x

5 2 0
                                    

Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Nag-alarm ako kagabi ng 4 pm, ayaw kong ma late sa school hindi dahil nag-aaral na ako ng mabuti. Ayaw kong ma late sa paaralan dahil mayroon si daddy. Kapag na late ako ay tiyak na pagagalitan na naman ako nito!

When I went downstairs, wala pang katao-tao. Malamang at sa malamang ay wala pa! Anong oras pa naman ang aga aga.

Pumunta ako sa kusina at kumuha muna ng maiinom. Huminga ako nang malalim bago binuksan ang refrigerator.

“Ay wala ng yogurt” giit ko sa sarili ko nang makita kong wala na pala ’yung yogurt.

Inubos na naman siguro ito ni kuya, bastos na lalaki iyon. Hindi man lang nagtira ng para sa akin kahit isa lang.

Bumalik ako sa upuan at doon ko ininom ang tubig na hawak-hawak ko. No choice, walang yogurt kaya tubig na lang talaga ang bagsak

“Bakit ka nandito anak, ang aga aga pa para gumising” mahinang saad ni manang sa akin at bahagya akong nilapitan.

Napaangat naman ako ng tingin kay manang

“ma, bakit gising na kayo” Tanong kong muli sa kaniya.

“Akala ko kasi ibang tao ang maingay kaya bumaba ako, hindi ko naman pala alam na ikaw iyan.” salaysay ni manang at saka tumingin sa akin

Maingay pala ang mga kilos ko? Hindi ko alam iyon ah!

Ilang minuto pa kaming nag kwentuhan ni manang hanggang sa ang oras ay alas singko na ng umaga

Dali dali akong nagpaalam kay manang. “Ma, maliligo na po ako. Maiwan ko na muna kayo rito”

“Magluluto na rin muna ako, para naman may laman ang tiyan mo kapag pumasok ka” tugon na manang at siyang tango na lang ang sagot ko rito

Kaagad naman akong tumayo at umakyat na sa kwarto ko. Inilabas ko muna ang uniform ko bago pumasok sa banyo

Habang naliligo ako ay pumasok sa isipan ko ang gagawin kong plano kay manong Andrew.

Ngayon ko na siya isasagawa, para naman ay kahit papaano wala nang nagbabantay sa akin o sa mga kilos ko.

I will seduced him, at kapag sumabay siya. Sasabihin ko kay daddy na pinagsasamantalahan niya ako. Isn't that cool?

After a minute, natapos na rin akong naligo. Isinuot ko na ang uniform ko at agad na inayos ang buhok ko. Nag suklay lang muna ako dahil basa pa ito.

I prepared my bag at saka lumabas na.

“Ma” pagtatawag ko kay manang sa baba ngunit wala namang isang boses ang sumagot

Ibinaba ko ang bag ko sa may couch at nagtungo sa kusina para tignan si manang kung nandoon ba siya.

When I got there, hindi nga ako nagkamali, nandoon nga si manang at hawak hawak ang isang mangkok na may laman na chicken

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay siya namang ang pag tingin sa akin ni manang.

Nariyan ka na pala nak, halika na muna at kumain ka na” pag-aaya sa akin ni manang

Umupo ako sa may table at hinintay na lang ang pagkain na niluto ni manang.

If I wasn't wrong, tinola ito.

“Mama, sumabay ka na sa akin kumain. Halika na po” giit ko kay manang na naka-upo sa tabi ko at tinitingnan lang ako

“Naku naku, hindi na nak. Mamaya na lang ako, pagkatapos kumain nila ma’am Candice” pagtatanggi ni manang

Wala na akong nagawa dahil nagpupumilit siya na huwag na at kakain na lang daw siya pagkatapos nila mommy.

“Ma, mauuna na po ako sa school ha. Pakisabi na lang kila mommy at daddy, baka hanapin nila ako” saad ko kay manang na inaayos na ang pinag-kainan ko kanina.

Tumango naman si manang saka binitawan ang hawak hawak niyang plato at bahagyang niyakap ako.

“Mag-iingat ka Iris” tugon ni manang at kumawala sa pagkakayakap sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papalabas ng bahay.

Wala pa man ako sa labas ay tumunog na ang cellphone ko, dali dali ko itong chineck.

“Good morning, Students! Please be on your complete uniform today. Thankyou!” chat ni ma’am Gailey

Mabuti na lang at nag uniform ako ngayon, kung hindi ay hindi ko na naman nabasa ang chat niya.

“Manong Andrew!” sigaw ko sa labas

Hindi naman sumasagot si manong Andrew kahit nakikita ko siya na nagpupunas sa sasakyan.

Bingi ba siya? o baka naman may problema siya sa pandinig? Total matanda naman na siya kaya hindi na ako magtataka pa!

Papalapit ako ng papalapit sa kinatatayuan ni manong Andrew, when I walked towards him, I feel so strange.

Parang hindi naman siya si manong Andrew. He’s so freaking hot kahit nakatalikod pa lamang, paano na kaya kapag humarap na ito.

He has a masculine body, halatang halata sa kaniya ang kaniyang mga naglalakihang biceps.

“Manong Andr—”

“H-Hey, what are you doing here?” giit ko sa lalaking kanina ay nakatalikod, ngayon ay humarap na sa akin.

I’m right, he is not manong Andrew.

“Who the hell are you? And where’s manong Andrew?” sunod sunod kong tanong sa kaniya at nanatili pa rin siyang tahimik.

“May balak ka bang magsalita ha? Trespassing iyang ginagawa mo! If I wasn't wrong, hindi ba ikaw ’yung nag-ayang sumayaw sa akin sa club?” salaysay ko sa kaniya.

What is he doing here! Kaya naman pala ang hot niya dahil siya pala iyon! Arrgh!

He stares at me in the eyes. I... I feel like, I’m stunned.

“Puwede ba miss mag dahan dahan ka naman?” he seriously said

Napalunok naman ako at nakatingin lang sa kaniya.

Lumapit siya sa tabi ko na siyang dahilan ng matinding tibok ng aking puso.

“My name is Zoren Laxus Lorenzo, 20, Sagittarius.” he stated

“My father is Andrew Lorenzo, inutusan ko siyang siya muna ang maging driver mo dahil nahihiya ako, ang successful ng pamilya niyo.”

“But then, I met you in the club. You're nice at dancing, huh. So I decided na palitan na si dad.” patuloy niyang saad.

Hindi ako nakapag-salita. I was really stunned.

“It’s kinda weird, right? Hindi ka ba mag sasalita riyan?” he uttered

I remain not answering his question.

Naglakad siya papunta sa kotse at binuksan ito.

“Move, I will drive you to school already.” saad niya

Agad naman akong pumasok sa sasakyan at gayon din siya.

I was just watching him drive, hindi pa rin nag s-sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Hindi ko pa man nagawa ang plano ko kay manong Andrew ay inunahan na pala ako nito.

Umalis nga siya, may kapalit naman. Tsk!

“Ang sama ng tingin mo sa akin ah, first day ko pa lang pero mukhang hindi na ako pasado sa ’yo” saad niya at tumingin sa akin

Agad naman akong umiwas ng tingin at binaling na lang sa phone ko. What the hell!

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now