ii

31 3 0
                                    

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan‚ pilit akong kinakausap ni manong ngunit hindi ko siya sinasagot.

Because I don’t want to! Nakakainis siya, bakit ko naman siya kakausapin kung kumukulo ang dugo ko sa kaniya!

Naka-focus lang ako sa phone ko‚ then after a minute‚ tumigil si manong. Tinaas ko ang ulo ko akala ko ay nasa club na kami pero magpapa-gas lang pala siya.

I turned my gaze to my phone at hinintay na lang na matapos.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami. I looked at him‚ wala ba siyang balak bumaba?

“You’re not going to open the door?” I asked him seriously.

Tumingin siya sa mirror. “Sorry ma’am” ani niya bago bumaba at binuksan ang sasakyan.

Agad akong bumaba at tumingin sa kaniya‚ I looked at him from head to toe. “Dito ka lang‚ you’re not allowed to enter.” saad ko sa kaniya na ikinatango naman ni manong

Naglakad na ako papunta sa entrance at kumuha ng ticket‚ dumaretso ako sa loob. Mga nagsasayawan at nag-iinuman agad ang sumalubong sa akin.

Inilibot ko ang mga mata ko‚ hindi ko makita kung saan naka-puwesto sila Bella.

My phone vibrate so I checked it

“Nandito kami sa may gilid‚ sa may right side ng cafe” text niya

Agad naman akong nagpunta roon‚ nakita ko silang apat na ngayon ay nakatingin na sa gawi ko

Nang malapit na ako sa kanila ay nagsalita na ako. “Hey guys!” sigaw ko kasabay ang pakikipa-apir ko sa kanila

“Bagal mo” si Arianna

I rolled my eyes and sat between Arianna and Bella‚ they gave me warm hugs.

“So nasaan na ‘yung sinasabi mong driver mo?” tanong ni Bella

Tumingin ako sa kaniya at nilagyan ng tequila ang glass ko. “Nasa labas‚ hindi ko na siya pinapasok. ‘Tsaka wala rin namang alam sa mga ganito ‘yon‚ he’s too old for this thing.” sagot ko sa kaniya

Lahat naman sila ay tumawa sa sinabi ko‚ mga tarantadó.

Ininom ko ang tequila at ganoon din sila.

“Pero you know what?” panimula ko na siya namang ikinatingin nila sa akin

“Ano?” Jake responded

I cross my arms. “Gagawin ko ang lahat para lang mapaalis ang driver na ‘yan. Hindi ako papayag na magtatagal siya sa akin.” dagdag ko

Neon smirks “Well girl‚ wala naman talagang nagtatagal na drivers o taga-bantay sa ’yo‚ you can do whatever you want! Ilan na nga ba mga naging driver mo?” saad niya ‘tsaka tumawa.

“Baka nga pang sampu na ‘yan e” ani naman ni Arianna

“Pft‚ whatever!”

Ilang saglit pa ay may lumapit na lalaki sa amin‚ he’s tall and handsome‚ he’s cool.

Ganiyan ang mga tipo ko, pogi na nga, hot pa! Kung ganito lang sana ang driver ko edi gaganahan akong magpasama sa kaniya sa kahit saan.

Wala talagang ka taste taste si daddy, sabagay, lagi naman niya akong pinag-iinitan ng ulo!

Nagkatinginan kami‚ si Bella naman ay nag papa-cute. Nothing’s new ganiyan na talaga siya‚ landi is life si ate girl.

“Ahm excuse me‚ may I dance the girl on between the two?” he asked while he is looking at me

My troops are looked at me too.

“A-Ako?” tanong ko sa kaniya habang itinuturo ko ang sarili ko

“Ay hindi girl‚ ako! Malamang ikaw sino pa ba ang babaeng nasa gitna? Impaktà!” sigaw naman ni Jake.

And yes‚ Jake is a gay 95% out of 100

“Sige na sissy‚ si kuya na nag-aaya oh!” ani naman ni Bella

Nilahad ng lalaki ang kamay niya sa akin‚ I hold his hand and stand

Pumunta kami sa dance floor at nagsimulang sumayaw‚ pansin ko pa ang mga kaibigan kong pini-picturan kaming dalawa.

“What’s your name‚ miss?” he asked with his baritone voice

I looked at him. “my name is Iris‚ and you?”

“Nice name‚ it suits on you. And about my name‚ hindi mo na kailangan pang malaman” he answered

Ang damot naman nito‚ pangalan lang naman. Akala mo naman talaga sikat siya.

Pagkatapos naming sumayaw ay ibinalik niya na ako sa upuan ko. “Thanks for the dance”

Ngumiti lang ako sa kaniya at umupo na kasabay naman ang pag-alis niya.

“Bagay kayo” agad na sabi ni Arianna.

Mga babae nga naman talaga

“Look‚ may picture ako sa inyo‚ ang cute oh” ani naman ni Bella. Parang mga gagî lang!

“Patingin nga!” saad ko at kinuha ang phone na hawak-hawak niya. They’re liar but not a liar! Bagay nga naman talaga kami

Hinablot na ni Bella ang cellphone. “Ngumingiti ka na‚ inagaw mo sa akin si fafa!” aniya

Natawa naman ako‚ anong inagaw e ako ang pinili niya‚ lalo ko pa nga itong asarin para masira ang araw niya

“Pero alam mo Bella‚ I found him cute” saad ko at ngumiti

Agad naman itong nag-iba ng reaksyon‚ nakakatawa talaga siyang tignan. Maya-maya naman ay may iba na naman siyang lalaki

“Kapag talaga naging kami‚ who you ka sa akin Iris!” sigaw niya

Tumawa naman si Jake. “In your dreams pa girl‚ kung kasing-ganda mo lang si Iris pwede pa e.” bulyaw niya

Tumawa naman kami at nag-walked out si Bella‚ kapag pikon ka talaga‚ talo ka.

“Ayan nagtampo tuloy‚ suyuin mo ‘yan‚ Jake” giit ko sa kaniya at saka bahagyang tumawa

Uminom siya ng alak bago magsalita. “Hayaan niyo na siya‚ hindi kami talo para ako ang manuyo, sayang ang beauty ko para sa bagay na iyan”

Tarantadó talaga ito‚ e pareho lang naman silang malandi!

Nag-kwentuhan na lang kami at hinayaan na muna si Bella‚ bahala raw siya riyan. Hindi naman niya kami shota para suyuin namin siya.

Sabagay‚ I agree naman!

Magpasuyo na lang kamo siya sa mga lalaking kalandian niya, total hindi naman na namin mabilang kung ilan na ang naging kalandian ni Bella.

Mas okay ’yon, madami silang susuyo kay Bella. Mas madami, mas mabilis.

Inilibot ko ang paningin ko sa club pero hindi ko na makita ’yung lalaki kanina, he’s cute.

That's my type.

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now