v

12 2 0
                                    

Pagkatapos kong diligan ang mga halaman ay bumalik na ako sa loob ng bahay.

Pagkarating ko sa sala ay nakita ko roon sila mommy.

“Nandiyan ka na pala‚ Iris. Masaya ba magdilig?” sabi ni mommy

Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa hagdanan

Pansin kong nakatingin din sa akin si kuya Jio‚ napansin niya siguro ang ginawa ko.

Hindi pa ba nakakaluto si yaya? Kanina pa iyon ah! Sa tagal tagal niyang magluto ay tila wala na ’yung gutom na naramdaman ko kanina

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na akong humiga.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag open ng messenger‚ inopen ko ang Group Chat namin at doon ay nag-ingay ako. As usual naman.

“You know what guys‚ nagdilig ako kanina.” panimula kong chat sa kanila

Mediyo nakakainis kasi wala man lang nag seen‚ hindi ko alam kung sadya ba nila 'to kasi delivered naman ang message ko, pft.

“Nalaman kasi ni mommy na uminom ako‚ well, as usual punishment na naman ang natanggap ko” sunod kong chat

Wala pa ring nag s-seen maski isa sa kanila, iniignore ba nila ako? Pft.

Naghintay ako ng ilang minuto upang tignan kung may mag s-seen sa kanila.  Ang kapal naman ng mga mukha nila. Wala man lang may pakealam sa chats ko!

Agad akong nag unsend ng messages ko, ayaw ko ng hindi ako na s-seen agad lalo na't delivered naman ang mga messages ko.

You know? 'yung feeling na para kang nangangailangan ng attention nila?

Pero baka busy lang sila.

Tsk, bahala sila riyan. Suyuin nila ako.

Pagkatapos kong na-unsent ang mga messages ko ay agad kong pinatay ang cellphone ko

Nilagay ko ito sa table ko at nag set ng alarm.

I grabbed my blanket and closed my eyes‚ maybe I just need some rest.

After an hour‚ nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ko.

Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pintuan‚ iniluwa nito si manang Cecil

“Bakit po iyon manang?” tanong ko sa kaniya

“Ma’am‚ anong oras na po‚ kumain na po kayo” ani niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya‚ maaga pa naman ah.

bumalik ako sa kama ko at tinignan ang oras‚ Shît‚ 9:30pm na pala” saad ko sa sarili

Lumingon ako sa pintuan at nandoon pa rin si manang Cecil, hinihintay ang susunod na kilos ko.

“Ah manang‚ pakihintay na lang po ako sa baba‚ mag-aayos lang ako ng buhok” saad ko sa kaniya na tanging tango lang naman ang sagot niya

Pagka-alis ni manang ay agad na akong pumunta sa table ko kung saan ay nandoon ang mga accessories ko

Nag-alarm naman ako kanina, siguro ay pagod talaga ako kaya hindi ko namalayan.

Kinuha ko ang isang ponytail at agad na itinali sa buhok ko

Naglalakad na ako pababa at wala ng ingay ang maririnig, si manang na lang yata ang gising

“Iris‚ ito na ang pagkain mo” napalingon ako kay manang at ngumiti sa kaniya

Ini-abot niya ang pagkain ko at saka siya umupo sa tabi ko

Tahimik lang kami, wala rin naman akong sasabihin kaya ito, tanging lamon lang ang ginagawa ko

Ilang minuto pa ay nagsalita si manang

“Pasensiya ka na nak‚ late na kitang ginising‚ sabi kasi ni ma’am Candice at sir Rodell huwag na raw kitang gisingin at tirahan ng pagkain. Kaya nagtira ako ng para sa iyo” sunod sunod na sabi ni manang

And yes‚ si manang Cecil ay tinatrato niya akong bilang tunay na anak niya‚ wala siyang anak kaya't ganiyan na lamang siya

Siguro nga ay siya pa ang mas magulang ko kaysa kila mommy‚ si manang, naiintindihan niya ako, samantalang sila mommy hindi.

Greatful naman ako na mayroon si manang na nakakaintindi sa akin.

Nakauwi na rin pala si daddy, mabuti na lang at hindi ako late na umuwi ngayon, kung hindi ay masasakit na salita na naman ang inabot ko sa kaniya.

Ibinaba ko ang kutsara ko at hinaplos ang balikat ni manang

“Manang Cecil‚ maraming salamat po ah”

Ngumiti si manang at saka niyakap ako. “Oh siya sige‚ kumain ka na riyan alam kong gutom ka” banggit niya

“Si manang‚ alam na alam talaga kung paano ako kunin” ani ko sabay tawa, gayon din si manang

Out of nowhere, napatanong ako kay manang Cecil.

“Ma, may tanong ako” giit ko sa kaniya

Agad naman itong tumingin sa akin. “Ano iyon anak?”

“Ma, masama ba akong anak?” tanong ko sa kaniya at bumalik muli sa pagkain.

Naramdaman ko ang paghinga ni manang.

“Hindi, ano ba ’yang sinasabi mo! Hindi ka masamang anak, Iris. Napaka-bait mo ngang bata.”

“Pero bakit ako na lang palagi ang pinag-iinitan nila ng ulo? Kung hindi si daddy, si mommy naman. Tapos si kuya, parang wala rin po siyang pakealam sa akin.”

Hinawakan ni manang ang mga kamay ko.

“Siguro ay iyan ang pag trato nila sa ’yo para disiplinahin ka, anak. Huwag mong mamasamahin ang mga magulang mo, gayon na rin ang kuya mo. At the end of the day, pamilya mo pa rin sila anak, Iris, ha?” salaysay ni manang.

“Oo nga po, pero ma, palagi ko na lang bang i-invalidate ang feelings ko para sa nararamdaman nila? Minsan ma napapa-isip na lang ako eh. Kung iniisip din ba nila ako, o kahit huwag na ako ang isipin nila, kahit ’yung nararamdaman ko na lang.”

“Hindi ko rin po alam kung mahal po ba talaga nila ako” mahabang giit ko kay manang

Hindi naman kaagad siya nakasagot sa sinabi ko, siguro ay nagulat siya o hindi kaya ay nabigla sa mga sinabi ko.

Pero nagsabi lang naman ako ng nararamdaman ko, wala naman akong ginagawang masama ah.

“Iris, mahal ka ng mga magulang mo. Ginagawa lang nila iyan para protektahan ka. Alam ko masiyado silang istrikto sa iyo, pero maniwala ka, gusto lang nila na protektahan ka. Mahal ka nila, sigurado ako.” tugon ni manang

“Sige na manang, matulog ka na po, kainin ko lang ito at babalik na rin ako sa taas.” ani ko sa kaniya at tumango si manang

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now