Chapter 24: Cherry
WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.
“HOW did you end up in this country again?” she asked. Kailangan kong sabihin ito sa kanya para mas maging aware siya.
“My friend helped me escape. Siya ang anak ng mag-asawang umampon sa akin. I took a ship to this. But the boat we were on got caught and we were all arrested. We were brought to their headquarters. Ngunit hindi ko na nakayanan ang mga lalaking iyon. Masama ang kutob ko so I plan to escape too,” mahabang kuwento ko.
“Mga halang ang bituka. I can’t blame them tho. Masyado kang head-turner,” she said. Sanay na ako sa compliment kaya hindi ko iyon masyadong pinansin pa. Parang magiging immune ka na lang kapag sinasabihan kang ganoon.
“I am afraid that someday ay maghanap sila lalo pa na nasa kanila ang backpack ko na naglalaman ng mga papeles ko. May posibilidad din na ma-contact nila ang mga taong iyon,” problemadong saad ko.
“May kaibigan akong taga-NBI agency. Si Monteverde. Sa kanya ako lalapit pero baka may kapalit.”
“Huwag na.”
“No, let me handle that. Anyway, ilang taon ka noong inampon nila?”
“Eleven,” maiksing sagot ko lang at tumango siya.
“But napansin ko na fluent ka kung magsalita ng English. May kakilala ako na kapareho ng accent na gamit mo,” sabi naman niya. Hindi ko na pinapansin pa ang accent ng English ko kasi hindi naman iyon mahalaga.
“What do you mean by that?” I asked her.
“Iyong accent mo kakaiba. Nagmula ka ba sa mayaman na pamilya kaya ganyan ang accent mo?” Umiling ako. Hindi naman kami mayaman ng Mama ko.
“Bakit? Sino naman ang kakilala mo?” tanong ko naman.
“Ang family ng husband ni Ate Rish. The Monteverde family,” she replied. I shrugged my shoulders dahil baka nagkataon lang naman iyon. Wala akong koneksyon sa mga taong iyon. Dahil hindi ko naman sila kilala.
“Iniisip mo na isa akong Monteverde?”
“Yeah.”
“That’s very impossible. Wala akong kapatid. Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko,” giit ko sa kanya at bumuntong-hininga lamang siya.
Tuluyan na kaming pumasok sa dining nila at nandoon na nga ang lahat ng family niya. Nasanay na rin naman ako sa kanila pero minsan ay pinagbibigyan ko sila na magkasa-kasamang magpamilya. Si Ma’am Blaise lang ang pumipilit at wala nga talaga akong nagagawa.
Si Sir Jaive ay katabing nakaupo si Ace, iyong nakababatang kapatid ni Milkaine tapos nasa gitna naman nila ang bunso nilang si Kaiven saka si Milkaine na nasa tapat ko nang nakaupo.
Hindi ko mapigilan ang hindi sila tingnan. Talagang ang guguwapo nilang apat. Malaki ang similarity nila sa daddy nila at may nakuha rin naman sa kanilang ina.
Si Gladysse ay nasa gitna namin siya ng mommy niya. Nakaupo rin sa dulo si Rishikesh na sinusubuan na siya ng Lola Mommy niya. Masarap palagi ang breakfast na hinahanda nito kaya magana rin akong kumain. Dito pa yata ako mabubusog.
“I heard na ang panganay kong anak na lalaki ang nag-alaga sa ’yo kagabi, Froyee. Kumusta naman siya bilang nurse?” Nagulat ako sa biglaan na tanong ni Sir Jaive at wala sa sariling napatingin tuloy ako sa anak niya.
Si Milkaine na salubong lang ang kilay habang kumakain. Ibinalik ko rin ang tingin ko kay Sir Jaive.
“Pasado na po siya para maging nurse,” pakikisakay ko sa tanong nito na ikinatawa ng padre de pamilya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...