CHAPTER 15

6.9K 70 0
                                    

Chapter 15: Dinner with him

HINDI ko mapangalanan ang mga pagkain na pinahanda niya pero sa amoy pa lang ay mukhang masarap na. Limang putahe ang mga iyon. Naglagay siya ng isang pinggan sa tapat ko at nagsalin ng alak sa wine glass.

Napatikhim ako nang nagsimula niya akong lagyan ng kanin at ulam sa plate ko. Kailangan talagang asikasuhin pa ako? Samantala, kaya ko naman ang sarili ko?

“What is it, Yeebi?” he asked nang mapansin niya ang pagtikhim ko. Naninibago rin kasi ako. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang ganitong treatment at sa lalaking ito pa ang gagawa nito na hindi naman ako kilala.

Ewan ko ba kung ano ang mayroon sa kanya at palagay rin ang loob ko. Isama mo pa ang walang humpay na pagbilis nang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Basta ang alam ko rin ay siya ang may gawa nito.

“I can handle myself, Mr. Rousville. Hindi mo na ako kailangan pang asikasuhin nang ganito. I’m not used to it, you know,” sambit ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Humilig siya sa akin at hinawakan niya ang chin ko saka niya iyon iniangat.

Namanhid ang magkabilang pisngi ko dahil sa paghalik niya sa labi ko. Napahawak ako sa dress ko nang mahigpit at hindi ako kumilos nang dilaan niya ang gilid ng mga labi ko. God... What’s with his kiss at nagagawa niyang pasunurin ako sa gusto niyang mangyari, ha?

“You are too formal, baby. Just call me Milkaine or baby?” Napataas ang kilay ko sa kanya kahit hindi niya ito nakikita. Nag-suggest pa talaga siya.

“Why would I call you baby, Mr. Rousville? Hindi ka naman sanggol,” naiiling na sabi ko at kinuha ko ang wine ko saka ako sumimsim na hindi ko pinuputol ang pakikipagtitigan sa VIP guest namin.

Nagulat pa ako nang agawin niya ito mula sa kamay ko at kinabig ang batok ko para halikan ako nang mas mariin.

Nang sandaling pumikit ako at tumugon sa mga halik niya ay umangat pataas ang aking katawan.

Nakakandong na ako ngayon sa kanya at kusang pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Hindi naging sagabal ang suot kong maskara at nagawa naming mas lumalim ang aming halikan.

Nagtaas baba na ang dibdib ko dahil nagsisimula na rin akong takasan ng hangin sa aking bibig. Nang gumalaw ako sa kandungan niya ay higit kong naramdaman ang de-bakal niyang hinaharap. Ipinirmi niya ang baywang ko at mas idiniin niya ako roon.

I tilted my head para bigyan siya nang laya na hagkan ang leeg ko at napapapikit na lamang ako dahil sa nararamdaman kong kakaibang sensasyon dahilan na nakikiliti ang pagkababae ko at tumataas ang balahibo ko sa katawan.

Dahan-dahan niyang pinagapang ang isang palad niya pababa sa baywang ko at mariin na pinisil ang pang-upo ko.

“We need to stop, Mr. Rousville. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain,” sambit ko at narinig ko ang sunod-sunod niyang paghinga.

“Right,” saad niya at pinakawalan na niya ako kaya bumalik ako sa upuan ko.

Nagsimula na kaming kumain pero nagtatago ang mga labi namin sa tuwing nagsasalubong ang aming mga mata. Kaya naubos ang oras namin sa hapag-kainan. Gayon pa man ay naging sulit iyon for him, kasi nagawa niya akong halikan nang paulit-ulit na halos hindi ko na mabilang pa. Basta ang alam ko ay namanhid ang labi ko and feeling ko ay namamaga na ito.

“Your time is done,” kaswal na saad ko at marahan kong itinulak ang dibdib niya. Until now he is kissing me.

