Chapter 26: Compliment
IT WAS Sunday morning, and like the usual ay dapat nag-out of town na ang Rousville family o kaya naman ay nasa private resort na silang lahat. Dalawang beses na akong nakasama sa kanila pero iba ang ginawa nila ngayon.
Maraming box ang nakalatag sa carpeted floor nila at isa-isa nilang tinitingnan iyon. Nang makita ako ni Milkaine ay agad siyang napatayo at nabigla na lamang ako nang hilahin ako nito palapit sa family niya.
“Mom, Froyee is here,” pagbabalita pa niya sa kanyang ina kaya binawi ko ang kamay kong hawak niya.
“Good morning, sweetie!” Sabay halik sa akin ng ginang. Napapansin ko na madalas niya akong tawagin na ganoon kahit na ganoon din ang tawag niya sa mga anak niya. May paminsan-minsan ay sa mga anak niyang lalaki. Wala naman akong nakikita na pagkailang kapag ganoon ang tawag sa kanila.
Mabait sila sa Mommy at Daddy nila. Kung sabagay nga naman. Sino ang hindi masaya kung may parents kang mahal na mahal ka? Sila ang mga taong masuwerte.
“Good morning po, Tita,” bati ko pabalik sa kanya at kinuha niya ang isang green velvet saka niya ibinigay ito. “Ano po ito?” I asked her. Nakangiting binuksan niya ito at nakita kong accessories lang pala. Pero sa hitsura pa lang nito ay halatang expensive na. Isang set kasi siya, may bangle bracelet din na kulay green. Same color sa pendant na clover, singsing and wristwatch. Pati na ang earings.
“Tonight ay sasama ka sa amin to attend the birthday party, and I want to wear this, Froyee. May napili na rin akong gown and heels mo. Mamaya ay darating ang make-up artist natin to help us. Since day-off mo naman today.”
“Tita, hindi po ba nakahihiya kapag sasama ako sa inyo kahit hindi naman po ako invited?” nag-aalangan na tanong ko. Umiling siya at magiliw na ngumiti.
“No, hija. In-laws iyon ng anak kong si Irish. Yes, invited person lang naman pero kaunti lang ang guests nila. Friends and family only. Dahil masyado silang private person at dahil may service sila sa government ay nag-iingat din sila. Don’t worry, nagsabi na rin ako sa balae kong babae na may kasama kami bukod sa mga babies ko,” paliwanag niya na itinuro pa niya ang mag-aama niya.
“Let’s go together, Froyee. Para naman sumama ang anak ko.”
“Dad, here you are again,” sabat ni Milkaine.
“Pretty please, sweetie? Gusto rin kasi kitang ipakilala sa iba.” Tumango na lamang ako at wala na nga akong choice pa kundi ang mag-agree.
Sino ba naman ako para tanggihan si Ma’am Blaise na wala namang ibang ginawa kundi ang alalahanin ako at patirahin sa house nila?
“Sige po, Tita,” sambit ko at lumapad ang ngiti niya.
“Finally! My son, dalhin mo na sa room ni Froyee ang damit niyang isusuot later at night. Wala nang pagpipilian iyan dahil alam kong bagay at kasya na sa iyo, hija.”
“Maraming salamat po, Tita,” sabi ko at nauna si Milkaine na bitbit na ang isang naglalakihan na box. Mabilis din akong sumunod sa kanya. Ako ang nagbukas ng pinto at nilakihan ko ito para makapasok na siya.
“Saan ko ito ilalagay, Froyee?” Itinuro ko ang sahig.
“Sa baba na lang.” Sinunod naman niya iyon pero binuksan niya ang laman. Ibinaba ko sa kama ang dala ko at malakas kong tinampal ang kamay niya.
“Ouch, Froyee! Bakit ka ba nananakit?!” sigaw niya.
“Ano ba ’yang gagawin mo kasi?” supladang tanong ko sa kanya. He rolled his eyes.
“I just want—psh.” Isinara ko na iyon ulit. Hindi naman niya nakita pa. Hinila ko ang braso niya at itinulak palabas. “Ang damot mo naman, Froyee, eh!”
“Tsk. You’re acting like a gay, Milkaine! Gown iyan, gown!”
“I know right! And what the hèll?! Umaakto na ako parang—what?! Gusto mo yatang ihagis kita sa kama!” pananakot niya at buong puwersa ko na siyang naitulak palabas. Kunot na kunot ang noo niya. “Nevermind,” sabi niya lang saka niya ako tinalikuran.
