xxii

5 2 0
                                    

“I deretso mo lang diyan, tapos liko ka sa pangalawang kanto. I park mo na lang diyan ang sasakyan kasi hindi kasiya roon.”

Turo ko kay Zoren dahil hindi niya alam ang daan.

Itinaas lang naman niya ang kilay niya sa akin.

“Saan ba kasi tayo pupunta, Iris?” he asked

Nakakainis siya. Parang hindi niya ako amo! Tinatawag niya lang ako sa pangalan ko.

“Basta, wala ka na roon!”

“At saka, isa pa. Pwede ba, tawagin mo naman ako sa proper way na itawag sa akin, nagmumukha kang walang galang eh” wika ko sa kaniya at saka tumango lang siya.

Ilang saglit pa ay itinigil na niya ang sasakyan at saka humarap sa akin.

“Okay na, hanggang dito na lang ’yung sasakyan.” giit niya

Kaagad naman akong bumaba at saka sinimulang maglakad.

Pupunta ako kay Neon ngayon, I’ll try to explain this to him. Baka sakaling matulugan niya ako.

I was walking when suddenly my phone pop up.

“Hindi mo ba ako isasama?” chat ni Zoren sa akin

“Nope, stay ka lang diyan.” I replied

Nang makarating na ako sa gate nila Neon ay agad na akong nag door bell.

Lumabas naman siya kaagad at saka niya ako inakbayan

“Bro, napadalaw ka?”

Naglakad kami papasok sa bahay nila at saka umupo sa couch nila

“Bakit ka nandito? May problema ba?” tanong niyang muli sa akin

Nag inhale-exhale ako bago ako magsalita at sumagot sa kaniya

“Neon” pagsisimula ko

Napatingin siya sa akin at saka nagtaas ng isang kilay.

“What is it?”

“M-May sasabihin sana ako sa ’yo, importante lang.” tugon ko

Lumapit siya sa akin at saka umupo sa tabi ko.

“Ano ba ’yan, parang ang seryoso naman niyan”

Tumingin ako sa paligid ng kung saan kami nakaupo upang isigurado na walang taong makakakita i makakarinig sa amin

“Ako lang mag-isa rito, sabihin mo na kung ano ’yon, huwag kang matakot.”

“Uhm, Neon, you know Zoren naman ’di ba?” tanong ko sa kaniya at saka tumango lang naman siya sa akin

“M-May nangyari sa amin” agad kong tugon sa kaniya

Kitang kita naman sa mga mata niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

“Ano? Tanginà Iris, kilabutan ka nga!” sigaw niya sa akin

I hold his hands.

“T-Totoo, Neon. Huwag kang magalit please. Hindi ko alam ang gagawin ko!”

“Gusto ko siyang paalisin o tanggalin bilang driver ko, please. Alam kong mali ’yung nagawa ko.”

saad ko sa kaniya at nanatili naman siyang kalmado.

“I’ll keep it, Iris. Pero sana ay huwag mo nang uulitin iyan, kung maaari ay tanggalin na si Zoren sa lalong madaling panahon!”

“Ang sabi niya ay gusto niya ako” pagtutuloy ko sa sinabi ko kanina

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now