Special chapter 1: A blessings
I ENTERED our house without making any noise because I saw that the light was off when I was outside. Pagkababa ko pa nga lang mula sa sasakyan.
“Dada?” I put my finger to my lips dahil lang sa pagtawag sa akin ng anak kong babae na si Charlotte. “Dada. . . Dada . .” She made noise again. She’s only ten months old and she’s really babbling like this even though only words come out of her mouth is dada. “Ah, dada!” I closed my eyes when her plump palm hit my eyes.
“Yeah, yeah. I heard you, baby,” malambing na sabi ko at hinalikan ko ang pisngi niya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan din ang pisngi ko. “I love you,” I told her and she giggled. Na parang naiintindihan niya ang sinabi ko sa kaniya.
Karga-karga ko na siya at kagagaling lang namin sa hotel. Kasama ko talaga siya dahil ayaw naman niyang maiwan sa bahay kahit doon pa sa parents ko. Daddy’s girl nga siya.
“Dada. . .” pabulong na tawag niya sa akin at inilapit pa niya ang bibig niya sa tainga ko.
“Shh. . . Hahanapin natin si Kuya Alfie,” sabi ko at tinitigan lang ako ng inosenteng mga mata niya.
Binuksan ko na ang ilaw sa baba at walang ingay pa rin akong naglakad sa hagdanan. Nakauwi na kaya si Froyee?
Nakapag-aral na rin sa college ang asawa ko at tinuloy niya nga ang kursong criminology dahil binalak din ng daddy niya na mapabilang siya sa NBI. Kung nasa operasyon nga sila ay hindi ako masyadong nag-aalala sa kaniya dahil alam kong kayang-kaya naman niya iyon. Pero huwag na huwag lang siyang uuwi sa akin na sugatan.
Nakasarado ang kuwarto namin at hindi ko mabubuksan iyon kaya nagtungo na lamang ako sa kuwarto ng panganay ko. Hindi na ako kumatok pa at basta ko na lamang binuksan iyon.
Kapag wala kami rito ng mommy niya ay nasa bahay siya ng grandparents niya at minsan naman ay sumasama siya sa akin. Naglalaro siya roon sa penthouse kasama si Charlotte.
“Checkmate,” narinig kong sambit ni Alfie.
Binuksan ko ang ilaw sa room niya at
napayuko ako para tingnan siya. I sighed.Hawak niya ang laruan niyang baril-barilan at mahaba talaga iyon. Nakatutok sa binti ko ang nguso nito. Napailing na lamang ako. Hindi na ako magtataka pa kung kanino nagmana ang isang ito. White shirt ang suot niya at nakaitim na vest pa siya.
“Ano na naman ba ’yan, son?” tanong ko sa kaniya. For God’s sake. Four years old pa lamang siya at naglalaro na talaga siya nang ganyan.
“You weren’t even alert, Dada. Nakapatay na nga ang light natin sa house. You still calm,” sabi niya.
“Alfie, why would I be alert? This is our house. No one comes in here. Our villa is secured and we have many guards outside,” paliwanag ko sa kaniya. In case na nakalimutan niya. Nawiwili na siya sa mga pinapanood niyang action movie at sa panonood sa kaniyang ina kapag nag-t-training ito sa headquarters.
“Just what if a bad guy enters our house, dada?” he asked.
“Then call your mom, son,” sagot ko na parang sinasabi ko na rin na “basic.” Kapag nagtangkang pumasok ang bad guy na sinasabi niya ay ang mommy na niya ang bahala.
“You’re going to let her fight alone, Dada?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“What can a civilian like me do, son? I’m just a hotelier and that’s your mommy’s job,” I told him at napaisip naman siya.
“I will help my mom, dada!” sigaw niya. Yumuko na lang ako para buhatin siya.
“Okay. Have you eaten your dinner, my son?” I asked him at lumabas na kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...