Chapter 38: Disappear
MILKAINE’S POV
INIWAN ko lang saglit si Froyee sa basement. Nasa sasakyan ko naman siya at wala namang mangyayari sa kanya na hindi maganda. My girl knows how to fight kaya kampante ako na iwan din siya roon. Mas marunong pa ngang makipaglaban iyon kaysa sa akin.
Kailangan ko lang talagang balikan ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang tawag ng nakababatang kapatid ko na si Gladysse.
Habang nasa penthouse ko si Froyee ay tinanong ko si Gladysse kung may nalalaman ba siya tungkol sa nakaraan ni Froyee at alam ko naman na hindi maganda kapag nanghimasok ako pero may mga bagay akong napapansin about her. I want to help her kahit hindi niya hinihingi iyon.
Lalo na roon sa Monteverde family. Doon nagbago ang mood ni Froyee nang makita niya ang mother-in-law ni Ate Rish. Nagtataka lang din ako dahil halos hindi na rin nito tantanan nang tingin si Froyee at bumisita pa ito sa mansion namin.
Gladysse told me everything, and Froyee, may mga sinabi rin siya that she came from Japan at tumakas lang siya. Sa sources ng kapatid ko ay may naiwan na backpack ito. Yeah, nahuli ang ilegal na biyahe from Japan to Philippines. Isa na iyon sa pinapaimbestigahan nila at alam kong hinahanap pa rin nila ang may-ari nito.
Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang babaeng mahal ko. Wala akong pakialam sa pinagmulan niya. Minahal ko ang kung ano siya at kung ano rin ang mayroon siya.
’Saktong pagpasok ko sa penthouse ay narinig ko na ang tunog ng cellphone ko. Nasa center table iyon. Tumaas pa ang sulok ng mga labi ko dahil sa naalala ko sa mga nakalipas na ilang araw.
Hindi kami lumabas. Nagpa-room service lang kami kapag nagugutom na kami pareho. Sinigurado ko rin na may mabubuo na kami para hindi na niya ako pagtabuyan pa at wala na rin siyang kawala sa akin. Sinadya kong itapon ang contraceptive pills niya.
My girl has a strong personality, expressionless, and independent woman. She’s the type of girl you can’t get close to. She’s a fighter and true to herself.
“Gladysse?” Agad din akong lumabas para balikan ang girlfriend ko. Yeah, naging girlfriend ko na nga siya when I told her I love her. Hindi ang katawan niya ang habol ko. Ang puso niya mismo.
“Where is Froyee?” tanong niya agad mula sa kabilang linya.
“Kasama ko siya. Nasa basement,” sagot ko.
“Nakuha na namin ang backpack ni Froyee, Kuya. But may bad news tayo,” problemadong sabi niya agad.
“Ano naman ’yon?” salubong ang kilay na tanong ko.
“Dumating sa bansa kahapon ang mag-asawang umampon sa kanya. Ngayon lang namin nalaman iyon nang makakuha na kami ng info sa sources namin. Kuya, hindi na safe si Froyee. Binabalak ng mag-asawang Takazi na ibalik siya sa Japan and what is worst? Nasa blocklist na siya. Mahanap man siya ng mga Takazi at dalhin ulit sa Japan o nagawa pa ring magtago ni Froyee ay hahanapin pa rin siya ng mga awtoridad para ma-deport siya sa bansang pinagmulan niya,” mahabang paliwanag ni Gladysse.
Binilisan ko ang paglalakad ko para makarating agad ako sa parking lot. Nagsimula na akong balutin nang kaba at takot kahit na alam kong safe rin sa hotel ko.
“What about her backpack? Nakita ninyo na ba ang laman? Alam mo rin na hindi original Japanese si Froyee. She came from her,” I told her.
“Exactly, Kuya. Pero may karapatan pa rin sila kay Froyee. Legal na anak nila ito. Anyway, sinusuri na namin ang backpack niya. Maraming pera sa loob. Tawagan na lang kita para bigyan ka ng update. Just take care of her.”
“I will but you know she knows how to fight,” sabi ko pa.
“Physically, Kuya. She can fight at alam siguro ’yan ng mga taong umampon sa kanya. Kung gugustuhin nila na makuha si Froyee ay gagamit sila ng drugs. Alam nila kung sa pakikipaglaban ay hindi nila makukuha ito.”
God, my baby!
