xxiii

5 2 0
                                    

Zoren Laxus Lorenzo POV :

Gagala na naman yata ang babaeng ito, hinihintay ko siyang lumabas dahil ang sabi niya ay may pupuntahan daw siya.

Ngunit ayaw niyang sabihin kung saan.

Ilang saglit pa ay nakita ko na siyang papalabas at papunta sa gawi ko.

Binuksan ko ang kotse at saka naman siya sumakay, hindi na siya umimik pa.

“I deretso mo lang diyan, tapos liko ka sa pangalawang kanto. I park mo na lang diyan ang sasakyan kasi hindi kasiya roon.” saad ni Iris.

Tumango na lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon.

“Saan ba kasi tayo pupunta, Iris?” tanong ko sa kaniya

“Basta, wala ka na roon!”

“At saka, isa pa. Pwede ba, tawagin mo naman ako sa proper way na itawag sa akin, nagmumukha kang walang galang eh” tugon naman niya.

Right, I should call her in a proper way dahil driver lang ako rito at siya ang amo.

Inihinto ko ang sasakyan at saka tumingin sa kaniya

“Okay na, hanggang dito na lang ’yung sasakyan.” giit ko

Wala naman akong narinig na boses mula sa kaniya, bagkus ay agad siyang bumaba at sinimulan na ang maglakad papalayo sa akin.

What's wrong with her? Hindi ba niya ako isasama?

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at dali dali ko siyang chinat

“Hindi mo ba ako isasama?” I chatted

Napahinto naman siya sa paglalakad at kinuha ang cellphone niya, hindi siya lumingon sa akin, halatang may galit.

“Nope, stay ka lang diyan” reply niya

Wala na akong nagawa, bilang driver niya ay susundin ko na lang ang sinabi niya. Baka sumosobra na ako sa panghihimasok.

Nag-ikot ikot muna ako sa lugar kung nasaan kami.

Lahat ng mga babaeng nakakasalubong ko ay napapalingon sa akin, yeah, definitely. Sa guwapo ko ba namang ito, sino ang hindi lilingon pabalik

Pero si Iris, ang hirap niyang kunin.

Gusto ko talaga si Iris, kaya ko nagawa ang mga bagay na iyon baka sakaling maalala niya ang nakaraan niya.

Hanggang sa nakakita ako ng tindahan, agad akong pumunta dito at saka bumili ng root beer.

Wala pa mang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko.

Nang tignan ko ito ay voice message galing kay Iris.

Kaagad ko naman itong na play dahil sa pagkasabik ko sa kaniya, dala na rin ng pagtataka kung ano iyon dahil ang haba nito.

Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng matinding kaba.

“Uhm, Neon, you know Zoren naman ’di ba?” unang narinig ko sa voice message, and it was Iris.

Pinag-uusapan nila ako? Weird.

Hindi man lang niya sinabi na kila Neon siya pupunta. Kaya ba ayaw niya akong pasamahin?

“M-May nangyari sa amin” giit muli ni Iris.

Is it wrong na ginawa ko iyon sa kaniya? I thought maaalala niya kasi kapag ginawa ko iyon sa kaniya, hindi pala.

Parang mas nasira ko pa ang tiwala niya sa akin.

“Ano? Tanginà Iris, kilabutan ka nga!” Neon shouted at her

OPERATION: EXPEL THE DRIVER (ON-GOING)Where stories live. Discover now