vii

8 2 0
                                    

Dali dali akong pumasok muli sa loob ng bahay upang maligo, iniwan ko muna sila roon sa may garden namin, maghintay sila bahala sila riyan.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si daddy na agad namang tumingin sa akin

Ang sama sama niya tumingin‚ para bang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.

Minsan nga ay napapa-isip na lang ako kung masaya ba siya kasi ako ang naging anak niya, oh 'di kaya'y mas masaya siya kung wala ako sa buhay niya.

Nagkatinginan kami ni daddy, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, tila hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Napahinto ako sa pintuan‚ nakaka-kaba siya!

Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon

"Kumilos ka na‚ Iris. Magpasalamat ka na lang at mayroon iyang mga kaibigan mo‚ dahil kung hindi‚ kanina pa kita sinaktan!" salaysay ni daddy habang nananaliksik pa rin ang mga tingin sa akin

Napalunok ako sa kaniyang sinabi at dahan dahang naglakad, pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay agad na akong umakyat sa kwarto ko. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

Dumaretso na ako sa bathroom at agad na naligo.

I'm just wearing a simple but elegant dress and i put a light makeup on my face

After dressing up, kinuha ko na ang bag ko at nagtungo na sa baba

Wala na rin si daddy sa couch kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Yeah‚ my parents are absolutely strict. Kaya minsan ay tumatakas lang ako.

Siguro dahil diyan sa pagtakas ko ay kaya sila kumukuha ng driver ko, para kung wala ako rito sa bahay at nagtanong sa akin, tatanungin muli nila sa driver ko upang malaman kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Let's go?" ani ko sa kanila nang makalabas na ako, halata sa mga mukha nila ang iritado sapagkat kanina pa sila naghihintay

"Akala ko nalunod ka na" saad ni Bella na ikinatawa naman namin

Tumayo naman silang lahat at pumunta na kami sa labas.

Huminto ako ng makita ko si manong Andrew na nasa labas at nakatayo sa tabi ng kotse

"What's wrong?" tanong sa 'kin ni Arianna

Isa isa naman silang tumingin sa gawi ko.

"Teka nga‚ huwag niyong sabihin sa 'kin na pati si manong Andrew isasama natin?" tanong ko sa kanila at bahagyang nagtaas ng isang kilay

"Malamang girl‚ driver mo 'yan!" tugon ni Jake at pinalo pa ako sa balikat

Bahagya namang tumawa si Neon. "Alam mo Iris‚ kung wala at hindi mo kasama si manong Andrew‚ ay tiyak hindi ka rin papayagan!" he uttered and slightly laugh.

Stûpidity! I hate my fvcking life that much!

"Tara na nga!" inis na sigaw ko sa kanila at dali daling sumakay sa kotse

Bale nasa backseat ako‚ katabi ko si Bella‚ nasa likod naman sila Arianna at Jake

Ang nasa passenger seat naman ay si Neon, as usual naman

"Oh, saan nga tayo pupunta?" tanong kong muli sa kanila dahil kanina ko pa ito tinatanong ngunit hindi nila masagot-sagot ng maayos!

Tumingin sa akin si Bella. "SM tayo!" masayang sambit niya

Naknam! Sa SM lang naman pala pupunta, kailangan pang isama si manong Andrew.

Sumimangot ako at tumingin sa bintana.

"Ano ka ba Iris‚ siyempre treat namin!" dagdag niya

"Iris‚ tingin!" sigaw ni Neon

Agad naman akong napatingin sa gawi niya, ayon naman pala at nag p-picture

Nag pose naman ako at ngumiti ng kaunti

"Kahit talaga huwag ka nang ngumiti Iris‚ ang ganda mo" wala sa sariling sambit ni Neon

Hindi naman na bago sa akin ang makarinig ng mga papuri, ngunit ibang iba ngayon si Neon.

Never pa siyang naging ganiyan, ayaw ko rin namang mag assume kasi ang pag-aassume ay gawain lamang ng mga mahihina!

pero, paano kung may gusto talaga siya sa akin?

"Ang lalim ng iniisip ah" saad ni Neon at bahagyang tumawa

"Kalimutan mo na 'yon‚ ano ka ba! baka lagyan mo ng meaning ha, hindi kita gusto 'noh!" dagdag niya

Napatingin naman ako kila Bella at Arianna‚ nakangiti at tumikhim pa talaga.

Ang lala‚ lord! pero hindi ako naniniwala. Sa ganda ko ba namang ito, imposibleng hindi magkagusto sa akin ang isang Neon. At saka, namula pa siya kanina, Kataka-taka kaya!

"Ikaw Neon ha‚ sabihin mo lang kung may gusto ka kay Iris. Handa kaming maging third wheel, fourth wheel at fifth wheel dito oh!" giit naman ni Bella.

Walang emosyong bumaling ng tingin sa harapan si Neon, nahihiya pa 'ata siya. Hindi ka naman halata Neon, at kung wala ka nga talagang gusto sa akin, sana nga wala!

"Tignan mo, silent means yes!" sigaw naman ni Jake sa likod.

"Huwag kayong ganiyan, assuming pa naman si Iris, baka mamaya isipin niyang gusto ko siya, baka hindi ako makatulog niyan kapag lagi niya akong iniisip e hindi ko naman talaga siya gusto" tugon ni Neon ngunit hindi pa rin kami nito hinaharap.

"Talaga ba bestie ko? ang kapal mo ha! Hindi ako assuming ano, 'di ba guys?" giit ko sa kanila at tumingin sa kanila isa isa

Wala man lang ni isang sumagot at kumampi sa akin, hindi naman talaga ako assuming ah!

"Oo na edi ako na assuming" ani ko at umirap sa kanilang lahat.

Bahagya namang napatawa si manong Andrew.

"At saka, kung wala ka talagang gusto sa akin, bakit hindi mo kayang humarap sa akin at sabihin mo sa amin mismo na wala kang gusto sa akin ha? bestie?" pagmamayabang ko sa kaniya para hindi naman ako magmukhang talunan dito

"Ayan ang gusto ko sa 'yo Iris eh, hindi nagpapatalo, palaban! go go go Iris!" singit naman ni Arianna sa amin

"Iingay niyo, naririndi na si manong Andrew sa inyo" tugon ni Neon

Ano ha? Hindi ka pala makakapalag eh!

"Aminin mo na lang sir Neon na may gusto ka sa amo ko‚ hindi naman ako naririndi sa inyo eh" tugon ni manong Andrew sa sinabi ni Neon

Bahagya naman kaming natawa sa sinabi ni manong Andrew.

Si Neon naman ay hindi pa rin umimik, ano ka ngayon boi, wala kang kakampi!

Nagulat na lang kami nang lumingon ito sa amin kaya napatigil kami sa pagtawa.

Tinignan niya ako sa mata ngunit umiwas din ng tingin at bumaling kay Bella.

"Hindi ko gusto si Iris, mga ogàg!" sigaw niya

"Talaga ba bestie? bakit hindi mo ako matignan sa mata?" tanong ko sa kaniya at tumawa ulit kami

Bumalik naman muli ng tingin si Neon sa harapan.

"AAH! BASTA WALA AKONG GUSTO KAY IRIS! BAHALA KAYO RIYAN, KAPAG 'YAN UMASA TIGNAN NIYO, MASASAKTAN LANG IYAN!" huling tugon ni Neon na siyang ikinatawa na lang namin

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now