viii

8 2 0
                                    

Nang makarating kami sa mall ay agad na nag-parking si manong Andrew

Nagpaalam kami sa kaniya at saka dali daling pumasok sa loob ng mall

Huminga ako ng malalim‚ hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko kung paano ako tratuhin ng mga magulang ko.

Bakit sila gano'n? Alam ko namang ang intensiyon lang nila is to protect me.

Pero bakit...

Bakit kailangan nilang bugbugin ang anak nila?

"Aray!" ani ko nang nabangga ako sa pader

"Okay ka lang sis?" tanong naman ni Bella sa akin

Hindi ko rin alam kung okay nga lang ba ako o hindi.

Iniisip ko rin kung tatakas ako sa bahay, pero hindi ko magawa at baka mas higit pa sa bugbog ang matanggap ko kila daddy

Tumingin ako kay Bella at umakbay sa kaniya. "Ano ka ba‚ okay lang ako ano! Inaantok lang kasi ako" pagsisinungaling ko sa kaniya

"Tara‚ arcade!" singit ni Jake

Agad naman kaming nag-agree sa kaniya, sumasaya na naman ang inner child nila samantalang ako, ewan ko ba. Simula no'ng bata pa ako, ayaw ko na sa mga laro, tulad ng arcade na 'yan, hindi ako masaya kapag pumupunta ako riyan. Pero kung iyan ang ikasasaya nila, sasamahan ko na lang sila, hindi ako maglalaro.

"Dahan dahan lang naman mga tropa‚ hindi na kayo bata!" sambit ko sa kanila

Ang bilis kasi nila maglakad, para namang mga bata na sabik nang maglaro!

Tumingin naman sa akin ng masama si Jake, ikalma mo accla!

"Maglaro na kayo, hintayin ko na lang kayo rito sa labas" malumanay na saad ko sa kanila

Tumingin naman silang lahat sa akin, may halong pagtataka. Ngayon lang kasi kami pumunta sa arcade na kasama ako, kaya hindi nila alam na ayaw ko sa mga laro.

"Hindi ka ba sasama?" tanong ni Jake na sumimangot pa

Umiling lang naman ako rito bilang tugon at saka yumuko

Lumapit sa akin si Arianna at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at itinaas ang isang kilay ko.

"Sumama ka na Iris‚ sige na!!!" sigaw niya sa akin

Inikot ko lang naman ang mga mata ko sa kaniya, ayaw ko ngang sumama, may magagawa ba siya.

"Ayaw ko talaga, Arianna." malamig na tugon ko at pumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko

Dahan dahang lumapit sa amin si Neon na siya namang ikinatingin namin ni Arianna

Hinawakan niya ang balikat ni Arianna. "Huwag mong pilitin kung ayaw" ani niya saka tumingin sa gawi ko

Alam na alam mo talaga ako, Neon.

"Pumunta na kayo roon‚ hintayin na lang namin kayo rito‚ sasamahan ko si Iris." dagdag ni Neon

Tumingin siya sa akin at nginitian ko lang ito.

Pumunta na sila Bella sa arcade, habang kami naman ni Neon ay naglalakad patungo sa waiting area.

Umupo ako at tumingin sa kaniya. Hindi ko naman in-expect na nakatingin pala siya sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya

Tumango ako sa kaniya. "Diyan ka lang ha‚ may bibilhin lang ako saglit." dagdag niya

"Mabilis lang 'to, huwag kang aalis diyan" saad niya with matching kindat pa bago umalis.

Inikot ko ang paningin ko, hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang batang babae na naglalaro kasama ang mga magulang niya

Huminga ako ng malalim, hindi ko namamalayan na unti unti na pa lang tumutulo ang mga luha ko

I wiped my tears and sighed. "woah!" ani ko saka nag inhale-exhale para gumaan ang pakiramdam ko

"Umalis lang ako saglit, naluluha ka na riyan" boses na pumukaw sa pandinig ko

Lumingon ako sa side ko at nakita roon si Neon na may hawak hawak na Ice cream

Umupo siya sa tabi ko. "Ito Ice cream, pang pa-kalma"

Iniabot niya sa akin ang isang Ice cream, hindi ko mapigilang maiyak.

"Salamat Neon ah, n-naiintindihan mo ako" banggit ko sa kaniya

Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang likod ko.

"Shh‚ tahan na. Papangit ka niyan!" aniya at saka tumawa pa

While waiting them, we ate the Ice cream happily, we shared some stories of our lives, and also the funniest moments in our childhood.

Even though ganoon sila daddy, meron pa rin akong magagandang alaala sa childhood ko ano! Katulad na lamang nung hinabol ako ni manang Cecil dahil naligo ako sa ulan, Pft.

Nakita naming papalapit na sila Bella sa amin kaya agad na kaming tumayo, mga punyetà ang bagal nila.

"Whoops! Parang may something ah" saad ni Jake at bahagyang nag taas ng dalawang kilay, mala boomerang ba

Nag apir pa sila Arianna at Bella. "Something smells fishy!"

"Anong something‚ pag uumpugin ko kaya kayo!" sagot ko sa kanila at isa isa silang binatukan

"Aray! parang baliw naman 'to" ani ni Jake

"Sige nga Neon, ngayon mo sabihing wala kang gusto sa Disney Princess natin" giit ni Arianna at nag smirk pa ito.

Walang hiya! Pinipilit pa 'yung tao e sinabi na ngang wala siyang gusto! Sila pa yata ang mas assuming kaysa sa akin

Tinaasan ko siya ng kilay, "Pasimuno, bading bading" pagloloko ko kay Jake

"Kumain na nga lang tayo, mas maganda naman ako sa bruhang 'yan" paglalaban ni Jake

Aba?? The audacity ha.

"Atleast ako may matres!!" sagot ko pabalik sa kaniya at tinarayan siya!

Ano akala mo sa akin? magpapatalo ako sa 'yo? no!

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko, totoo naman ah? Bading lang siya babae ako, nabubuntis ako, siya hindi!

Diyan pa lang sa part na 'yan, talong talo na siya eh!

Hindi na nakapagsalita si Jake at sumimangot na lang sa gilid.

"Hala ka Iris‚ bakit mo ba naman kasi ni real talk si accla!" giit ni Bella at mariing tumawa

Nilapitan ko naman si Jake na nakaupo kung saan kami umupo ni Neon kanina

"Beb" pagtatawag ko sa kaniya

Tumingin naman siya sa akin na malungkot pa rin ang pagmumukha niya.

"Pangit, bruhang impaktà!" tugon niya sa akin

"Biro lang naman ah! Sorry na beb" giit kong muli sa kaniya.

"Malandi!"
"Maarte na nga, pangit na, nakuha pang magsuot ng revealing clothes!"
"Bruha!"
"Hindi mahal ng magulang!"

Tuloy tuloy na banggit ni Jake sa akin. Napatigil ako sa huling salita na kaniyang binanggit.

Ang kaninang nakangiti kong mukha ay tila hindi maipinta ngayon. Alam ko ring nakahalata si Jake roon.

Huminga ako ng malalim. "Kain na tayo" banggit ko saka tinalikuran si Jake at nagtungo kay Neon

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now