xix

4 2 0
                                    

Papalabas na ako ngayon papuntang mall. Nag-aya na naman ang mga tarantadô kong tropa.

Nakita ko si Zoren na nakatayo na sa sasakyan at hinihintay na lang ako.

Bubuksan na sana niya ang kotse nang unahan ko ito. “Kaya ko.” saad ko sa kaniya

“Okay” tugon niya at saka sumakay na rin sa kotse.

Hindi na ito nagsalita pa at naagmaneho na ito

“Hindi nakakatuwa ’yung ginawa mo kanina” I uttered

Isn’t it? Nasarapan ka nga eh!” He replied and laugh.

“Fvck ka! Ang lakas talaga ng loob mong galawin ako, akala mo natutuwa ako?” saad ko sa kaniya

“Oh, really? Sorry baby” 

Hindi ko na siya pinansin pa at hinintay na lamang na makarating sa venue.

Nang nasa parking lot kami ay agad namang sumalubong sila Neon at Bella. Hindi ko nakita si Jake, Arianna at si Kamiah.

Inopen ni Zoren ’yung pintuan at saka ako bumaba.

“Tara na?” tanong ko sa kanila

Lumapit si Bella kay Zoren at saka hinawakan ang kamay nito.

“Hindi ba natin isasama si Zoren sa loob?” tanong niya sa amin at saka tinignan si Zoren

Tsk. Nakakainis, bakit pa ’yan isasama.

“Nyetà, tara na nga” ani ko at saka humawak sa kamay ni Neon

Nakita ko naman kung paano tumingin si Zoren sa ginawa ko.

Naglakad kami papasok sa mall at nakasalubong namin sila Arianna

“Wow, ano ’yan? By partner pala ito eh, edi sana hindi niyo na lang kami sinama at nag double date na lang sana kayo!” giit ni Arianna

I looked at Neon and we laughed.

Sino ba namang hindi matatawa sa sinabi niya, double date? Baliw.

“Wait”

“This guy ’yung nag ayang sumayaw sa ’yo ’di ba, Iris?” tanong ni Jake

“Oh, yeah!” I answered

Tumingin naman ang baklang ’to kay Bella na nakahawak sa kamay ni Zoren

Wowers, nananaliksik ang tingin ha. Sige, pag-agawan niyo ’yan.

“Eh bakit nilalandi na naman ni Bella, akala ko ba ikaw ang gusto ni kuyang pogi?”

Sumingit naman si Bella

“Hoy hoy hoy! Hindi mo lang talaga matanggap na mas maganda ako kay Iris kaya magugustuhan ako ni Zoren!” malanding saad niya

Wala namang reaksyon si Zoren at nakatingin lang siya sa amin ni Neon.

Naglakad na kami papuntang restaurant upang kumain

“Mag order na kayo ng kahit ano” ani ni Kamiah

Wow? Parang may manlilibre ngayong araw

“Libre yata ni Kamiah guys” saad ni Arianna

Napatingin naman si Kamiah kay Arianna.

“Order na kayo ng kahit ano, si Iris ang magbabayad” tugon niya at saka tumawa pa.

Aba, mga loko talaga!

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now