First time kong maka-attend sa isang birthday party at kinakabahan ako. Kasi baka maraming tao roon tapos mapapansin na naman nila ang mukha ko. 8:00 in the evening magsisimula ang party until 11:00. Kaya naman noong 6 pa lang ay naghanda na kami.
Ang akala ko ay isa lang ang make-up artist nila pero apat pala sila. Doon sa dressing room ni Ma’am Blaise kami pinagsama-sama. Pinabuhat pa nila ulit ang boxes namin. Si Sir Jaive ay kahit nandiyan na ang dalawang anak niyang lalaki para magbuhat no’n ay tumulong din siya. Gown iyon ng wife niya, eh.
“Mom, dapat po balot na balot ang gown ni Gladysse. Hindi iyong easy access.” Nag-react agad si Gladysse nang marinig ang sinabi ng Kuya Blaixe niya.
“And what do you mean about easy access, Kuya? Serious?!”
“Chill, Gladysse. I’m just protecting you. Na isa pa bahay ng partners mong pulis ang pupuntahan natin. I’m watching you, Gladysse.” Itinuro pa nito ang dalawang mga mata niya saka siya tuluyang lumabas.
Nakita ko pa ang pag-fistbump nila ng daddy niya. Tapos si Milkaine ay tinapik lang ang balikat niya. When Milkaine looked at me, he just shrugged his shoulders before he took his leave too.
Golden V-neck gown ang suot ni Gladysse, ibang-iba ang looks niya ngayon. Lalo pa na naka-make up siya. Kasi simple lang naman kung mag-ayos siya. Ang buhok niya ay nakabungkos pataas.
Si Ma’am Blaise naman ay wrapped dress na kulay black. Sa akin ang emerald green one-shoulder floaty fabric. Visible pa rin ang balikat ko kasi float nga ang tela nito. Ang kalahati ng buhok ko ay naka-tie rin. Iyong baby hair ko ay pinakulot pa nila.
“Madam, ang dalawang alaga niyo po ay puwede ng mag-artista,” natutuwang sabi ng baklang make-up artist. Napangiti ito.
“Ang anak kong si Gladysse. Hay naku, Mother Lily. Mas like niya ang humawak at magsuri ng dead body,” sabi nito at nag-roll eyes pa. “Tapos si Froyee, hmm... Ayokong pagpilahan siya ng mga actor, business man or mga lalaki na mahuhumaling sa kanya. It’s a big for no and baka magalit ang baby boy ko.”
“Oh, sino po sa mga anak niyong lalaki ang nakakuha ng heart ni Ms. Froyee, Madam?” Sinasabi ko na nga ba na iba ang nakikita niya.
“Malalaman mo rin, Mother Lily.”
Ilang minuto pa ang nakalipas saka kami nagpasyang lumabas na rin. Mataas ang heels ko at ang ganda pa dahil bumagay sa akin.
Tatlong kotse ang naka-park sa labas at nandoon na ang mga lalaking kasama namin. Iniwasan ko ang mapatingin kay Milkaine pero ramdam ko na agad ang titig niya.
“Oh, my Gladysse! Dito ka sa car ni Kuya Blaixe!” Si Ace or Blaixe, mabilis niyang inalalayan si Gladysse sa kotse niya.
“Doon ako kina Dad at Mom, Kuya!” reklamo niya.
“Nope, nandoon na si Kaiven.” Ang bunso nila ay mabilis na sumakay sa backseat.
“Froyee, sweetie.” Binalingan ko si Ma’am Blaise. “Since close na kayo ni Milkaine. Sa kanya ka na sasakay, okay?” Tumango lang ako dahil ayokong abalahin pa sila.
Sumakay na nga ako sa car ni Milkaine at naka-black suit siya. Siya lang yata ang walang tie tapos ang longsleeve niya ay light green. Inaamin kong guwapo nga talaga siya. Walang duda iyon dahil maganda ang genes ng family nila.
“Stop staring at me, Froyee,” suway niya. Marahan na tinapik-tapik niya ang manibela.
“Bakit takot ka rin na tingnan ako?” tanong ko.
“Baka maaksidente tayo, Froyee. Sa ganda mo ay baka iuwi kita.”
“Bakit mo naman ako iuuwi? Psh,” masungit na sambit ko rin. Pero naramdaman ko lang ang pag-init ng pisngi ko sa complimentary niya.
“You’re so breathtaking, Froyee. Baka hindi ko mapigilan na halikan ka riyan.” Nagsalubong lang ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...