CHAPTER 39

5.5K 74 1
                                    

Chapter 39: Revelation

“WALA po riyan sa bahay si Froyee, Mom?” tanong ko sa aking ina. Kahit imposible na uuwi agad ang girlfriend ko nang hindi ako kasama. I told her to wait.

Wala. Ano ba talaga ang nangyari, son? I thought magkasama kayo ni Froyee? Sabi mo rin na girlfriend mo na siya?” my mother asked.

“We still looking for her, Mom. Sabay po sana kaming uuwi ni Froyee dahil sabi mo rin po ay ma-n-notice mo na siya pero...” I sighed. “I’ll call you later, Mom. May i-c-check lang po kami,” paalam ko.

“Okay. Tumawag ka kapag nakita mo na siya or kung umuwi na rin siya sa house natin ay ako ang tatawag sa ’yo,” she said.

“Okay po.”

Nasa CCTV operating room kami at tinitingnan nila ang nangyari sa parking lot noong umalis ako para kunin ang cellphone ko. Inisa-isa pa nila itong hanapin dahil malaki ang basement at maraming sasakyan ang naka-park.

Kanina pa ako hindi mapakali. Pinipilit ko na lang na maging kalmado. Tinawagan ko na rin si Gladysse para ibalita sa kaniya na nawawala si Froyee. Malutong na mura pa ang narinig ko mula sa kaniya saka niya tinawag ang Monteverde na kasama niya.

“Mom, sinuntok po ako ni Kuya Milkaine sa tiyan ko.” Napalingon naman ako nang magsalita ang isa ko pang kapatid. Nakaupo rin siya at hawak niya ang tiyan niya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagsusumbong niya. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa side niya ay mabilis siyang nag-iwas nang tingin.

“Parang bata,” matigas na saad ko at tumutok na ulit ako sa computer nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ito nang hindi ko binabasa ang caller ID.

“What did you do to your brother, Milkaine?” malamig na tanong ni mommy. Bayolenteng napalunok ako at tiningnan ko ulit si Blaixe. Ang inosente ng mukha ng gágo.

“Mom, hindi naman po masakit,” pagdadahilan ko.

“Kahit na, Milkaine Irick! Hindi mo dapat pinagbubuhatan ng kamay ang kapatid mo!” sigaw nito sa akin at mariin na napapikit na lamang ako. Napansin ko naman si Blaixe na pinipigilan na niya ang matawa. I glared at him.

“I’m sorry, Mommy. Hindi ko na po uulitin,” mababang tonong wika ko.

Mabait ang aming ina, maasikaso siya sa amin at kahit malaki na kami ay palagi niya pa rin kaming inaalala. Iyong pagmamahal na ibinibigay niya sa aming magkakapatid ay pantay- pantay.

Napatunayan din naman iyon lalo na kay Ate Rish. Hindi ito nagmula sa kaniya dahil anak lang ni daddy sa nauna nitong asawa pero hindi talaga kagustuhan ng aking ama na pakasalan ang biological mother ni Ate Rish.

Hindi naman daw kasi ito naging mabuting ina at si mommy ang nagparamdam kung paano magkaroon ng isang inang mapagmahal sa nakatatanda naming kapatid. Legal na anak na niya si Ate Rish pero kapag naririnig niya na pinag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na iyon ay nagagalit siya. Dahil hindi na raw namin puwedeng ungkatin pa ang tungkol doon.

“Mag-uusap pa rin tayo rito, Milkaine.” Binabaan na nga agad nang tawag ni mommy.

Dámn it.

“Sir, ito na po.”

Napaayos ako nang upo at tinutukan iyon. Naramdaman ko pa ang paglapit ni Blaixe sa tabi ko. Pareho naming pinapanood ang CCTV footage.

Una naming nakita na sabay kaming nagtungo sa basement at huminto kaming dalawa ni Froyee sa kotse ko. Binuksan ko pa ang pinto pero hindi ko naisip na pasakayin muna siya roon bago ko siya iwan.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon