CHAPTER 27

6K 62 1
                                    

Chapter 27: Birthday Party

NAMANGHA ako sa laki ng bahay—mansion sa aking harapan ngayon. Ang ganda rin nito pero bakit kaya parang kakaiba? I mean, feeling ko ay may nararamdaman ako na something para kabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro dahil first time kong um-attend ng isang birthday party kaya ganito na lamang ang reaction ko. Kinakabahan ako at mabilis ang pintig ng puso ko.

Napapitlag naman ako nang maramdaman ko na may pumisil sa kamay ko at nakita kong si Milkaine lang pala. Hindi ko na namalayan pa na hawak na rin niya ang aking kamay. Nasa labas na rin pala ang family niya at nakababa na mula sa kanilang sasakyan.

“Are you alright, Froyee?” he asked me. Napaka-husky ng boses niya. Marahan akong tumango at dinala niya sa braso niya ang kamay ko. “Let’s go then. I’ll be your escort for tonight.” Hindi na ako umimik pa. Ngumiti pa sa amin ang parents niya at parang nakita ko na naman ang pag-sparks ng eyes ng mommy niya. Hindi namin kasama si Rishikesh dahil kahapon pa sila pumunta sa house ng grandparents niya.

Nang sandaling makapasok na rin kami ay hindi na ako masyadong nakaramdam pa nang kaba dahil iyon sa lalaking kasama ko. Ewan ko ba kung bakit sa presensiya pa lang niya ay feeling ko safe na ako at hindi na ako puwedeng mag-alala pa nang husto. Ito nga ang impact sa akin ng isang Rousville. Puwede akong kabahan sa presensiya niya na iyong wala namang takot kasi alam kong mabuting tao siya.

Nagagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko at hindi rin napapakali ang sarili ko. Pero ewan ko ba kung bakit ang weird ko rin. Nagugustuhan ko pa rin ang pakiramdam na ito. Dahil naka-heels na ako ngayon ay umabot na rin ako sa baba ng tainga niya.

Maganda nga sa loob at parang isang ballroom ito, may chandelier sa itaas. Napakaliwanag, magaganda ang pag-organize ng decorations, tables and chairs. Iilan lang ang mga guests. Tama nga si Ma’am Blaise, na family and friends lang ang invited.

Sumunod kami sa parents niya at huminto na rin sa isang table na may signboard na nakalagay at Rousville ang nakasulat dito.

Seven chairs siya, usually ay nasa 6 chairs lang ang iba pero may extra sa table ng Rousville family. Kung sabagay ang iba ay tig-tatlo.

“Mom, Dad!” Nakangiting lumapit sa parents niya si Ma’am Irish. Pink na off-shoulder ang gown niya at ang ganda niya ngayon. Hawak niya ang kamay ng panganay niyang anak na si Rishikesh na same lang ang outfit nila. Magkaiba lang ang style ng buhok nito.

“Mommy ’La, and Dada!” Bumitaw ito sa mommy niya para yumakap sa binti ni Sir Jaive. Binuhat siya nito at hinalikan sa pisngi.

“Where’s your Mama Florencia sweetie?” tanong ni Ma’am Blaise at nangunot ang noo ko sa narinig kong pangalan na binanggit nito.

Florencia? Iyon ang pangalan ng mother-in-law ni Ma’am Irish?

Parang bumalik ang kabog sa dibdib ko and I can’t wait to see her mother-in-law. I feel like kilala ko ito o baka nagkamali lang ako? Kasi imposible naman yata ang tumatakbo ngayon sa umisip ko. That’s very impossible.

“Oh, Froyee! I’m glad na sumama ka,” natutuwang sabi niya at humalik sa pisngi ko. Hindi naman didikit ang lipstick niya sa cheek ko. Niyakap niya rin ako.

“Yeah.”

“And, ang super pogi little brother ko pala ang escort mo.” Nagawa pa niyang pisilin ang pisngi ng kapatid niya na kalaunan ay hinalikan niya rin ito. Yumakap pa siya sa tagiliran nito at naglalambing na humilig pa sa dibdib.

Naka-i-insecure ang closeness nilang magkakapatid. Kaya naman tiningnan ko ang dalawa pa niyang kapatid. Ang kamay ni Blaixe ay nasa balikat na ni Gladysse pero nakapulupot din sa baywang niya ang isang kamay nito. Si Kaiven ay tahimik lang nagmamasid, na katabi ng kanilang daddy.

Sana may kapatid din ako na katulad nila. Iyong close na close sila sa isa’t isa.

Mayamaya pa ay umupo na nga kami maliban sa mag-asawang Rousville dahil hinanap pa ng mga ito ang in-laws ng anak nila. May food na sa table namin na sinadya nang ilagay rito at may mga desserts na rin. Sa amoy pa lang ay masarap na.

“Hala, there is no rice?” mahinang tanong ni Kaiven nang isa-isa niyang tinanggal ang takip ng mga ito. Tila nagrereklamo siya. Round table ito saka malaki at bakante ang dalawang upuan dahil wala pa ang parents nila.

“Just eat what’s on the table, Kaiven,” sabi ni Blaixe at dahil siya ang katabi nito ay ito mismo ang kumuha ng ulam para sa kanya. “Wala tayo sa bahay, okay? Kaya behave ka lang,” paalala pa ito sabay tapik sa ulo ng nakababatang kapatid.

“Hindi nakabubusog ang ulam lang, Kuya,” reklamo pa nito pero kumain naman na siya. “How about you, Ate Froyee? Nabubusog ka ba sa ulam lang?” tanong nito sa akin. Sina Gladysse at Milkaine ang nasa tabi ko side to side.

“Kapag marami na akong nakain na ulam,” sabi ko lang at kumuha na rin ako ng kakainin ko. Inabot pa iyon ni Milkaine para hindi ako mahirapan.

“Pero mas masarap pa rin kapag may rice. What if I will ask Ate Rish? Kahit tirang kanin lang nila ay enough na sa akin.” Isa sa nagustuhan ko rin sa pamilya nila ang hindi pagiging maarte sa lahat ng bagay.

“Just eat, Kaiven. Ang dami mong say,” sabat naman ni Milkaine sa kapatid at pinuno niya ng iba’t ibang ulam ang paper plate nito.

Nagsalin naman ng wine si Gladysse sa wine glass. Nang iinumin na niya iyon nang mabilis na pinalitan ni Blaixe ito ng ibang drinks.

“Kuya naman, eh!” mahinang suway niya.

“Nah-ah, my very beautiful sister Gladysse. Bawal ang alcohol ngayon,” mahinang sambit nito at ito rin mismo ang uminom ng wine. Naiiling na napangiti na lamang ako. He’s super protective. Nagsisimula na kaming kumain nang bumalik na rin ang mga magulang nila at sabay-sabay na kaming kumain.

A few minutes later ay nagsalita ang MC dahil magbibigay ng short message ang birthday celebrant. Nakatalikod ako mula sa stage kaya hindi ko makikita ang mga taong magsasalita roon.

Napahinto lang ako sa pagkain ko nang marinig ko na ang pamilyar na boses nito na may lambing. Nanginig ang kamay ko at muntik ko nang mabitawan.

“This is just a short message, everyone. I just want to thank you sa pagpunta ng 55th birthday ko. Again, thank you for coming and sa mga gifts niyo. Enjoy the party.”

May urge ako na dapat lumingon sa taong nagsalita pero may takot sa dibdib ko. Na parang masasaktan ako kapag lilingon pa ako para lang masigurado kung sino siya. Sa boses pa lang niya... Sa boses pa lang ay may kutob na ako na iisang tao lang ang mother-in-law ni Ma’am Irish sa babaeng nag-iwan sa akin 12 years ago.

“Froyee, you okay?” Milkaine asked me. Umiling lang ako at inabot ko ang tubig sa baso. Kung hindi lang siya umalalay sa akin ay baka nabitawan ko na ang baso.

Hinagod pa niya ang likod ko at binalewala ko na lamang ang mainit niyang palad sa balat ko. Ngunit hindi na talaga ako mapakali pa. Na parang gusto ko na itong lumingon hanggang sa marinig ko ulit ang boses niya malapit sa table namin.

“Dig in well, guys.” My hands are shaking at itinago ko na iyon sa ilalim ng mesa. Dahil baka may makahalata pa na kung bakit nga ba nanginginig ang mga kamay ko.

“Oh, thanks, Florencia. Ang sarap ng foods niyo.”

“Yeah, para naman mas ma-enjoy niyo ang foods and mabubusog kayo agad,” magiliw na sabi nito. Naramdaman ko ang paghawak ni Milkaine sa nanginginig kong kamay. I glanced at him at tipid na ngumiti siya sa akin.

Pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin hanggang sa nakakuha na rin ako nang lakas ng loob na tingnan ang babae. Parang bumagal pa ang paligid at nakita ko na nga ang maamong mukha nito na may matamis na ngiti.

Sumikip ang dibdib ko na parang paunti-unti akong sinasáksak ng kutsilyo at hanggang sa maramdaman ko na nga rin ang pagkirot sa puso ko. Nang magtagpo ang mga mata namin ay natigilan siya.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon