xxvii

13 2 0
                                    

“Oh, Iris. Nakauwi ka na pala” saad ni mommy sa akin na nakaupo sa couch

“Hi mamiii”

“Wala pa ba ang daddy mo? Ang akala ko ay kasabay mo siya” aniya

Umupo ako sa tabi niya. “Kaninang Umaga po kasabay ko siya, pero ngayon hindi po. Nag commute lang din ako mommy”

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito, it's daddy

“Ayan na po pala si daddy eh”

Tumingin naman si mommy sa gawi ni daddy

“Sorry ’nak, mediyo madami ang inasikaso namin kanina. Hindi kita nasundobungad niya sa amin at saka hinalikan si mommy

Nagmano naman ako sa kaniya bago siya maupo sa tabi ni mommy

“Saan ka sumakay?” tanong ni daddy

“Tinatawagan ko po si Zoren pero hindi siya ma contact, kaya nag commute na lang po ako”

Nakita ko naman ang pagtango nito sa sinabi ko.

“Nasaan ba si Zoren, daddy? Sesermonan ko lang siya!”

“Anong silbi niya sa pagiging driver niya sa akin kung hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko” ani ko

“Hayaan mo na, Iris” giit niya

What? Anong hayaan!

“Po? Hindi!” sagot ko at saka tumayo

Dumaretso ako sa kwarto ni Zoren upang tignan kung nandoon siya, hindi niya ako sinundo kanina. Nakakainis siya!

Narinig ko pa ang pag-tawag sa akin ni daddy, maging si mommy ay tila pinipigilan akong pumasok sa kwarto ni Zoren.

Bakit? May hindi ba ako nalalaman?

Habang papalapit ako sa kwarto niya ay nakakaramdam ako ng kaba. Bumibilis din ang tibok ng aking puso.

As I open the door, kasabay din nito ang pagkagulat sa mukha ko.

Ang...

Ang linis ng kwarto niya.

Pumasok ako rito, wala si Zoren.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito, ngunit ni isang damit ay wala akong makita.

Kahit isang gamit ni Zoren ay wala, wala akong makita.

U-Umalis ba siya?

Nakaramdam ako ng lungkot. Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.

Am I too late.....

Lumabas ako sa kwarto niya at saka bumalik kila daddy.

They seem so worried.

“Daddy!” I shouted

Kaagad naman silang tumingin sa akin hanggang sa makaupo ako.

“Nasaan si Zoren?” tanong ko sa kaniya

Napalunok ito.

“Baka nasa l-labas lang anak” kinakabahan siya.

How could be na nasa labas siya eh ’yung mga damit niya ay wala ni isa? Pinagloloko ba ako ni daddy?

“Ano? Imposible naman iyan daddy, eh wala nga po ni isang gamit ni Zoren sa kwarto niya!”

“Fine fine, may importante lang siyang inaasikaso, Iris.” wika niyang muli

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now