xiii

4 1 0
                                    

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, gusto kong umiyak pero ayaw ko namang ipakita kay Zoren kung gaano ako kahina.

Lalo na at unang araw niya pa lang naman bilang driver ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at saka nag open ng Facebook.

Kalat na nga iyon, pati sa social media ay mayroon na. May nag video rin pala sa amin ni Akisha kanina, at ayon, in-upload pa ’yung video.

Tanginàng ’yan. Ano ba kasing ginawa ko? Ang big deal naman sa kanila ’to.

Madami ring nag m-message sa akin tungkol doon, pati sa Instagram ko ay naka-abot na sila.

Kaagad ko namang pinatay ang cellphone ko at ibinalik ito sa loob ng bag ko.

Ano pa bang silbi ng pag c-cellphone ko kung sa bawat pag open ko ng social media platforms ay ako ang laman

Hindi papuri, pero mga masasamang salita ang mga sinasabi. Nakakawalang gana ang mag cellphone kung puro ganiyan naman ang maaabutan ko.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at tinignan na lang ang mga tanawin. Napansin kong mabagal ngayon si Zoren, hindi katulad noong umaga na ang bilis bilis niya sa pagmamaneho.

Binaling ko ang tingin sa kaniya, tumingin ako sa mirror ng kotse at nakatingin pala siya sa akin.

“Ang bagal mo yata mag maneho ngayon ah, may problema?” giit ko sa kaniya

“Ikaw” maikling tugon niya

Anong ako? Aba’t ako ang problema niya? Walang hiya ito ah!

“Ano? Bakit ka pa pumayag na maging driver ko kung—”

“Ingay, ikaw ang problema ko. Bakit ganiyan ka? May nangyari ba? Kanina ka pang aligaga riyan, hindi ako mapakali kung ano bang nangyari sa ’yo” pagpapatuloy niya.

“Why do you care? Baka wala lang naman ako sa mood.”

“Really?” he asked

“But anyway, you can rant naman on me. I’ll hear you out, if you want lang naman. I’m not forcing you, for your privacy na rin.”

“I’m fine, Zoren. Pero maraming salamat sa pag-aalala ha, siguro pagod lang ako kaya ako ganito.” I answered

“Alright, bibilisan ko na. Para makapag-pahinga ka na rin.” aniya na siya namang pagbilis ng sasakyan namin

Nang papalapit na kami sa mansion ay bigla siyang bumagal sa pagmamaneho. Nagtaka naman ako sa kaniya.

“What’s wrong?” I asked him na may kahalong pagtataka.

“Sabihin mo nga, miss Iris. Wala ka naman sigurong ginawang kasalanan ano?” he asked back

Kasalanan? Wala ah. Kahihiyan siguro puwede pa.

“A-Ano, wala ah! Bakit mo ba natanong iyan?”

“Daddy mo, nasa gate.” tugon niya

Agad ko namang sinilip kung meron talaga si daddy. At tama nga, meron siya.

Huminto ang sasakyan, nangangahulugang nandito na kami.

Naunang bumaba si Zoren at bumati siya kay daddy.

Pinagbuksan ako niyo ng pinto kaya agad naman akong bumaba. Kinuha ko ang bag ko at saka dumaretso kay daddy.

Nakangiti akong papalapit sa kaniya, tila ba parang walang nagawang masama.

Nagmano ako kay daddy.

“Hello dad” I greeted him

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now