚ hindi naman ako ganoong kasamang tao. Pero kung gugustuhin ko man ay magagawa ko talaga iyan.

And besides‚ baka ako pa ang matapay nila mom at dad o kung hindi man ay baka mapa-layas ako sa mansyon.

“Anyways‚ sasama ka ba mamaya sa Sapphire Savor?” she asked

I sat on my bed before answering her question. “Of course sasama ako‚ I need to chill‚ pero paanong mag c-chill kung kasama ko naman ang driver ko. Chilling with my driver?. it svcks!”

“Just bear with it‚ Iris. Buti nga ay pinapayagan ka nila tita na gumala‚ dati nga e halos naka-kulong ka na lang sa bahay niyo.”

Argh. This is getting to my nerves! Hindi ko kinakaya ang may kasamang driver. Sagabal sa kasiyahan ko!

“Bye got to go‚ see you later” I said and directly ended the call

Sapphire Savor is one of the most famous club here in Las Vegas‚ itong SS club ay paborito naming tambayan ng nga kaibigan ko‚ lalo na kapag may mga problema kami.

I wanna go there right now and chill. Para kahit kaunti man lang ay matanggal ang inis na dumadaloy sa dugo ko.

I turned off my phone and throw it on my bed‚ tumayo ako at kinuha ang towel. I am going to take a bath.

Papasok na sana ako sa bathroom ngunit naalala kong hindi pa ako nakapili ng susuutin ko mamaya. Shît.

Bumalik ako sa room ko at tumingin ng damit sa closet ko‚ hindi ako makapili sa dalawa.

‘yung blue kaya? Uh I guess ‘yung black na lang

Fitted dress siya‚ I know naman na babagay lahat sa akin ang kahit ano mang damit kaya kahit ano pang suotin ko ay ayos lang.

Pagkatapos kong makapili ng susuotin ko ay agad na akong bumalik sa bathroom.

Afterwards‚ tapos na rin akong naligo‚ I grab the dress and wear it.

Umupo ako sa make-up area ko at inayos ko ang aking sarili‚ i just poured powder and then a lipgloss.

Kinuha ko ang bag ko at nag chat muna ako kay Bella. “I’m on my way”

I put my phone on my bag‚ at dali-dali akong lumabas. Nasa sala sila mommy at agad silang napatingin sa gawi ko.

“Where are you going?” mommy asked me

“Gagala lang kami nila Bella‚ mom” I answered

Tumango lang naman siya. Siyempre alam niyang kasama ko ang driver ko kaya hindi na siya magtatanong pa. Lumabas na ako sa mansyon‚ pagkalabas ko ay nakita ko agad ang driver ko.

Panira ng araw ha!

“Saan tayo pupunta ma’am?” tanong niya

Nay edad na rin ito‚ siguro ay nasa 50 pataas. Makikita mo na rin kasi sa itsura nito.

Itinaas ko ang isang kilay ko‚ “Sapphire Savor” ani ko at binuksan na ang sasakyan‚ hindi ko na siya hinintay pa.

Inopen ko ang bintana ng sasakyan. “Let’s go!” I shouted at him. Nakatayo lang ba naman kasi siya sa labas‚ e alam naman niyang may pupuntahan kami.

Mga matatanda nga naman oh. Mabagal na nga kumilos, siguro ay malilimutin na rin ito.

Agad-agad naman siyang sumakay sa kotse at pinaandar ang sasakyan ng walang pag aalinlangan‚ fvckshit! kailangan ko talaga siyang mapaalis.

Alam ko naman na kumukuha sila mommy ng driver ko para malaman nila kung saan ako pumupunta.

Isn't that cool? of course not! Kaya ko na ang sarili ko kaya bakit pa kailangan ng driver? As if naman kung Person With Disability ako

Just like before‚ gagawin ko ang mga ginawa ko sa mga past driver ko para lang sa gayon ay umalis sila. Don’t dare me‚ mom and dad.

You're just my parents, but I am your beloved and silly daughter.

Inilabas ko ang phone ko at inopen ang camera, I just took a photo while I’m here at the car.

Agad ko naman itong sinend sa Group Chat Channel naming mag t-troups. Just to update them lang naman, wala naman akong kabiyak para i update with picture kaya sila na lang.

I chatted them. “On my way” at saka mabili na itinago ang cellphone ko sa bag ko.

Tinignan ko ang driver ko, he is busy driving lang. Guwapo rin siya.

I wonder bakit matatanda ang mga kinukuha nila dad na driver ko. Wala man lang ka thrill thrill.

Wala man lang mga handsome and hot, boring.

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now