“See you tomorrow night, then?” I nodded at mabilis pa niya akong hinalikan sa labi ko.

“But you are now allowed to kiss me again,” sabi ko at matiim ko siyang tinitigan.

“Why is that?” kunot-noong tanong niya.

“Unless I am late. That’s my only punishment.”

“Then if I am... Ano naman ang parusa na ibibigay mo sa akin?”

“Wala. Pero maiksi na lamang ang oras mo,” sabi ko at tumango siya.

“I’m always early,” he uttered and caressed my cheek. “Good night, Yeebi.”

“Good night, Mr. Rousville.” Isang nakapupugtong hininga na halik ang ibinigay niya bago niya ako tuluyang pinalabas mula sa VIP room.

***

SUMAKAY ako ng taxi patungo sa subdivision ng Rousville family at nagulat pa ang driver kasi hindi raw ito literal na subdivision lamang. Dahil isa itong villa at tanging ang mga pamilya lamang iyon ang nakatira rito. Nakamamangha dahil halatang mayaman nga sila ngunit mabait at may busilak silang puso.

Alam kong hindi maaaring pumasok ang outsider kaya hanggang sa guard house lang ako bumaba. Balak ko na sanang maglakad nang makita ko ang kotse ni Madam Blaise at bumukas agad ang pintuan sa passenger’s seat. Agad na akong sumakay.

MAAGA pa rin akong nagising in the next day at tumanggi ako na makasama silang kumain sa breakfast pero pinasundo pa nila ako sa batang babae na nakuha ko agad ang loob nito.

No choice na lamang ako at sumunod. Hindi nga kasi ako nakatanggi sa pakiusap nito. Akala ko at first ay maiilang ako sa atmosphere sa paligid, lalo na kung kasama na ang padre de pamilya nila pero ano ang mas nakatutuwa?

Magkatabing nakaupo ang mag-asawa at parang teenager pa rin sila na inaasikaso ang isa’t isa. Dali-daling sumampa sa kandungan ni Sir Jaive ang apo nila at habang ako naman ay inakay ni Ma’am Rish. Ang panganay na anak niya lamang ang nandito.

“Have a seat,” magiliw na pag-aaya nito sa akin. Tumango ako at umupo sa tabi niya. Nasa tabi niya rin ang bunso niyang kapatid na nahuli kong nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya na ginantihan niya rin.

“Is that true that you are my Kuya’s girlfriend?” agaran na tanong nito na ikinabilis nang tibok ng puso ko.

“Son. Come on, we’re having our breakfast,” marahan na suway ng daddy niya. Nagkibit-balikat lamang siya at tumingin naman sa direction ko si Sir Jaive.

“Don’t mind him, hija.”

“Eat ka na lang, Froyee.” I nodded at her. Ang dalawang binata lang nila ang wala sa table at ipinagpasalamat ko iyon ng malaki. Baka roon na ako maiilang kapag kasama ko sila, especially him. “By the way, hija. What happened to your lips? It looks like namamaga?” Nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Madam Blaise.

Paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan? Na ang anak niya mismo ang may pakana nito kaya namamaga ang lips ko.

“Baby, ikaw rin. Let just eat. Masarap ang luto ng panganay natin,” sabat naman ni Sir Jaive at doon na ako tinantanan ng wife niya.

Iyon ang simula na makasalo akong kumain ng agahan ang pamilya nila at umabot pa ng one week ang pagtatrabaho ko sa kanila. Parang hindi nga ako babysitter ng kanilang apo dahil sa kung saan-saan ako dinadala ni Madam Blaise na pinili kong Ma’am na lang ang tawag ko.

She even giggled dahil tunog daw iyon ng ‘Mom’ kaya ayos na raw iyon. Napasapo ako sa noo ko nang wala sa oras at that time.

Bihira nga umuuwi ang dalawa at naririnig kong mabilis lang ito sa mansion nila. Kaya hindi rin kami nagkatagpo.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon