Chapter 9: Her lawyer
MAINGAY sa loob ng presinto. Naririnig ko ang pag-aaway at ang mga reklamo ng mga tao. Ngunit mainit sa loob ng selda at nakaiilang ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga preso. Babae naman sila at karamihan pa ay nasa edad 40’s at ang iba ay halos kaedad ko lamang.
Basag ang mukha, dahil sa dami ng pasa at putok sa mga labi. Magulo rin ang kanilang buhok na halatang nagsabunutan. Walang emosyon ko lang silang tinapunan nang tingin. Ano ba ang pakialam ko sa kanila? Huwag lang nila ako pakialaman kung ayaw nilang dagdagan ang sakit ng kanilang katawan.
Nakasalampak lang ako sa malamig na sahig at nasa likuran ko ang malamig na selda. Nang inaresto ako ng dalawang pulis ay hindi man lang nila ako hinayaan na makapagsuot ng sapin sa paa. Basta na lamang nila akong kinaladkad palabas sa apartment ko. Hoodie at pajama lang ang aking kasuotan.
Ang buhok ko na wala pang suklay ay hindi naman magulo. Ito ang unang beses na nadala ako sa silid-piitan at inaresto dahil sa kasong physical injury raw ng nabiktima ko.
Tiyak ako na ang lesbian na dati kong manager ang nagpaaresto sa akin. Hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin kaya ngayon ay gaganti siya. Tsk.
Wala akong smart phone na puwedeng tawagan kung sino ang mag-aareglo nitong pagkakakulong sa akin at magbabayad ng piyansa ko. May pera naman ako sa apartment, ngunit kailangan ko pa rin ng isang tao na maglalabas dito sa akin. Hindi ako ma-r-release kung walang tatayong guardian ko.
“Ano ang kaso mo, Ineng?” tanong sa akin ng babae at nagtawanan pa sila. Kinukutya ba nila ako?
“Ano ang pakialam mo sa kaso ko, ’tanda?” pamimilosopo ko at hindi na agad maipinta ang mukha niya.
“Nagtatanong ako nang maayos at sagutin mo na lang ako ng matino,” malamig na usal ko dahilan tumaas ang sulok ng mga labi ko.
“We’re not even close to answer your dàmn question at sino ka rin para sagutin ko? Tutal curious ka sa dahilan kung bakit nandito ako. Dahil sa mukha ko kaya ako naaresto,” saad ko at napatanga silang lahat. Hindi yata nila na-gets. I shrugged. Bahala silang intindihin iyon.
Bumukas ang selda at may marahas na humatak sa braso ko. Nagpumiglas ako kahit na isang babaeng pulis pa ang humawak sa akin.
“Ang tapang mo, ah,” komento nito sa akin.
“Even tho I’m a prisoner, may human rights ang bawat tao!” sigaw ko sa kanya at matalim ang mga matang tiningnan niya ako. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Akma niyang ihahataw sa akin ang hawak niyang batuta niya nang magsalita ulit ako. “May karapatan pa rin akong sampahan ka ng kaso kahit alagad ka pa ng batas.”
Marahas na bumuga siya nang hangin sa bibig. “Maglakad ka na lang bago pa ako masiraan ng bait sa ’yo!” inis niyang saad. I rolled my eyes. Eh, ’di masiraan siya! Pakialam ko ba sa kanya kung sa mental hospital siya babagsak?
Nagsalubong ang manipis kong kilay nang makita ko ang pamilyar na pigura ng lalaking nakatalikod mula rito sa kinakatayuan ko. Dalawa sila at kasama pa nila si Ady.
Tumikhim ang babaeng pulis at napaismid ako. Nang sandaling lumingon sa amin ang mga lalaki ay napatayo ang isa. Hindi ko inaasahan na pupunta pa talaga siya rito sa presinto. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Hindi dahil nahihiya lamang ako kasi rito pa niya ako nakita.
“Bakit nakaposas pa rin siya?” malamig na tanong niya at marahas na namang hinawakan ng pulis ang posas sa magkabilang pulso ko at tinanggal niya iyon.
Pabagsak akong umupo sa tabi ni Ady at bumuntong-hininga.
“Ate Froyee...”
“Maayos ang aking lagay, Ady,” mahinahon na saad ko at tumingin ako sa harapan. Ang kaninang kalmado kong mukha ay napalitan nang pagkalito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...