xv

5 2 0
                                    

Zoren POV :

Nag ring ang phone ko sa kalagitnaan ng pag-tulog ko. Hinayaan ko na lang ito dahil baka si daddy lang naman ito.

Naka dalawang ring na ito kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na tignan kung sino ang tumatawag.

“Unknown number?” I uttered

Kaagad ko namang sinagot ang tawag, napapaisip kung sino ito. Dahil ang cellphone number na gamit ko ngayon ay for my job only. Kaya iilan lang ang nakakaalam nito.

“Hello, is this the driver of Iris?” the girl said

Nagtaka naman ako.

“Yes, who’s this?” I replied

“Kuya, sorry sa istorbo ha, pero pwede mo ba siyang sunduin dito sa Sapphire Savor sa madaling panahon? She’s out of control na kasi and may mga guy na parang mga adik

Seriously? Nagawa niyang pumunta sa Sapphire Savor ng ganitong oras? Tsk.

I immediately ended the call at saka kinuha na ang susi

Lumabas kaagad ako sa bahay at nagmaneho.

Pagpasok ko sa club kung saan naroroon si Iris ay agad ko siyang hinanap.

Hanggang sa namataan ko siyang sumasayaw sa harapan ng isang lalaki.

Nakuha pa nitong gumiling. Fvck this woman.

Pinigilan naman ito ni Bella pero itinulak lang siya ni Iris.

Iris was about to kissed the guy but I ran immediately and grabbed her.

Tumingin ako ng masama kay Iris at saka bumaling ng tingin sa lalaking nasa harapan namin.

“Ano bang ginagawa mo? Ibalik mo siya sa akin” saad ng lalaking maniyak na ’to.

May gana pa talaga siyang magsalita ng ganiyan! Sa tingin niya sino ba siya para basta basta ko na lang ibabalik si Iris sa kaniya? The hell, iyan ang hinding hindi ko gagawin.

“Who the hell are you to touch her?” I replied to the guy

Nang maramdaman kong matutumba si Iris ay hinawakan ko ang balakang niya.

Lumapit ako sa lalaking ito at saka binigyan siya ng isang malakas na suntok.

“She’s mine, so fvck off.” saad ko sa kaniya bago siya tinalikuran.

I carried Iris in a bridal style.

Dumaretso ako sa kaibigan niya. “Sasabay ka ba sa amin?” I asked her.

“Ihatid mo na siya, kaya ko ang sarili ko” she replied

I grabbed her phone and immediately went outside.

Nilagay ko si Iris sa passenger seat at agad na sumakay sa loob ng sasakyan.

Tinignan ko siya.

She is also staring at me. How could this pretty girl drunk that much? Pft.

“Anong pumasok sa kokote mo na uminom sa ganitong oras?” I asked her

Napa-yuko na lang siya sa tanong ko.

“You don't fvcking care!” She shouted at me.

Umiling na lang ako sa kaniya at saka nag maneho.

Dahan dahan lang ako sa pag d-drive ko, baka mas mahilo pa siya kapag binilisan ko.

When I was looking at her, hindi siya mapakali.

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now