CHAPTER 8

7K 73 1
                                    

Chapter 8: Under arrest

NAKATATAWANG pangyayari sa buhay ko ang magkaroon ng customer na nagbayad pa ng isang milyon para lang sa akin. Parang lang sayawan ko siya at tanging kami lang daw ang nasa VIP room.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang sumayaw lang kaya noong malapit nang matapos ang oras namin ay nagtanong ulit siya.

“How old are you again?” Nasa tono ng kanyang boses ang interes na malaman ang aking edad.

“21,” tipid na sagot ko na ikinabigla pa niya. Wala pa nga ang birthday ko, baka kasi mas nabigla siya.

“Seven years, not bad.” I didn’t understand his word.

When I stood from my seat ay tumayo rin siya at dinukot ang wallet niya. Napatingin ako sa perang nakalahad sa malaki niyang palad.

“Para saan naman ’yan?” nagtatakang tanong ko.

“My tips.” Five thousand. Ngumiwi ako. “Kulang? Ten thousand? 20?” Nagusot lalo ang mukha ko.

“I don’t need that,” sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“Yeebi.” Sa tatlong buwan kong pagtatrabaho rito sa bar ay nasanay na ako sa pangalan na iyan. Kung dati ay hindi ako lumilingon sa mga taong tumatawag sa akin at paunti-unti ay nakasanayan ko na rin. Pangalan ko rin naman iyon. Ngunit iba ang dating sa akin kapag siya ang tumatawag no’n.

“What?” bored kong tanong ng hindi ko siya nilingon.

“See you tomorrow night,” he said.

“Whatever.” He chuckled again.

Hindi na rin masama dahil maaga akong makakauwi at hindi na ako masyadong mapapagod pa sa pagsayaw. Magandang idea pala ’to. Hindi bastos ang VIP namin.

TULOG lang ako apartment ko nang may kumakatok sa pintuan. Kung walang taong nanggugulo ngayon sa akin ay baka mahaba pa sana ang aking tulog. Baka nga sa gabi lang ako matutulog.

Tinatamad na bumangon ako at inayos ko ang strap ng damit ko. Hinagod lang ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Bago ako lumapit sa pintuan ay kinuha ko ang hoodie ko. Isinuot ko iyon pati na ang sumbrero nito.

Mga magpamilya, live-in partners at iba ay mga single parents ang nakatira sa apartment na ito. Minsan nga ay may kumakatok para lang bigyan ako ng mga ulam. Mga lalaki pa at kapag tatanggapin ko ay consider na raw iyon na tinatanggap ko na ang panliligaw nila. Tsk.

Kilala kasi nila akong bago lang dito. Eh, ang ilan sa kanila ay almost 20 years nang naninirahan sa apartment. Ito naman kasi ang napili ko kasi mura lang ang renta niya at libre na ang tubig. Kuryente lang ang minsan ang binabayaran namin.

Bumungad sa akin si Adesys. Nakangiti pa siya habang kumakaway. “Good morning, Ate Froyee!” bati niya sa akin. “May dala akong breakfast!” dugtong niya at ipinakita ang dala.

“Pasok ka.” Nilakihan ko ang pintuan at napatingin pa ako sa labas nang makita ko ang mga kapitbahay ko na nakatingin sa amin. Sinamaan ko pa sila nang tingin kaya mabilis silang umiwas. Parang mga tanga lang.

Naging malapit ang loob namin ni Froyee. Pakiramdam ko nga ay nagkaroon ako ng nakababatang kapatid ng dahil sa kanya. Mabait na bata kasi siya. Mabuti na lamang ay hindi siya masyadong nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari sa kanya three months ago.

Hindi lang siya mabait at maalaga. Agaw pansin din ang mukha niya. Maganda rin kasi siya at napakainosente.

“Dumaan po ako kanina sa Starbucks para bumili ng coffee and pancakes, Ate. Naalala kasi kita bigla kaya dumalaw ako sa iyo ngayon,” ’kuwento niya.

“Paano mo nalaman ang address ko?” tanong ko na may pagtataka.

“Tiningnan ko lang po roon kay Kuya Asiz. May mga personal background ka. Hindi ko sinabi sa kanya na pupuntahan kita. Nanghingi lang ako ng perang pambili nito,” nakangiting sabi niya.