“Tumawag ka na lang mamaya, Gladysse.” I’ll hang up the phone at tinakbo ko na lamang ang parking lot. Kailangan ko lang sumakay ng elevator. Ilang beses kong pinindot ito at sinubukan ko nang tawagan si Froyee pero ring nang ring lang ang phone niya.
Halos suntukin ko na ang pintuan ng elevator para lang bumukas ito. I just called our CCTV operator and he only answered a few rings.
“Give me an update on what happened in the basement right now!” I screamed.
“Pardon Sir?” Mariin akong napapikit.
“Check the fvcking CCTV footage in the parking lot! Check my car if still there or if there is anyone out there!Tell some security guards to be there!”
“Noted, Sir!”
Bumukas din ang elevator at nagmamadali na akong lumabas. Nang makalapit ako sa kotse ko ay binuksan ko agad ang pinto sa passenger’s seat.
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang hindi ko makita ang girlfriend ko sa loob niyon. Hindi naman siya aalis nang hindi ako kasama.
“God, where is she?” Napatingin ako sa CCTV camera. Diretsong nakatutok ito sa direksyon ko. Kung may nangyaring kidnapping dito kanina ay alam kong makikita agad iyon ng mga operator ko.
I tried to call her phone. Napalingon pa ako sa likuran ko nang makarinig ako nang ingay roon. Lumuhod ako at kinuha ko ang bagay na nasa sahig. Nanginig ang kamay ko nang makita kong cellphone iyon ni Froyee.
Limang security guards ng hotel ko ang lumapit sa kinaroroonan ko. Alerto na agad sila. Nakilala ko rin ang CCTV operator namin.
Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko sila. Sabay pa silang napaatras sa takot sa ’kin. “Nasaan kayo sa mga oras na may nangyaring kidnapping dito?! May mga tao ang nakapasok sa hotel na binigyan ninyo ng permiso na pumasok sa basement?!” Napayuko sila nang sigawan ko na sila. Tinadyakan ko ang gulong ng kotse ko. “Check the CCTV footage again and find out if there was a car that came earlier before I fire you!”
“Yes, Sir!”
May dumating pa na tatlong security at alam ko na kung ano ang gagawin nila. Pinalibutan kasi nila agad ako.
“Hindi ninyo ako kailangang bantayan! Iyong taong nawawala ang hanapin ninyo!” sigaw ko pa sa kanila.
“Kuya! What the hèll happened?!” Dumating naman ang isa kong kapatid na si Blaixe.
“Nawawala si Froyee,” mabilis na sagot ko.
“Ha? Hindi ba binahay mo siya sa penthouse mo para masolo mo?” Sinamaan ko siya nang tingin at nagtaas agad siya ng dalawang kamay niya. Hindi siya nakatutulong at hindi ako nakikipagbiruan. “Chill. Hindi ba magkasama naman kayo?” kunot-noong tanong niya.
“Kanina. Pero iniwan ko lang siya rito para kunin ulit ang phone ni Gladysse pero pagbalik ko ay wala na siya at itong cellphone niya ay nasa sahig na. Masama ang kutob ko rito,” malamig na saad ko. Nagsisisi ako na kung bakit iniwan ko na lamang siya bigla rito. Bakit ba kasi inuna ko pa ang phone ko?
“Mahirap dukutin si Froyee kung iyon ang nangyari sa kanya, Kuya. Unless na iniwan ka na niya nang—” Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita niya dahil sinikmuraan ko na siya. “Fvcking shít, Kuya! Isusumbong kita kay Mommy!” Napasalampak pa siya sa sahig.
“Hindi nakatutulong ang mga sinasabi mo!” sigaw ko sa kanya at hinatak ko siya sa braso para alalayan na makatayo. Nagsisisi naman ako sa ginawa ko sa kanya. “Masakit ba?”
“Tang-ina mo, Kuya! Isusumbong pa rin kita kay Mommy!”
Napasuntok na lamang ako sa hood ng sasakyan ko dahil naghalo-halo na ang inis at galit ko. Nag-alala rin ako para kay Froyee.
God, sana naman ay ligtas siya at walang nangyari sa kanya ng masama. Dahil makapapatay talaga ako kapag nakita kong sinaktan nila si Froyee.
Be safe, baby...
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)
RomanceBeing a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this country and that's the only way you can live and survive hunger. Froyee Hannabi, just three months af...