xiv

3 1 0
                                    

Hindi na ako lumabas pa sa kwarto ko, ni kumain ay hindi ko na rin ginawa. Ayaw kong lumabas, ayaw ko silang makita.

Nakahiga lang ako sa kama ko at tanging pagbuhos lang ng aking mga luha ang aking nagagawa.

All I know is, it hurts. I just feel like, I Am broken into pieces...

I heard a knock on the door, hindi ko ito pinansin dahil wala rin namang nagsalita, hindi ko ito binuksan dahil baka si daddy ito o si kuya

Ilang saglit pa ay kumatok siyang muli.

“Anak, si manang Cecil mo ito”

When I heard that voice, agad kong pinunasan ang luhang umaagos sa mukha ko.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at saka binuksan an pintuan.

Nakita ko sa mga mata ni manang Cecil ang pag-aalala sa akin.

I just looked her in the eyes and take a deep breath.

“Bakit po iyon, ma?” I asked her

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap.

“Okay ka lang ba ’nak? May masakit ba sa ’yo?”

“Tara muna sa baba, kumain ka muna.” giit ni manang bago kumalas sa akin

“Ma, ayos lang po ako. Hindi po ako gutom.”

“At kung may masakit man sa akin, puso ko po ma, hindi na nga niya nakaya ’yung sakit kaya napapaluha na eh” tugon ko naman sa kaniya

Hinaplos nito ang likod ko.

“Matulog ka na ma, pupunta na rin po ako sa baba.” ani ko sa kaniya

“Kumain ka ha” huling giit niya at saka umalis sa harapan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko bago ako bumaba.

Dumaretso ako sa kusina upang kumuha ng maiinom

I sat on the couch while drinking water.

When I was checking the time, it's already 9 in the evening.

“Hey” I chatted to Bella, baka sakaling gising pa siya.

Pero mali ako, tulog na ata ako, hindi na kasi delivered ang message ko.

Ibinalik ko ang baso sa kusina at agad na bumalik sa taas upang mag-ayos.

Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko ay agad na akong bumaba upang umalis ng bahay.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan, sinisiguradong wala akong magagawang ingay na siyang ikagigising ng sino man sa kanila

Nang makalabas na ako ay agad akong tumakbo sa gate at saka binuksan iyon.

Naglakad ako ng dahan dahan at bago isinara ang gate.

Alam kong gabi na pero hindi ako mapakali, gusto kong mawala itong sakit na nararamdaman ko.

When I was walking around the street, wala ng masiyadong tao. Mabuti na lang at wala ’yung mga nag-iinuman sa may kanto

Nang makarating ako sa bahay nila Bella ay kaagad na akong nag door bell.

No’ng una ay wala pang lumabas kaya inulit ko ang pag door bell.

“Hello ma’am‚ ano po ang kailangan niyo? Gabing gabi na po” saad ng maid nila Bella.

“Si Bella po?”

“Pasok muna kayo ma’am, tatawagin ko siya” aniya

Pumasok naman na ako sa bahay nila at saka isinarado ang gate nila.

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now