xviii

4 2 0
                                    

“Oh, anak. Nandiyan ka na pala, goodmorning!” bati ni daddy sa akin.

Nakita ko siyang nakaupo sa couch, nanonood ng TV

“Hi dy”

Ngumiti ito sa akin.

“Sabay sabay na tayo kumain” giit niyang muli at saka tumayo

Nauna na siyang pumuntang sa dining room.

Sumunod lang ako kay daddy

“Marta, tawagin mo na sila ma’am mo”

“Upo ka ’nak” aniya at saka itinuro ang bakanteng upuan na nasa tabi niya

Naglakad ako papunta rito at saka umupo.

Lumabas naman na sila mommy kaya agad akong napatingin sa kanila.

“Uhm, dy. Sabay na po tayo kumain nila manang?” I asked him

Tumango naman ito at saka ko pinaupo sila manang

Nagsimula na silang kumuha ng makakain, pinauna ko na sila dahil mabait naman ako.

“Oh teka, bakit wala si Zoren?” tanong ni daddy

Agad naman akong tumayo na siyang ikinatingin nila sa akin.

“Kumain na po kayo riyan, ako na ang tatawag sa kaniya” giit ko at agad silang tinalikuran

Pumunta ako sa labas upang tignan siya pero wala siya roon. Chineck ko na rin sa garden at sa pool pero wala rin si Zoren doon.

Hindi pa ba siya gising?

Kaagad akong pumasok sa bahay at saka nag tungo sa kwarto ni Zoren.

Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Napagtanto kong nakabukas ang pintuan niya at hindi ito naka lock.

Pinihit ko ang door knob at pumasok sa loob.

Nakita ko si Zoren na mahimbing na natutulog.

Mula sa kalayuan ay kitang kita mo na kaagad ang napakaamo nitong mukha. Maging sinumang babae ay tiyak na magugustuhan siya.

Ang guwapo niya, walang halong kasinungalingan.

Nang malapit na ako sa kaniya ay tumayo ako sa gilid niya

Tinitigan ko siya saglit at saka umupo sa tabi niya.

Tinatapik tapik ko siya ngunit hindi pa rin umuubra sa kaniya.

Pagod ba siya?

“Zoren! Kakain na” giit ko sa kaniya baka sakaling marinig niya

Hindi pa rin ito nagigising kaya naisipan kong lumabas na muna, ang sarap ng tulog niya, baka ma istorbo ko pa siya.

Tatayo na sana ako nang hilain nito ang kamay ko.

“Dito ka lang” aniya kaya naman tinignan ko siya

Nakapikit pa rin siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Napaupo muli ako sa tabi niya, I stared at his handsome face.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang ulo ko at saka inilapit ito sa mukha niya.

Walang pag-aalinlangan niya akong hinalikan. I was shocked by his move.

Hindi ako nakapalag sa kaniya. Pilit namang pinapasok ni Zoren ang dila niya sa bunganga ko.

Madali lang niya itong naipasok dahil wala ako sa sarili ko, hindi ako makagalaw.

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now