Chapter 10: Evicted
“HE is my little brother, Blaixe Ace M. Rousville, mas matanda ako ng dalawang taon kaysa sa kanya. Most people said na kambal kami, dahil kung titingnan ay halos magka-edad lang kami at malaki ang similarity namin sa isa’t isa, and he was telling the truth. Kadarating niya lamang at nang tumawag sa akin ang batang iyon na kailangan mo raw ng tulong ay siya agad ang pinuntahan ko. Wala ka bang cellphone?” Umiling ako.
“Aanihin ko iyon?” balewalang tanong ko at kumain ako ng pancake.
“Ms. Takazi, gusto mo bang gantihan ang manager na iyon?” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng nakababatang kapatid niya.
“Gantihan? Sapat na sa akin ang mga natamo niyang pasa sa mukha niya,” kaswal na sambit ko at sumimsim ako ng kape.
“Kuya said, you know how to fight. You almost broke his bone and you’re strong. Nag-aral ka ba ng Taekwondo?”
“Taekwondo?” gulat na sambit ko naman.
“Iyong marunong lumaban, sipa, tadyak, suntok at iba pa,” paliwanag niya.
Naiintindihan ko na. Bakit nga ba ako marunong lumaban? Pero mga paa ko lang naman ang ginagamit ko. Mas mahusay ako sa pagsipa.
“Self-defense,” sambit ko lang.
Isa akong mananayaw at madali lang para sa akin na mag-aral ng self-defense. Magaan sa katawan. Sinasanay ko nga ang sarili ko para alam ko kung paano protektahan ang sarili ko. Kahit ang tingin sa akin ng mga tao ay isang maruming babae.
Kaya kung may mga lalaking magtangkang pagsamantalahan ako ay kalmado lang ako kasi alam ko kung paano ko sila mapapabagsak ng hindi ko naman sila napapatay.
“Wow. That’s great. So... girlfriend ka ba ni Kuya Milkaine?” tanong niya at napaupo nang maayos ang kuya niya. Bored ko lang itong tiningnan.
“Mukha ba akong papatulan ng kuya mo?” tanong ko sa kanya at napangisi naman siya.
“Kuya, parang ikaw yata ang rejected,” aniya rito.
“Shut up.”
“Pansin ko na kanina ka pa tahimik. May kapalit ba ang pagtulong mo sa akin? Sabihin mo na,” wika ko.
“Wala. Kahit may atraso ka pa sa akin kahapon. Alam mo ba na mahigit isang oras ang hinintay ko sa ’yo? I was so worried kaya kahit bawal pumasok sa restroom ng mga babae ay ginawa ko pa rin.” Bayolenteng napalunok ako at parang naumid ang dila ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng guilt sa sinabi niya. Saka ano raw ulit? Worried siya sa akin? Ni hindi naman niya ako kilala para mag-alala siya sa akin.
Sunod-sunod naman ang pagsubo ng pancake ng kapatid niya at wala na sa amin ang atensyon niya. Gutom yata siya at naabala pa namin.
“Pasensiya na. Kailangan ko na talaga kasing umalis dahil marami akong trabaho,” pagdadahilan ko kahit na sinadya ko talagang umalis kahapon.
“Maraming trabaho? Nawalan ka na nga ng trabaho,” saad niya at napahalukipkip pa siya. Napaismid ako.
“Ako mismo ang nag-resign sa mall na iyon,” sambit ko at kumibot-kibot ang bibig niya. He was about to say something nang may isang babae ang tumawag sa kanya.
Sa gulat niya ay napatayo pa siya. Maski ang kapatid niya ay ganoon din ang ginawa. Lumingon naman ako sa aking likuran.
Isang magandang babae ang nasa harapan namin ngayon. Malaki rin ang pagkakahawig nito sa kanilang dalawa. May karga-karga siyang isang batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay buwan pa lamang ang edad nito. Baka nasa 6 months old pa at bumaba pa ang tingin ko sa isang batang lalaki na nakahawak sa bestida niya, may hawak itong laruan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...