“Alam mong mahal ang kapeng iyan,” halukipkip na saad ko.

“Paborito mo kaya ito, Ate. Saka ayos lang naman, ikaw nga ay nanlilibre rin sa akin. Na isa pa pera naman ito ni Kuya.” Tinanguan ko siya saka ako lumapit sa kanya.

Maliit lang ang apartment ko. Wala masyadong mga gamit. Ang binili ko lang ay mga gamit sa kusina, kahit ang pinggan ko ay tig-isa lang. Ako lang naman kasi ang gumagamit ng mga ito kaya bakit marami pa ang bibilhin ko? Malinis naman kahit mukhang boring tingnan ng iba. Kahit maliit lang ay may sarili naman itong banyo. Puting kurtina sa nakaraang bintana, never kong binuksan iyan.

May maliit akong mesa at dalawang upuan. Inilabas isa-isa ni Adesys ang mga binili niya sa Starbucks. Nagulat nga ako nang minsan na umabot ng isang libo ang kape nila roon. Ganoon daw talaga. Worth it naman daw bilhin kasi masarap.

Nagsimula na kaming kumain nang may sunod-sunod na namang kumatok. Kunot-noong napatingin ako sa aking pintuan. Agad akong tumayo at nagtungo roon. Nabigla ako nang pagbuksan ko ang dalawang pulis.

Mas ikinagulat ko pa nang lagyan nila ako ng posas, hindi na ako nakapalag pa lalo na nang sabihin nila na may nagdemanda sa akin dahil sa physical injury. Hindi pa nag-sink in sa utak ko ang pangyayari at parang nawala ako sa katinuan.

“Ate Froyee!” Nilingon ko si Adesys na umiiyak na ngayon. Tipid ko siyang nginitian. “Sir! Ano po ba ang kasalan niya at bakit niyo siya hinuhuli?” umiiyak na tanong niya. Si Ady ay likas na iyakin at madali siyang matakot.

Ewan ko kung bakit parang wala na rin sa akin sa tuwing nasasangkot ako sa gulo. Mas inalala ko pa rin si Adesys na maiiwan dito sa apartment ko. Baka may mga lalaki na naman ang haharang sa kanya sa daan. Hindi ko siya magagawang ipagtanggol kapag nagkataon iyon.

“Sandali lang. Sasama ako ng matiwasay at hindi ako tatakas. Hubarin niyo ang posas ko.” Walang nakinig sa sinabi ko kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Nilingon ko ulit si Ady. Hindi siya puwedeng umalis ng mag-isa rito. Kapag nalaman din ito ng kuya niya ay tiyak na pagagalitan na naman siya. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng hoodie ko at nakuha ko naman ang hinahanap ko. Mabuti na lamang ay hindi ko hinubad ang jacket ko.

Milkaine Irico M. Rousville, hotelier. Iyan ang mababasa sa pangalan niya at may numero pa siya.

“A-Ate Froyee...” umiiyak na sambit ni Ady sa pangalan ko. Nanginginig na siya sa takot.

“Tahan na, Adesys. Sundin mo lang ang inuutos ko. Hindi ka puwedeng umalis dito ng ikaw lang. Heto, tawagan mo ang may-ari nito. Sabihin mo ang pangalan kong Froyee Takazi,” sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang business card. May smart phone naman siya at matatawagan niya ito.“Ady, hintayin mo siyang makarating bago ka umalis dito. I-double lock mo ang pintuan at huwag kang magpapasok ng kung sino-sinong tao. Hintayin mo ang lalaking nasa business card. Naiintindihan mo?” Tumango siya bilang tugon.

“P-Paano ka naman, Ate?”

“Okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Ang lalaking ito... Mabuting tao siya,” sambit ko bago ako hinatak ng mga pulis.

Sa nakikita ko na panlabas na anyo ng binatang iyon ay mukhang mabait naman siya. Alam ko ang kasabihan na huwag magpabiktima sa maganda at guwapong mukha. Minsan daw kasi ay hindi busilak ang puso at ito pa mismo ang mas masama.

Subalit nakasama ko na ng isang gabi lang ang lalaking iyon at masasabi kong hindi naman siya masamang tao.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon